Chapter 56: Stalker

195K 4K 297
                                    

Chapter 56:
"Stalker"


Being a stalker is fun.

Kung sino man ang nagsabi nyan pwes nagkakamali sya. Being a stalker is not fun at all. You have to wake up extra early. Kailangan mong gumising ng maaga para masubaybayan mo ang first move ng taong ini-stalk mo. You have to use your wide imagination. Minsan kailangan mong magpanggap at magrason para lang makalusot kapag nagkagipitan. You have to blend with the darkness. Minsan kailangan mong magtago sa mga madidilim na lugar para lang makapang-stalk.

Almost one week ko nang minamatyagan si Terrence pero wala padin akong progress dahil palagi syang lumalabas ng bahay. Hindi ko naman sya masundan dahil pinagbawalan akong lumabas ni dad.

Kung nandito lang sana si Raven baka madami na akong nalamang impormasyon lalo na at tsismoso ang isang yun.

Habang pinag-iisipan ko ang next move ko, isa sa mga tauhan ni Dad ang pumukaw sa atensyon ko.

"Excuse me Mam, the party organizers are here"

"Okay" tipid na sagot ko.

Bukas na ang welcome party na inihanda ni Dad para sa aming dalawa ni Terrence. Kung pwede lang na wag ng um-attend, hindi talaga ako pupunta pero hindi pwede dahil kami ni Terrence ang guest of honor.

Bumaba na ako sa living room kung saan naghihintay ang mga party organizers. Nandito siguro sila para ifinalize ang preparations sa party bukas.

Pagpasok ko sa living room agad na napakunot ang noo ko. Tama ba ako ng pinasukang kwarto? Mukha kasi silang sasali sa cosplay competition. Yung isa mukhang si Roronoa Zoro, naka-suit sya ng black at may suot syang shades, kulay green pa yung buhok nya. Yung katabi nya namang babae mukhang si Perona ang kino-cosplay, pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakasuot sya ng face mask.

"Excuse me, are you the party organizers?" Tanong ko.

"Yes mam" sagot ni Zoro pagkatapos ay tinanggal nya ang suot nyang shades kaya tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Raven.

"Raven!" Masayang sigaw ko.

If Raven is here then the person beside him must be Ann Dee! Na-confirm ang hinala ko nung tanggalin ni Perona ang suot nyang face mask at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Ann Dee.

"Ann Dee!" Sigaw ko.

"Wag ka ngang maingay Keira! Sinisira mo ang acting at disguise namin ano ka ba!"

"Sira ka ba? Ako yung pinagbabawalan mong sumigaw eh ikaw nga yung wagas kung makasigaw dyan"

"Oo na, basta wag ka na lang maingay dyan"

"Ito na hindi na ako mag-iingay. Ano nga palang ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Dinadalaw ka syempre"

"Pwede naman kayong dumalaw bakit may pa-disguise disguise pa kayong nalalaman?"

"Natatakot kasi si Raven sa tatay mo" pang-aasar ni Ann Dee.

"Loko ka" natatawang sabi ko.

"Anyway, bukod sa na-mi-miss ka na namin ni Ann Dee, may isa pang reason kung bakit kami nagpunta dito"

"Ano yun?"

Hindi ako sinagot ni Raven pero inilabas nya ang cellphone nya at may pinakita syang video sa akin.

Wait, is this my husband? May hawak syang gitara at mukhang kumakanta sya. Pero base sa anggulo ng camera, mukhang hindi nya alam na kinukuhanan sya ng video.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng lungkot nung mapanuod ko si Blaze.

"Kuya Blaze is depressed right now and he tried to kill himself. He is at the hospital right now Keira"

"Ginagago mo ba ako Raven?"

Maniniwala na sana ako sa drama ni Raven kung hindi lang ako dinadalaw ni Blaze gabi gabi.

"Hindi kita ginagago! Totoo yung sinabi ko sayo, kita mo naman diba mukhang depressed na depressed na si Kuya sa video nya!"

"Hindi naman sya mukhang depressed kapag magkasama kami"

"WHAT? Kelan pa? Bakit hindi ko yan alam?" Sunod sunod na tanong ni Raven. Parang hindi sya makapaniwala na dinadalaw ako ni Blaze dito.

"Ewan ko sayo Raven. Kailangan ba lahat ng galaw namin ipaalam namin sayo? Napaka-tsismoso mo talaga daig mo pa ang stalker"

Speaking of 'stalker' may bigla akong naalala. Ikinuwento ko kay Raven yung narinig kong pag-uusap nina Terrence at Zoe.

"Sinubukan mo na bang komprontahin si Terrence?" Seryosong tanong ni Raven sa akin.

"Hindi pa tsaka kahit naman komprontahin ko sya baka hindi nya din sabihin sa akin ang totoo"

"Just ask him, dun na lang ako magbabase sa sagot nya"

"Okay"

Maybe I'll ask him at the party tomorrow.

"After I ask him, ano na ang sunod nating gagawin?"

"Wag kang atat dyan, bukas sasabihin ko sayo ang boung plano Keira"

"Okay, sabi mo eh"

*******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This chapter is dedicated to:
babyjhap, justinvenz, evilbae, celestiachan, kawaiime05, norjainaXD and yena23.

-Please support Mr. Mafia Prince (story of Raven and Ann Dee). Thank you!

-Song: Wake Up by Coheed and Cambria

@AcinnejRen


Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon