Chapter 22: Feelings

249K 5.4K 435
                                    

Chapter 22:
"Feelings"

"Pustahan tayo in-love na sya sayo"

"Hep. Teka lang! Ako pupusta din! Pusta ko, na-i-inlove pa lang sya sayo"

"KAHIT KELAN PAPANSIN KA TALAGANG BABAE KA!"

"HOY MAS PAPANSIN KA!"

"Nakiki-epal ka na naman!"

"Excuse me. Hindi ako epal. I'm just stating my opinion!"

Here they go again. My best friend Ann Dee versus my brother in Law Raven bickering to their hearts content at syempre ako ang naiipit sa bangayan nilang dalawa. Ang totoo nyan literal akong naiipit dahil pinag-gigitnaan nila akong dalawa ngayon. Niyaya kasi ako ni Ann Dee na gumala sa Mall, syempre dahil mabait ako nagpaalam ako kay Blaze pero dahil kampon sya ni Lucifer pinasama nya si Raven para maging bantay ko. Girls day out na may asungot.

Hindi ko alam kung paano napunta sa pustahan ang usapan basta pero kung papipiliin man nila ako hindi ko din alam kung saan ako pupusta.

"Alam nyo, ang pusta ko kayong dalawa ang magkakatuluyan!" Pang-aasar ko.

"NEVER!" Nandidiring sigaw ni Ann Dee

"NOT IN MILLION YEARS!" Tanggi din ni Raven

Mga In-denial. Sabi nga nila, the more you hate the more you love.

"Mabalik nga tayo sa usapan. Alam ko in-love na sayo si Kuya at para di na umeksena yung isa dyan, sabihin na din nating kung hindi man sya totally in-love sayo, for sure may feelings na sya somehow" seryosong sabi ni Raven.

"Give me five reasons why you think he loves me" seryosong sabi ko

"Sure. Yun lang pala eh. ONE. Never pang nag-effort si Kuya sa isang babae. Kahit nung sila pa ni, uhmm nevermind. Basta never pang nag-effort yun, ngayon lang"

Medyo napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Sino kaya yung tinutukoy nya?

"TWO. He married you"

So? Nagpakasal lang mahal na kaagad? Meron namang Arrange marriage o kaya shotgun wedding.

"THREE. Tuod yun ehh, as in neutral lang palagi ang expression nya. Pero ngayon dahil sayo medyo naging lively na sya"

Lively ba yung palaging galit?

"FOURTH. He thinks about your welfare. Usually business lang ang nasa utak nun tsaka yung Mafia Empire nya."

Kailangan ko pa palang ipagpasalamat na iniisip nya ang kalagayan ko. Pero kasi sa sobrang pag-iisip nya sa akin sobra sobra na yung pagbabantay nya sa akin. Daig ko pa ang preso.

"FIFTH. You made him wait. Sa lahat ng ayaw ni Kuya yun ay yung pinaghihintay sya"

Ayokong mag-assume. Hindi naman dahil may napapansin si Raven na kakaiba sa kapatid nya kailangan na namin yung bigyan ng kulay. Mas maganda pa din kung manggagaling mismo kay Blaze yung confirmation. It's his feelings after all.

"So ano? Naniniwala ka na ba?" Seryosong tanong ni Raven.

"I don't know" tipid na sagot ko.

Aaminin ko may nararamdaman akong atraksyon para kay Blaze pero magka-iba ang atraksyon sa pag-ibig dahil ang atraksyon ay paghanga lamang, appreciation. Hindi naman dahil attracted ka ibig sabihin na nun mahal mo na.

"Alam nyo, saka ko na iisipin yan. Maggala na lang tayo pwede?"

"Okay" Sabay na sabi ni Raven at Ann Dee.

Hindi ko alam kung anong meron pero sa tuwing magkasama kaming tatlo bigla na lang nawawala yung dalawa. Katulad ngayon, nauna lang ako pagkatapos wala na silang dalawa sa likod ko. Dapat na ba akong maghinala sa kanilang dalawa?

Umupo na lang muna ako, hahanapin din naman nila ako maya maya dahil malalagot si Raven kay Blaze kapag hindi nya ako kasamang umuwi.

Habang nakaupo ako nakita ko si Sven na kalalabas lang sa isang jewelry store. Nagkatitigan kaming dalawa. Akala ko hindi nya ako papansinin kaya medyo nagulat ako nung lapitan nya ako.

"Hey" bati nya sa akin.

"H-hey. Kamusta ka naman?" Tanong ko.

Ilang buwan na ba nung huli ko syang makita?

"I'm okay. I'm currently seeing someone right now" sagot nya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nalaman ko. Ilang buwan pa lang ang nakalipas pero may naipalit na agad sya sa akin.

"Ahh. Sino sya? Kilala ko ba?" Sunod sunod na tanong ko.

"Nope. I don't think you know her. How about you Keira, kamusta ka naman?" Tanong nya sa akin.

"Ako? Okay lang din naman ako ang totoo nyan kasal na ako" sagot ko.

Mukhang hindi sya naniniwala sa sinabi ko pero sinakyan nya na lang din ito.

"Oh really? That's great! So who is this lucky fellow?"

"Di mo sya kilala. Adik lang yun sa may kanto eh" pagsisinungaling ko.

"Adik? I find that hard to believe specially when your wedding ring looks that expensive"

Well, hindi naman talaga sya adik sa kanto, isa syang high class adik na nagmamay-ari ng iba't ibang businesses, legal and illegal.

"Oo nga, hindi ko nga alam kung saan nya nakuha tong wedding ring namin eh"

"Okay, if you say so. It's not like I care anyway"

Nagpaalam na ako sa kanya, hindi ko na din hinintay ang response nya. I don't like this Sven right now, he seems cold, almost cruel. Its almost like the Sven right now is a completely different person from the one I used to know.

Pagkauwi namin ni Raven agad akong dumiretso sa kwarto namin ni Blaze. Nadatnan ko ang baliw kong asawa na nakaupo sa kama at may laptop na nakapatong sa binti nya.

"So how was your day?"

"Okay naman" Tipid na sagot ko. Masaya namang kasama yung dalawa kahit na palagi silang nag-aaway. Okay ang lahat except sa part na nakita ko ang ex ko.

"Ano pala yang ginagawa mo?" Tanong ko.

"Invitations" tipid na sagot nya.

"Invitations para saan? Anong meron?"

"Birthday Invitations"

"Sinong may birthday? Birthday mo ba?"

"Not me you fool. It's for your birthday"

"Pa-paano mo nalaman kung kelan ang birthday ko?" Tanong ko.

"Because I'm your husband"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon