Chapter 58: Party (Part 2)

175K 3.9K 352
                                    

Chapter 58:
Party (Part 2)


Hindi ko alam kung matatawag bang sayaw yung ginagawa namin ni Terrence ngayon. Nakatayo lang kami at nagsa-sway ng dahan dahan. Mukha pang wala sya sa focus dahil kung saan saan sya nakatingin.

"Terrence can I ask you something?"

"Sure, what is it?"

"Sino sino ang mga ininvite mo dito sa welcome party natin?" Tanong ko. Hindi talaga yun ang gusto kong malaman pero ayaw ko naman syang biglain kaya yun muna ang itinanong ko.

"No one" tipid na sagot nya.

"How about Spade? Hindi mo ba sya ininvite? Diba step brother mo sya?"

"Yup, he is my step brother pero imbitado naman talaga sya dito kaya hindi ko na sya kailangang imbitahin pa"

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na parte sya ng organization ni Daddy kaya automatic na imbitado sya katulad ng mga Aerondales.

"Speaking of Spade, paano mo nga pala sya naging step brother?"

Hindi kaagad ako sinagot ni Terrence, pinag-iisipan nya pa siguro kung sasagutin nya ba ang tanong ko o hindi. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw at sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin, bigla na lang syang nagsalita.

"Nabanggit ko na sayo dati na pinaghiwalay tayo ni Tito Kenneth diba? Sya at si Minerva ang nag-alaga sayo pero ang hindi mo alam ginamit nya lang si Minerva para magkaroon ka ng normal na buhay"

"At ano ang koneksyon nun sa tanong ko?" Nagtatakang tanong ko.

"You see, Tito Kenneth had a girlfriend at ang girlfriend nya ang nag-alaga sa akin. After Tito Kenneth died, Tita Claire married Spade's Dad. Ang akala nila anak nya ako kaya naging step brother ko si Spade. Despite everything that happened pinangatawanan na nya ang pagiging ina sa akin"

"Nasaan pala sila? Bakit hindi mo sila inimbita dito?

"They are on vacation. Alam mo na, ini-enjoy nila ang isa't isa kaya ipina-ubaya na nila sa amin ni Spade ang lahat"

Nakakatuwa naman, kami kaya ni Blaze, kailan kaya kami makakapagbakasyon na kaming dalawa lang? Yung bakasyon na walang istorbo at walang problema.

"Terrence do you want Blaze dead?" Seryosong tanong ko. If I am going to ask him, better now or never.

"Now where did that question came from? Why would you think that?"

"Sayo" diretsang sagot ko.

"Sa akin? At paanong sa akin?" Nagtatakang tanong nya.

"I heard you and Zoe talking. You want to kill Blaze pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit gusto nyo syang patayin. Now tell me, why do you want to kill him?"

Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil mukhang hindi nya naman seneryoso yung tanong ko, tumawa pa sya ng mahina.

"Believe me Keira I am the last person who want to see Blaze dead"

Tsk. Bakit ba sila ganyan? You ask them a question but they either ignore it or evade it. Natapos ang kanta na wala man lang akong nakuhang matinong sagot. Parang atat na atat pa si Terrence dahil pagkatapos na pagkatapos ng kanta bigla nya na lang akong iniwan. Anyway, they played another song. Aalis na sana ako sa gitna ng dance floor pero natigilan ako nung may biglang magsalita sa likuran ko.

"Can I have this dance my lady?"

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ito. Boses palang nya kilalang kilala ko na.

Blaze.

Paglingon ko nakita ko si Blaze na may hawak na pulang rosas. Iniabot nya ito sa akin pagkatapos ay lumuhod sya sa harap ko. Oxygen please! Isang tangke!

"I've come for you my wife"

I couldn't contain my happiness anymore, I gave Blaze a hug. Gumanti naman sya ng yakap sa akin at kapwa namin hindi alintana ang mga taong kanina pa kami pinapanuod.

"I miss you Blaze"

"I miss you too"

After dancing, dad then gave a speech for me and Terrence. Basically, he just introduce us to everyone. Madami ang nabigla, afterall everyone thought that we are dead. By now everyone is simply drinking and dancing habang kami naman ni Blaze ay nakaupo lang sa naka-designate na table para sa amin. After Dad's speech hindi ko na nakita pa si Terrence, and ever since the party started hindi ko pa nakikita si Zoe. Now where could she possibly be?

"Keira tara sayaw tayo" aya sa akin ni Ann Dee. Mukhang kanina pa sya naboboring dahil napakaseryoso ni Raven ngayon. In fact all of them are very serious, pakiramdam ko may mangyayari tuloy na hindi maganda. 

Nanghingi muna ako ng permiso kay Blaze at nung pumayag sya tsaka palang ako nag-oo kay Ann Dee.

"Some breathing space atlast! Hindi mo ba napapansin Keira, parang ang bigat ng atmosphere dun sa table natin, napaka-seryoso nung dalawa. Parang any moment now magkakaroon na ng delubyo" Ann Dee complained. 

Tama sya, after kasi nung moment namin kanina ni Blaze naging cold na sya, hindi din sya ngumingiti. Madami ang nagbalak kumausap sa akin kanina pero isang tingin lang ni Blaze hindi na nila tinutuloy ang balak nila.

"Napansin ko nga yan bestfriend, baka nag-iingat lang sila, alam mo na hindi natin alam kung saan nagtatago ang mga kalaban nila"

"May point ka dyan, eto lang ang hirap kapag part ng mafia ang partner mo. Your always in danger"

Well tama naman si Ann Dee, ever since I met Blaze my life has been in constant danger, pero wala akong magagawa because this is the life that I choose. Its his life after all, his life is also my life.

Nagsayaw na lang kami ni Ann Dee. I'm not fond of dancing pero mukhang na-e-enjoy naman ni Ann Dee ang pagsasayaw kaya sasamahan ko na muna sya. Nasa kalagitnaan kami ng paghataw nang bigla na lang mamatay ang ilaw.

"Ann Dee andyan ka pa ba?"

"Oo nandito lang ako chillax"

Nakahinga naman ako ng maluwag nung narinig ko ang boses ni Ann Dee. Hindi naman ako takot sa dilim pero iba kasi ang pakiramdam ko ngayon. Kinakabahan ako na ewan.

Nakatayo lang ako sa pwesto ko nung bigla kong maramdaman na may humawak sa braso ko. 

"Ann Dee ikaw ba yan?" Tanong ko pero hindi nya ako sinagot. Hinila nya ako sa direksyon ng lamesa namin nina Blaze kanina kaya panandaliang nawala ang kabang nararamdaman ko. Siguro hindi na sya nakatiis kaya balak nya nang puntahan sina Blaze at Raven. Sabagay, mas safe nga naman kami kung katabi namin sila. 

Hindi ko alam kung nasaan na kami, parang ilang minuto na din kaming naglalakad. Balita ko kasi hindi naman malayo yung table namin nina Blaze sa pwesto namin ni Ann Dee kanina.

"Ann Dee saan ba tayo pupunta?" Nababahalang tanong ko pero katulad kanina hindi nya na naman ako sinagot. Dito na ako lalong nabahala kaya tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko pero mas lalo nya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"A-ano ba Ann Dee bitawan mo ako!" Sigaw ko habang sige padin ako sa pagpupumiglas. Mukhang nabadtrip na sya sa akin dahil bigla nya na lang akong sinigawan. 

"Shut the fuck up!"

Sa pagsigaw nyang yun dun ko nakumpirma ang hinala ko. 

The person holding me right now is definitely not ANN DEE!

******

⚜️

Author's Note

-Don't forget to share your thoughts and suggestions. Thank you.

-Merry Christmas! :)

-This chapter is dedicated to: AndreaBarrido, Beverlysabas3, Darileen_queen, ilynlataban, Rizannedelossantos.

@Acinnejren

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon