Chapter 25: Another Surprise

242K 5.1K 316
                                    


Chapter 25:
"Just another typical surprise"


Hanggang ngayon iniisip ko padin yung sinabi ni Blaze. Paano ko naman naging kasalanan ang lahat? Ano bang ginawa ko sa kanya?

"Keira! Nakikinig ka ba sa akin?!"

"A-ano kamo yun Raven?" Wala sa sariling tanong ko.

"Saan ba ang flight mo?"

"Flight? Anong flight? Nakakunot ang noong tanong ko

"Kanina pa kasi lumilipad yang isip mo"

"Loko loko ka talaga"

"Pero seryosong usapan Keira, ano bang problema mo?"

Ano nga ba ang problema ko? Pinoproblema ko lang naman si Blaze. Hanggang ngayon hindi padin ako nakaka-get over dun sa ginawa nyang pagyakap sa akin at sa paninisi nya kung bakit ganun ang inaakto nya.

Ikinuwento ko kay Raven ang boung pangyayari, except dun sa part na-in-abduct ako ni Spade. Sinabi ko na lang na naisipan kong magpahangin at subukan ang maze hanggang sa mawala na nga ako sa loob nito. Seryoso ako habang nagkukwento pero bigla na lang syang humagalpak ng tawa pagkatapos kong magkwento.

"At anong nakakatawa?"

"Wala naman. Akala ko kasi mas mauuna mo pang ma-realize ang feelings mo kesa sa kanya. And here I thought he's so slow, yun pala its the other way around"

Feelings? Anong kinalaman ng feelings dito?

"Hindi kita maintindihan. Tama na nga yan, ano ba talagang ipinunta mo dito?" Pag-iiba ko sa usapan.

"And that's exactly what I mean. Anyway, nagpunta ako dito para sabihin sayo na magkakaroon tayo ng family dinner bukas"

Family dinner? Ibig ba nitong sabihin makikita ko na naman si Sven? We still have some unfinished business, kung hindi lang dumating at umeksena si Blaze, baka nasagot na yung matagal ng bumabagabag sa isip ko.

"At bago ko makalimutan, may bisita tayo bukas. Papaalalahanan na kita, mag-ingat ka sa taong yun Keira"

***

Busy ang lahat sa paghahanda para sa 'Family Dinner' ng mga Aerondale mamayang gabi. Walang pumapansin sa akin pero nararamdaman ko ang kakaiba nilang tingin. Para bang may alam sila na hindi ko alam?

Sa paglalakad lakad ko nakasalubong ko si Esther, gustuhin ko mang umiwas at magtago ay huli na.

"Kamusta ka naman?" Nakangiting tanong ni Esther. May kakaiba sa ngiti nya na hindi ko mawari.

"Buhay pa naman" tipid na sagot ko.

"Magpakasaya ka na ngayon dahil malapit ng matapos ang maliligayang araw mo"

Okay?

10 minutes before our family dinner officially starts bumaba na ako at nagpunta sa dining room. Ang ini-expect ko wala pang tao dito kaya nagulat ako nung makita ko si Raven.

"Yo" bati nya sa akin.

"Hey" ganting bati ko.

Umupo ako sa tapat nya at habang naghihintay nagkwentuhan na muna kaming dalawa. Natigil lang ang pagkukwentuhan namin nung biglang bumukas ang pintuan at mula dito ay pumasok si Sven kasunod ang mga magulang nya. Akala ko uupo sya sa tabi ni Raven kaya medyo nagulat ako nung sa akin sya tumabi.

Napansin ko kaagad na wala sya sa mood, seryoso kasi sya at hindi rin maipinta ang mukha nya. Mabuti na lang at napakadaldal ni Raven kaya hindi naging awkward ang paghihintay namin.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon