Chapter 52: Wedding

189K 4.1K 167
                                    

Chapter 52:
Wedding


Everyone is wearing black. Again.

"Raven, remind me again why you're all wearing black. And can you please explain to me why we are the only one's wearing white"

By 'we' ang tinutukoy ko ay sina Ann Dee at ang mommy nina Blaze, plus Zoe who is wearing a white wedding dress.

"Its actually a family tradition. All Aerondale women must wear white especially at events"

Napakunot ang noo ko dahil sa isinagot nya.

"Bakit naman? Sino naman ang nagpauso ng ganyang klaseng tradisyon?"

"Our great grandfather. Naniniwala kasi sya na ang white ay ang kulay ng kalinisan, purity. He loved our great grandmother so much that's why he didn't let her participate in any mafia related activities, in short her hands are free from the taint of death. So ever since then nakareserve na ang white para sa mga Aerondale women, because they are like a symbol, the one we Aerondale men need to protect at all cost"

"Ang sweet naman pala nya"

"I know right at sa kanya ako nagmana ng ka-sweetan"

"Ewan ko sayo Raven"

Isang oras na lang at magsisimula na ang kasal. Sunod sunod ng nagsisidatingan ang mga bisita, from politicians to business tycoons, there are even local celebrities. Hindi na nakakapagtaka yun, after all pareho namang kilala ang pamilya Aerondale at ang pamilya Coltier.

Amongst the crowd I saw two familiar faces. Mukhang nakita din sila ni Raven dahil bigla na lang syang na-tense.

When Spade saw me, he smiled and waved at me happily. Terrence on the other hand looked like he is about to die of boredom. It still baffles me kung paanong naging under ni Blaze si Terrence samantalang kapatid ito ng mortal enemy nya.

"You look beautiful today Keira" puri ni Spade nung makalapit na sya sa amin.

"Thanks" tipid na sagot ko.

"Alam mo na-miss kita, lalo na yang ngiti mo" Seryosong sabi ni Spade sa akin. I was about to answer him pero sumabat na si Raven.

"I think its best if you keep your thoughts to yourself Spade. I'm sure my brother wouldn't like to hear that kind of crap coming from your mouth"

"You are such a prick, kelan ka pa naging killjoy Raven? I thought among you three ikaw ang pinaka-madaling pakisamahan"

"May topak ako ngayon" mataray na sagot ni Raven.

Bago pa lumala ang sitwasyon inaya na ni Terrence ang kapatid na si Spade para maupo sa table na nakalaan para sa kanila. Pumayag naman sya pero bago sya umalis hinawakan nya muna ang kamay ko at marahang pinisil ito. The moment they were gone, may bigla na lang iniabot si Raven sa akin.

"Alcohol? Aanhin ko naman to?" Tinignan ko si Raven ng may halong pagtataka pero nginitian nya lang ako ng nakakaloko.

"Try mong inumin para matuwa naman ako sayo. Tsk. Syempre ipahid mo sa kamay mo, ako ang malalagot kay Kuya kapag nagkataon"

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Madaming mata si Kuya na nakabantay sayo. Malamang alam na ni Kuya na kinausap ka ni Spade kaya mag-alcohol ka na para mabawasan ang galit nya. Ayaw na ayaw pa naman nun na may humahawak sayong ibang tao"

"Ang arte ha"

"Just do it. You can never reason with someone who is madly in love you know"

After a few minutes of waiting the wedding coordinator finally announced that the wedding is about to start.

It started just like any normal wedding, the groom and the wedding entourage walk down the isle hanggang sa ang bride na lang ang hinihintay ng lahat. Dahil garden wedding ang napili ni Zoe, gumawa na lang yung wedding coordinator ng make shift curtain na gawa sa pink petals para hindi namin kaagad sya makita at nung oras na para maglakad sya hinawi nila yung flower curtain.

I must say I'm a little envious, hindi dahil sa ikakasal sya kay Sven na ex ko pero dahil kumpara sa kasal ko mukhang normal at maganda ang kasal nya.

Nasabi nya ang mga gusto at ayaw nya sa kasal nya, samantalang ako walang say sa kasal namin ni Blaze. Kagagaling ko pa sa sakit nun, salamat na lang talaga sa powers ng make-up.

Di nagtagal nagsimula na ang ceremony, katabi ko si Raven at Ann Dee dahil nawawala na naman ang magaling kong asawa. Sabi nya sa akin po-protektahan nya ako pero nawawala naman sya. Nagpakita lang sya nung oras na para sa family picture.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" Pag-i-interrogate ko.

"Business meeting" tipid na sagot nya.

Business na naman? Typical Blaze.

Pagkatapos ng 'photo ops' lumipat na kami sa reception area na ilang metro lang naman ang layo. Hindi ko alam kung sino ang may pakana sa seating arrangements pero mukhang pinaglalaruan nya kami dahil kasama namin nina Blaze, Raven at Ann Dee sina Spade, Terrence at Bullet. Talk about opposing teams.

Mabuti na lang at nabawasan ang tensyon nung biglang tawagin ni Mr. Coltier si Spade. Mukhang hindi na din natiis nina Bullet at Terrence ang presensya namin dahil bigla na lang silang umalis.

"Keira" mahinang tawag ni Blaze sa akin.

"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko.

Imbes na sagutin ako, naginitian nya lang ako but he mouthed something at me that made me blush a little.

"I love you too" sagot ko sa parehong paraan.

"Excuse me lang ha. Hindi lang kayong dalawa ang marunong magbasa ng bibig, sana sinabi nyo na lang ng malakas nag-effort pa talaga kayo"

"Raven" Blaze warned.

"Sabi ko nga behave na ako eh"

Natawa na lang kami ni Ann Dee. Serves you right Raven. Loko loko kasi masyado.

Habang hinihintay namin na i-serve ang mga pagkain naramdaman kong hinawakan ni Blaze ang kamay ko ng mahigpit. Tinignan ko sya, pero nginitian nya lang naman ako. Anong problema ng isang to?

"No matter what happens, don't leave my side. Got that?"

"Got it"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to:
Jecilcanzado <3

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon