Chapter 31: Trust

256K 5.3K 330
                                    

Chapter 31:
"Trust, once broken, can never be repaired totally"


"Blaze?"

Dahan dahan akong lumapit sa kanya bago ko sinabi ang pakay ko.

"May kailangan kasi akong asikasuhin sa school, pwede ba akong pumunta sa school ngayon?"

"Sure" agad na sagot nya.

Sure? Totoo ba ang narinig ko? Akala ko kasi no ang isasagot nya. Pagkatapos ng nangyari sa party, ang akala ko hinding hindi nya na ako palalabasin ng bahay. EVER.

"Sigurado ka?" Paninigurado ko.

"Oo naman, bakit naman hindi?"

"Okay?"

This is suspicious. My husband is acting strange. Hindi ito ang 'normal' na Blaze. For the first time in my life nakita ko syang hindi nagalit at sumigaw.

While dancing with Spade at the party bigla na lang dumating si Blaze, one thing led to another hanggang sa pareho na silang nagtutukan ng baril. Okay lang naman na magpatayan sila basta sana wala ako sa gitna nila.

Mabuti na lang at walang dumanak na dugo, pero bago kami umalis nina Blaze at Raven isinigaw ni Spade na sa kanya mapupunta ang mafia title pati na din ako.

That Spade, why does he have to provoke Blaze all the time, may death wish ba sya or something?

Pagkatapos akong ihatid ni Blaze sa bahay nung gabing yun, umalis din sya kaagad, kung saan man sya nagpunta wala akong idea. Ngayon ko na lang ulit sya nakita tapos ganito pa ang inaakto nya kaya medyo naninibago ako.

After eating lunch nagpahatid na ako sa school pero sinundo muna namin si Ann Dee bago kami dumiretso dun. Pagkababa naming dalawa bigla na lang umalis yung kotseng sinakyan namin. Anong himala ang nangyari at iniwan akong mag-isa ng mga men in black ni Blaze?

"Nakakainis ka naman! Bakit hindi mo sinabi na pinapayagan ka na pala ng asawa mong maglakad lakad sa kung saan saan ng mag-isa"

"Teka wala sa plano yun. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang umalis yung mga yun" paliwanag ko.

"Ayaw mo nun, magagawa natin ang gusto natin! Makakapag-pa-cute tayo sa mga gwapong boys"

"Pa-cute talaga Ann Dee? So paano na si Raven nyan ha?"

"Hay naku, deadma na sa unggoy na kulugo na yun! Wala akong kilalang Raven!" Sigaw ni Ann Dee.

Nangangamoy LQ. Bakit kaya? Kaya siguro hindi ko masyadong nakikita si Raven ngayon sa bahay.

"Baka naman kapag nakita mo sya biglang mawala yang galit mo. Galit-galitan ka lang naman ata eh" pang-aasar ko.

"Hindi ah! Kung gusto mo magpustahan pa tayo eh! Ano? Payag ka ba?"

"Sige, ano bang pusta mo?"

"If I win, you have to say this to Blaze 'Blaze, I want a Baby. Ano keira? Kaya mo ba? O ngayon palang natatakot ka na?"

"Hindi ah!" Pagsisinungaling ko. Pero ang totoo nyan natatakot ako. Paano kapag natalo ako, kapag sinabi ko yun kay Blaze baka totohanin nya, mukhang hindi pa naman sya marunong tumanggap ng biro.

"So its a deal then?"

"Okay" napipilitang sabi ko. "But if I win, kailangan mong sayawan si Raven ng pearly shell with matching outfit"

"Sige, yun lang pala eh"

Nakapila kaming dalawa ni Ann Dee sa labas ng Registrar's Office nung magkaroon ng komosyon. May dumating bang artista kaya ganun na lang makatili yung mga babaeng estudyante?

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon