Chapter 65: New Life!

198K 4.1K 469
                                    

                  

Chapter 65: New Life!

"Blaze!"

Isinigaw ko ang pangalan ni Blaze, sobrang sakit na kasi ng tyan ko, manganganak na ata ako.

"Blaze!" Sigaw ko ulit.

Last week nagpractice na kami kung ano ang gagawin incase na manganak na ako pero ngayong nangyayari na nga, missing in action naman yung magaling kong asawa.

"Blaze!"

Napaupo na ako dito sa may hallway. Hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Iniinda ko pa rin yung sakit nung may bigla na lang magsalita sa may tabi ko, sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na napansin na may tao na palang nakalapit sa akin.

"Oh Keira, anong ginagawa mo dyan? Uso din ang gumamit ng kama. Grabe ka, ganyan ka pala basta inantok ka, itutulog mo na lang kahit saan"

"Raven, manganganak na ako ano ka ba!!!"

"Ano?! Manganganak ka na?? Bakit??? Wag na muna! Lowbat ang cellphone ko kaya baka hindi kita ma-videohan eh!"

"Bwisit ka! Dalhin mo na nga lang ako sa hospital! O kaya tawagin mo si Blaze!"

Sakto namang pagsigaw ko dumating nadin ang asawa ko at wala ng tanong tanong dahil basta nya na lang akong binuhat at idineretso sa kotse nya.

Pagdating namin sa may garahe agad na binuksan ni Raven yung kotse, pero ang siraulo nakuha pang manghiram ng cellphone kay Blaze para daw ma-videohan nya lahat ng moments sa panganganak ko. Mabuti na lang talaga at hindi sya pinahiram ni Blaze.

Si Raven na ang pinagdrive ni Blaze para daw maalalayan nya ako dito sa may likod ng kotse. Habang nasa byahe, yakap yakap lang ako ni Blaze.

"Kumapit kayong mabuti! In approximately 1 minute nasa hospital na tayo basta ba papaliparin ko tong kotse mo Kuya! Kuya Blaze, sensya na kung gagasgasin ko muna tong pinakamamahal mong kotse ha!"

"Ayusin mo ang pagmamaneho mo!"

"Oh sige kuya, anong gusto mo? Aayusin ko pagmamaneho ko pero dito mapapaanak si Keira sa kotse mo o papaliparin ko para makarating tayo kaagad sa hospital? Ano?"

"Fine! Make this fuckin car fly! Pero ayusin mo padin ang pagmamaneho mo!"

Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Papaliparin ang kotse pero dapat maayos padin ang pagmamaneho? Saan ka naman nakakita ng ganun. Loko loko talaga tong magkapatid na to.

After what seemed like ages nakarating din kami sa hospital, at that point in time parang hindi ko na alam ang nangyayari, sobrang sakit na din ng nararamdaman ko pero alam ko na hindi binibitawan ni Blaze ang kamay ko.

"Another one is coming out!" Someone shouted.

***

I don't know how many hours I slept, pero ramdam ko ang sobrang pagod. Sinubukan kong bumangon pero agad akong pinigilan ni Blaze.

"Hey, don't get up yet wifey. Kailangan mong magpahinga" Inalalayan nya akong makahiga ulit ng maayos then he sit beside me.

"Are you hungry? Tell me anything you want wifey" Blaze said. Umiling lang ako. Ang totoo nyan, medyo nagugutom na nga ako, pero mas gusto kong makita ang mga babies namin kesa sa pagkain.

"Nasaan ang mga anak natin Blaze? I wan't to see them"

"Parating na sila, Ann Dee and Raven went to the nursery, sila ang inutusan ko para kunin ang mga anak natin"

And as if right on cue may biglang kumatok sa may pintuan. I thought it was Raven and Ann Dee pero hindi naman sila ang napagbuksan ni Blaze kundi dalawang nurse at pareho silang may hawak na baby.

Yung isang baby nakabalot sa pink na blanket samantalang yung isa naman ay sa blue na blanket. Ibig ba nitong sabihin boy at girl and baby namin ni Blaze? Agad namang lumapit yung nurse sa amin, ibinigay nung isa yung baby boy namin kay Blaze at ibinigay naman nung isa yung baby girl sa akin.

Ngayong nakita ko na sila masasabi kong sulit yung pagod ko. Worth it lahat ang sakit na naramdaman ko the moment I saw them.

"Ang cute ng baby girl ko!"

"And my son looks handsome as well" ani naman ni Blaze. Syempre mana sa tatay pagdating sa kagwapuhan eh.

Pinagmamasdan ko ang mga anak ko nung biglang lumapit sa akin yung isang nurse, may ibinibigay sya sa aking sulat pero hindi ko naman mahawakan dahil may hawak akong baby.

"Ano yan?" tanong ko sa nurse.

"Pinabibigay po ni Sir Raven"

Pagkarinig ko sa pangalan ni Raven, I felt uneasy. Basta kasi pangalan ni Raven ang ma-me-mention may kaakibat na yung kalokohan.

"Read it out loud" Blaze ordered. Agad namang sumunod yung nurse at nagsimula na nyang basahin yung letter na galing kay Raven.

"Dear Kuya Blaze and Keira. First of all congratulations! Hindi lang isa ang nadagdag sa pamilya natin kundi dalawa. BTW Kuya Blaze, hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa mo sa akin, pero don't worry no hard feelings, kasi masaya ako para sayo right now. Sorry nga pala kuya, may kailangan kasi kaming asikasuhin ni Ann Dee kaya nauna na kaming umuwi sa bahay at sa mga nurses ko na lang ibinilin yung pagdadala nung kambal dyan. At bago ko nga pala makalimutan, ako na ang kusang nagparegister dun sa dalawa habang tulog pa si Keira at nakabantay naman si Kuya Blaze sa nursery. HAHAHA. Isinama ko na pala dyan yung birth certificate nila. Bye-Bye!"

Pagkatapos basahin nung nurse yung sulat, dali dali na silang umalis nung kasama nya, paano ba naman hindi na maipinta yung pagmumukha ni Blaze. Inilapag muna namin yung kambal sa may kama at kinuha namin yung sinasabing birth certificate ni Raven. Naku, wag lang talaga syang magkakamali, baka mapatay ko na sya. Ibinigay sa akin ni Blaze yung isang birth certificate at nagimbal ako sa nakita ko.

HIKARU AERONDALE. MALE.
HIKARI AERONDALE. FEMALE.

Nakaramdam ako ng kaunting disappointment, ang gusto ko sanang pangalan ng magiging anak ko kapag lalaki ay Ren Ichiro. Tinitigan ko ng masama si Blaze at mukhang nagtaka sya sa ikinilos ko.

"Hey, why are you looking at me like that?"

"Kasalanan mo to"

"Me? Why me?"

"Ikaw kasi eh, pinagtripan mo sya! Ayan tuloy gumanti sya. Alam mo namang idol nun si Lucifer ehh tsaka di naman tumatalab ang kasungitan mo dun ehh."

May nalalaman laman pa si Raven na 'no hard feelings' dun sa letter nya pero ang totoo hindi nya talaga naitulog yung ginawa ni Blaze sa kanya. Siguro pinag-isipan nya talagang mabuti tong ginawa nya, buwan na ang lumipas pero hindi nya pa rin nakakalimutan.

"Don't worry I'll surely kill Raven for sure or kung hindi ko man magawa gagawan natin ng paraan to"

Lumapit naman sa akin si Blaze then he hug me and kiss me on the forehead. I hug him back, hindi ko na muna iisipin yung bagay na yun. Siguro naman, magagawan pa ng paraan. Magkayakap lang kaming ganun nung biglang umiyak si Hikari, ang baby girl namin. Mukhang nagugutom na sya kaya kinarga ko muna sya at pinadede. Tinignan ko naman si Hikaru at tahimik na syang natutulog. Ang bait naman ng baby boy namin.

I can't help but smile. Now I feel complete, I have a great and loving husband and I now have two cute little babies. Dati nung nasa poder pa ako nina Tita, akala ko hindi ko mararanasan yung ganito pero nagkamali ako. Nakilala ko nga ang prinsipe ko, pero hindi pala sya ang nakatakda para sa akin, dahil yung nakalaan para sa akin ay naliligaw pa nung mga panahong iyon sa deep deep forest. But now he found me, and I don't have any intentions of letting him go.

Because honestly I love this mafia boss of mine so much. :D

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon