Chapter 37: Tears

220K 4.7K 240
                                    

Chapter 37:
"Tears. I will wipe those tears away, but what if I was the reason it is there to begin with?"


"Nakuha mo pang magpakita dito pagkatapos mo kaming pabayaan at iwan sa ere! Wala kang kwenta! Pagkatapos kitang kupkupin ganyan pa ang igaganti mo sa akin! Lumayas ka dito!" Galit na sigaw ni Tita Minerva pagkakita nya sa akin.

Naisipan ko syang dalawin dahil naisip ko na baka may alam sya sa totoong nangyari kay papa at itinatago nya lang ito sa akin pero ganito agad ang naging bungad nya sa akin.

"Tita Minerva hayaan mo naman akong magpaliwanag" pakiusap ko.

Medyo dumadami na ang mga tao kaya ang gusto ko sana mapag-usapan namin ito ng mahinahon sa loob ng bahay kung saan walang mga mata at tengang makiki-usyoso sa amin.

"Hindi! Lumayas ka dito! Dahil sayo nagkanda-leche leche ang buhay namin!" Sigaw pa din nya, kulang na nga lang hampasin nya ako ng hawak hawak nyang walis dahil sa sobrang galit nya sa akin.

"Sige na po, may gusto lang akong malaman tungkol kay Papa" Pagmamakaawa ko pa din.

"Wala akong pakialam sayo at mas lalo na sa papa mo! Nang dahil sa inyong dalawa nagka-leche leche ang buhay namin! Mabuti na nga lang at nawala na sya! Bakit di ka na din sumunod para wala na talagang malas sa buhay namin!"

Her words hurt me a bit lalong lalo na yung part na tungkol kay Papa. How can she even say that? Para namang hindi nya minahal kahit na papaano ang Papa ko. He is also a good provider, nagpapakahirap sya sa trabaho para lang matustusan ang luho nilang tatlo. Dahil lang sa namatay sya wala na syang silbi sa kanila.

Pinagtulakan nya ako palayo pagkatapos ay sinara na nya ang pintuan. Paalis na sana ako nung bigla akong lapitan ng isang matandang babae, nakilala ko naman sya kaagad dahil sya yung matandang babae na nagtitinda ng banana-que sa tapat ng karinderia ni Tita Minerva. Nakikita ko lang sya palagi dati pero hindi ko pa sya nakausap kahit minsan.

"Halika neng kumain ka muna ng banana-que, libre na tutal ngayon na lang ulit kita nakita dito" Aya sa akin nung matandang babae.

"Salamat po Lola"

Habang kumakain nakibalita ako kay Lola, buti na lang at willing naman syang magkwento.

"Ano po bang nangyari nung umalis ako?"

Sarado na ang karinderia at hindi ko pa nakikita sina Shannon at Denise sa School kahit minsan.

"Naku nalugi ang Karinderia nya! Eh paanong hindi malulugi, ikaw lang ang nag-iisang nagtatrabaho, nung nawala ka na unti unti na ding nawala yung mga mamimili dahil hindi naman masarap ang luto nila at pangit pa ang serbisyo"

Come to think of it, ako nga ang gumagawa ng lahat. Hindi naman ako makaangal that time dahil sa kanila ako nakatira at sila ang nagpapakain sa akin.

"Ahh ganun po ba, nasaan na po sina Shannon at Denise?"

"Ewan ko ba sa mga batang yun, hindi na pumapasok sa eskwelahan. Ang balita ko kasi naghahanap sila ng mayamang mapapangasawa. Alam mo naman ang mga yun, hindi marunong sa mga gawaing bahay"

Tama si Lola dahil ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay na dapat ay ginagawa nila. Hindi na nakakapagtakang maghanap sila ng mayamang mapapangasawa, kahit noon pa man yun na talaga ang balak nila.

Nagpaalam na ako kay lola, paalis na sana ako nung biglang dumating sina Shannon at Denise at agad nilang hinarangan ang daraanan ko pagkatapos nun ay kinaladkad nila ako papunta sa bahay nila.

"Pakawalan nyo na ako" pagmamakaawa ko.

Hinablot ni Denise ang damit ko hanggang sa mapunit ito. Nasira ang bandang harap ng damit ko dahil sa ginawa nya kaya naman umupo ako para matakpan ang dibdib ko. Akala ko dun na matatapos ang pangbu-bully nila pero hindi pa pala.

"Denise ano sa tingin mo ang bagay sa mga basurang katulad nya?" Biglang tanong ni Shannon sa kapatid.

"Ano pa nga ba? Eh di isama sa mga kapwa nya basura!"

Pagkasabi ni Denise nun agad na kinuha ni Shannon ang plastic ng basura sa may gilid at ibinuhos nya ang laman nito sa akin. Hindi pa sya nakontento at kumuha sya ng dustpan, pinuno nya ito ng tubig na mula sa kanal at ibinuhos nya din ito sa akin.

I felt my tears fall down. Kung mga masasakit na salita kaya kong tanggapin yun, willing kong tanggapin, but this, this is too brutal. Hindi ba sila nakakaramdam ng kahit kaunting awa para sa akin?

I'm still crying when all of a sudden I heard a gunshot somewhere. Agad namang nagpanic ang mga tao at mabilis silang naghanap ng mapagtataguan habang yung dalawa ay mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

May isang red na Lamborghini ang huminto sa harapan ko. Must be Raven, Spade or Terrence, sila lang naman kasi yung mahilig sumulpot bigla kapag may problema ako.

Pero nagkamali ako dahil si Blaze ang bumaba mula dito. Pagkababa nya agad nyang pinunasan ang luha sa mukha ko pagkatapos ay niyakap nya ako.

"Wag mo akong yakapin, ang dumi dumi ko kaya at ang baho ko pa!"

"I don't care"

I let him hug me, bahala sya kung gusto nyang madumihan.

Magkayakap padin kami nung biglang dumating ang mga tauhan nya. Binuhat nya ako at dinala sa loob ng kotse nya samantalang pumasok naman sa loob ng bahay ni Tita Minerva ang mga tauhan nya. Ang sabi nya sa akin sila na ang bahala sa kanila.

I've learned a lesson today, people can be cruel. Kahit anong kabaitan pa ang ipakita mo sa kanila, meron talagang mga tao na masama pa rin ang ipapakita sayo.

Hinding hindi na ako babalik sa bahay nila, mukha namang wala din naman akong mapapala kahit na bumalik pa ako. Masasaktan lang ako kapag bumalik pa ako dun.

Dumiretso kami ni Blaze sa pinakamalapit na Hotel na pagma-may ari ng pamilya nya para makapagpalit ako. Tatlong beses ata akong naligo, feeling ko kasi ambaho baho ko pa din.

Paglabas ko ng banyo nadatnan ko si Blaze na nakahiga sa kama. Mukhang nakatulog na sya kakahintay sa akin.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko sya. I can do this for hours, tuwing tulog lang kasi nagiging angelic ang expression ni Blaze.

Pinagmamasdan ko padin sya nang bigla na lang pumulupot ang kamay nya sa bewang ko, hinila nya ako kaya naman napahiga ako sa kama at napadagan sa kanya. Pagtingin ko sa kanya nakita kong nakamulat na sya.

"G-gising ka na pala!"

"I wasn't sleeping, I just closed my eyes for a minute and let you stare at me"

He change our position after saying that ngayon ako na ang nasa ilalim at sya na ang nakadagan sa akin.

"L-lagi mo na lang akong pinagtitripan!"

"You can say that. Anyway what were you doing in there?"

"Wala naman, naisip ko lang silang dalawin" Pagsisinungaling ko.

"Just spill it"

Ganun ba ako ka-transparent at nakita nya kaagad na nagsisinungaling ako?

"Nagpunta ako dun dahil may gusto akong malaman tungkol sa pagkamatay ng Papa ko, hindi kasi ako naniniwala na namatay sya sa isang aksidente. Gusto kong malaman kung may dapat ba akong sisihin sa pagkamatay nya"

Tumayo si Blaze mula sa pagkakadagan sa akin at naglakad sya papunta sa may veranda.

"You don't need to search that far Keira"

"What do you mean?" Kinakabahang tanong ko. Parang hindi ko gusto ang tinutumbok ng usapang ito.

"It was me. I'm the reason why your father is dead"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-Revelations.Revelations. Revelations.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon