Chapter 16: Rules

259K 5.7K 438
                                    


Chapter 16:
"Rules are meant to be broken, or so they say"

Follow this rules or else I will KILL you-Blaze.

1. You will be escorted by my men when you go to school.

2. No after school activities.

3. No talking to other guys.

4. Call me when there's a problem.

5. This slot is reserved. I'm sure I'll come up with something.

Itinapon ko ang kapirasong papel kung saan isinulat ni Blaze ang mga rules na kailangan kong sundin kung ayaw kong mamatay. Hindi ako sang-ayon sa lahat ng rules na naisip nya, I think this is just some sort of scheme to torture me more. Lord, bigyan mo naman ako ng normal student life please. :')

Naghanda na ako sa pagpasok sa school. Paglabas ko sa kwarto namin ni Blaze may nakaabang na kaagad sa akin na men in black. Ngayon pa lang nakikita ko na, hindi magiging madali ang buhay ko. Dalawang kanto bago ang school gate tinapik ko yung driver at sinabi ko sa kanya na bababa na ako. Pero ang damuho hindi man lang ako pinansin at sa may mismong tapat ng gate nya pa talaga ako naisipang ihinto.

Wala kang puso kuya! :')

The moment I got out of the car, everyone stared at me. Ito talaga yung iniiwasan ko kaya nga gusto kong magpababa dalawang kanto ang layo sa may school gate. Dali dali na lang akong naglakad at tinakpan ko ang mukha ko para hindi nila ako makita o makilala. Nung masiguro kong wala ng nakatingin sa akin, inilabas ko ang cellphone ko at tinxt ko ang bestfriend kong si Ann Dee. Pareho kami ng course na kinuha kaya pareho din ang mga subjects namin. Busy ako sa pagtipa sa cellphone ko nung may bigla na lang kumalabit sa akin.

"Hey there" bati ni Asiong sa akin.

"Kamusta ka na? Okay na ba yang sugat mo? Can you walk properly now?" sunod sunod na tanong nya.

I was about to answer him kaso lang bigla kong naalala yung rule number 3 ni Blaze. Hindi naman siguro sya seryoso sa bagay na yun, paano kung lalaki ang Prof. ko? Ayoko namang maging bastos sa teacher ko.

"Okay na ako, salamat sa pagtulong mo sa akin kahapon"

Mukhang may gusto pa sana syang sabihin pero agad na akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko naman sya kilala at ayoko ng kilalanin pa sya dahil baka mapatay ako ni Blaze kapag nagkataon. Habang naglalakad ako bigla na lang may humampas ng notebook sa akin. Hindi ko na kailangan pang manghula kung sino ito. Isang tao lang naman ang kilala kong ganito ka-sadista pagdating sa akin.

"San ka ba galing Ann Dee? Ma-la-late na tayo ano ka ba. Kanina pa ako text ng text sayo pero di ka nagrereply"

"Chillax ka lang, kahit 30 minutes pa tayong ma-late okay lang"

"Anong okay lang? Ano pang matututunan natin kung 30 minutes tayong late?"

"Sabi ko nga diba chillax ka lang, wala naman talaga tayong matututunan ngayon at wala si Mam. Wala tayong klase. Anyways, I know a secret, i-share ko na ba sayo?"

Ewan ko kung bakit pero parang bigla akong kinabahan, siguro dahil may 'secret' din akong itinatago.

"Alam ko kilala mo din yung babaeng yun, ang sabi nya naging katulong sya kaya bigla na lang syang nawala, yun pala nagpakasal na sya. Gusto mo bang malaman kung sino sya?"

Teka parang ako yung tinutukoy nya? Pero imposibleng malaman nya yun.

"S-sure" medyo kinakabahan kong sagot.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon