Chapter 35: Mystery

235K 4.9K 270
                                    

Chapter 35:
"If you go to different places, you are bound to meet someone who will change your life"


"Keira, nakita mo ba si Kuya Blaze?" Tanong ni Raven sabay kamot sa ulo.

"Hindi" Tipid na sagot ko.

Five minutes na lang at magsisimula na ang klase and as if right on cue, bigla na lang dumating si Mr. Collins.

"Okay class, you may go outside and choose a place that you like, but stay inside the vicinity of the School. Observe your surroundings then draw it. At the back of your paper, explain nyo kung bakit yun ang drinowing nyo at kung paano nyo ito ma-i-re-relate sa pinakamahalagang tao sa buhay nyo"

After magbigay ni Mr. Collins ng activity, iniwan nya na kami dahil may meeting pa daw syang dapat puntahan. Mukhang hindi naman talaga connected sa subject namin yung pinapagawa nya, mukhang pinagawa nya lang yun para hindi kami mabakante sa oras nya.

Nagsitayuan na ang mga classmates ko at lumabas na sila ng classroom. Lumabas na din ako kaya sumunod na sa akin ang mga asungot ko. By asungot, I mean Ann Dee, Raven and Spade.

At this point in time nasanay na ako sa presensya nila. Hindi ko alam kung paano nila nagawa or they must have use their connections dahil malaya silang nakakapasok sa school gayun din sa mga klase ko at hindi man lang umaangal ang mga Instructors at Professors ko.

Hindi naman sila part ng klase talagang binabantayan lang nila ako. Nung una nakakainis dahil naging sentro ako ng atensyon pero kalaunan parang nasanay na din sila.

"Saan tayo?" Tanong kom

"Pick anywhere you like" Nakangiting sagot ni Spade.

Napadpad kami sa mapunong bahagi ng school. Walang tao dito, in fact kaming dalawa lang ata ang nandito, bigla na naman kasing nawala sina Raven at Ann Dee kanina.

Nagsimula na akong magdrawing at si Sven nakigaya nadin kahit na hindi naman sya required na magdrawing.

Nagsimula na akong magdrawing, wala pa akong limang minuto sa pag-do-drawing nung bigla na lang humilata si Spade sa may damuhan. Itinakip nya pa ang braso nya sa mata nya para siguro hindi sya masilaw sa sikat ng araw.

"Bakit nahiga ka na dyan? Tapos ka na bang mag-drawing?" Tanong ko.

Tinanggal nya ang braso nyang nakatakip sa mata nya at iminulat nya ang isang mata nya.

"Yeah, tapos na ako. Expert ako sa pagdo-drawing kaya minamani ko lang yan. Gisingin mo na lang ako kapag tapos ka na ha"

Bumalik na sya sa pagtulog at bumalik naman ako sa pagda-drawing. After 20 minutes natapos na din ako. Agad kong niyugyog si Spade para gisingin sya.

"Sleeping beauty gising na!"

Muli ko syang niyugyog pero hindi parin sya nagmumulat ng mga mata bagkus ay inginuso nya ang labi nya na para bang gusto nyang halikan ko sya.

"Sapak gusto mo Spade?"

"Ito naman hindi na mabiro"

"Tama na muna ang kulitan Spade, ipakita mo na sa akin yang drawing mo"

"Okay but show me yours too. On the count of three sabay tayong magpakita"

"Okay"

Kinuha ko ang drawing ko na itinago ko kanina sa ilalim ng bag ko. Nagsimula namang magbilang si Spade. Binagalan nya pa ang pagbibilang para daw suspense. Baka daw kasi mabilib ako masyado sa drawing nya.

"One"

"Two"

"THREE!"

Pagkasabi nya ng three agad naming ipinakita ang gawa namin sa isa't isa at hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa pagkakita ko sa drawing nya.

"Grabe ka naman, tawanan daw ba yung gawa ko"

"Sorry"

I didn't really mean to laugh pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Ang ini-expect ko mala-painting sa ganda ang drawing nya pero parang drawing lang ng bata. May puno sa gitna at may stick figure ng babae na nakayakap sa puno. Pareho kami ng drawing yun nga lang puro puno ang sa akin at walang kasamang tao.

"Anyway, can you guess why I decided to drew this?" Spade said.

"Ewan? Maybe because it reminds you of something or someone?"

"Precisely. Can you guess who that someone is?"

Nag-isip ako ng pwedeng isagot pero wala naman akong alam sa buhay nya except sa part sya ng mafia kaya nanghula na lang ako.

"Your Mother? Sister? Cousin? Friend? Best Friend? GirlFriend?"

"Nope. Ang totoo nyan, ikaw yan"

"Ako? Pero bakit ako?" Nagtatakang tanong ko.

"The first time I saw you, you were hugging a tree. Yun ang first meeting natin at masasabi ko na it's love at first sight. I like you the first time I saw you Keira"

Agad na namula ang pisngi ko sa sinabi nya. I'm not used to random confessions of Love. I don't think I deserve this kind of attention.

"I don't know what to say Spade"

"You don't have to say anything Keira, just hear me out. I like you and I'm willing to wait. If that scumbag hurt's you, just remember that I'm always here for you. Anytime, pwedeng pwede mo akong puntahan"

"O-okay"

After his little confession, we talked about random things kaya hindi naging awkward ang time namin together. I guess we both forgot about the time dahil nag-exceed kami ng 30 minutes sa dapat na oras ng klase, buti na lang at may isang oras akong bakante kaya wala akong na-miss.

Pinauna nya na ako sa classroom dahil may pupuntahan daw sya saglit. Naglalakad na ako papunta sa building namin ng mapansin ko ang isang lalaki na makakasalubong ko.

There is something familiar about him but I can't pinpoint what that is. Nakasuot sya ng Dark green shirt at Black na pants, may headphone na nakasabit sa tenga nya at puno ng ear studs ang kanang tenga nya.

Nakatingin lang ako sa kanya kaya medyo nagulat ako nung bigla na lang nya akong titigan.

"You better brace yourself, the worse is yet to come"

"Ano kamo? Ako ba ang kausap mo?"

Hindi nya ako sinagot pero nginitian nya ako na para bang may alam sya na hindi ko alam bago sya naglakad palayo.

Who is he and what does he want from me?

"Oh and by the way, don't trust anyone"

"Teka lang" Pipigilan ko sana sya pero tuluyan na syang umalis.

He is clearly talking to me dahil kaming dalawa lang naman ang nandito sa hallway. But the question still remains, sino ba sya at ano ang kailangan nya sa akin?

Pagdating ko sa classroom wala padin si Blaze. Pero dumating din sya after 15 minutes.

"Saan ka nagpunta?" Agad na tanong ko.

"Sorry, I got into trouble. Believe it or not Spade ambushed me and he locked me in the men's comfort room"

Kaya naman pala bigla na lang nagpaalam si Spade kanina na may dadaanan lang sya saglit, pinakawalan nya na siguro si Blaze. Loko lokong Spade yun, mukhang planado nya ang lahat.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon