Chapter 5: Married

305K 7K 477
                                    


Chapter 5:
"Being married is tough but I think its tougher when you are married to a Mafia Boss. Just saying."


I am now a married woman.

When did that happen? Where did that happen? How did that happen? I don't even want to remember the details. Baliw kasi yung napangasawa ko, as in spell crazy, pangalan nya yun.

Speaking of my crazy husband, he is currently sleeping beside me. Lulan kami ngayon ng mamahalin nyang eroplano. Kung saan kami pupunta, wala akong idea.

Mukha syang anghel na natutulog. Akala ko nung una sya si Sven but upon closer inspection mukhang nagkamali ako sa isang bagay. Mas masculine ang features ni Blaze, medyo may pagkasoft kasi ang kay Sven pero hindi pa din maitatangging may pagkakahawig sila.

Nakatitig padin ako sa kanya nung dahan dahang syang nagmulat ng mga mata.

"How long do you plan on staring at my face?" Seryosong tanong nya sa akin.

"Hindi ahh. Hindi kita tinititigan! Sa labas ako nakatingin!" Pagkakaila ko.

"Kung magsisinungaling ka, ayus-ayusin mo naman. Look at the window"

Sinunod ko ang utos nya and there stood the evidence of my stupidity, nakababa ang pesteng blinds ng bintana. Hindi na ako nagsalita pa, nagkunwari na lang ako na walang narinig at ipinikit ko ang mga mata ko. Itutulog ko na lang yung pagkapahiya ako. :')

***


"Ma'am Keira wake up"

I heard a woman's voice and she's trying to wake me up. Bakit ba lagi na lang nila akong pinipilit gisingin sa tuwing natutulog ako?

"Ma'am baka po magalit na si Sir Blaze"

Kahit na magalit pa sya, wala akong pakialam! Matutulog ako!

Babalik na sana ako sa pagtulog pero naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa labi ko. Dali dali akong nagmulat ng mga mata at tumambad sa akin ang seryosong mukha ng baliw kong asawa.

"Not so sleepy anymore are you? Get up. I'll give you 5 minutes"

He left after saying that. At this point in time, sanay na ako sa baliw kong asawa. Bigla na lang syang magpapakita kung kelan nya gusto at bigla na lang din syang aalis kung kelan nya gusto.

Pero teka lang, ano yung naramdaman kong dumampi sa labi ko? Did he just kiss me? Pero matatawag bang halik yun? Isang segundo lang na lumapat ang labi nya sa labi ko kaya hindi naman siguro yun matatawag na halik. Besides, alam ko namang ginawa nya lang yun para asarin ako.

Pagbaba ko ng eroplano, wala na sya. Ang sabi nya bibigyan nya ako ng limang minuto pero dalawang minuto palang naman ang lumipas nung iwanan nya ako.

Walanghiya ka talaga Blaze!

"Mam Keira, nauna na po si Sir Blaze but someone will escort you to your hotel" sabi ng flight stewardess na naghihintay sa akin sa labas ng eroplano. Itinuro nya din ang tauhan ni Blaze na kapareho nyang naghihintay sa akin.

"Thank you. By the way, nasaan pala tayo?" Tanong ko.

"We are currently in New York. Welcome to New York Mam Keira"  sagot nito.

New York? Sinasabi ko na talaga, baliw ang asawa ko, paano nya ako nadala dito sa amerika eh wala naman akong passport?!

Pagdating namin sa hotel dumiretso ako sa veranda ng kwarto ko. Hindi padin ako makapaniwala na nasa new york na ako. Chance ko na to para gumala!

Binuksan ko ang pintuan pero walang tao sa labas. Akala ko may mga bantay na bubungad sa akin kaya laking gulat ko nung makita kong walang tao. Chance ulit!


Dali dali akong lumabas ng kwarto. Balak kong pumunta sa may park, nakita ko yun kanina sa may veranda kanina. Katapat lang naman yung hotel kaya hindi naman siguro ako maliligaw.

Pagdating ko sa park punong puno ito ng mga tao. Naglakad lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa parte ng park na wala masyadong tao. At kung minamalas ka nga naman, nakita ko dun yung baliw kong asawa.

Nakaupo sya sa isang table na may mga stone chess pieces habang nasa likod nya naman ang mga tauhan nya. May kausap syang lalaki na may mga kasama ding body guards.

Kung pagbabasehan ang itsura nila mukha namang hindi business deal ang pinagkakaabalahan nila, mukhang may illegal na transaksyong nangyayari sa pagitan nila.

Agad akong nagtago sa likod ng isang puno. Nakikita ko sila pero hindi nila ako nakikita. Ano kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa?

"Sabihin mo nga sa akin, ano ang feeling ng kayakap yang puno na yan? Because you seem to be enjoying it"

Agad kong nilingon yung lalaking nagsalita sa tabi ko. Gwapo sya at mukhang red ang paborito nyang kulay. Paano ko nasabi? Red and kulay ng buhok nya pati na din ng damit nya at ng sapatos nya. Yung pantalon nya lang ang naiiba ang kulay.

"Malamang matigas, puno nga diba? Pwede ba kung naiinggit ka humanap ka ng puno na mayayakap mo, taken na to" sagot ko.

Hindi ko intensyong magtaray pero parang wala lang naman sa kanya yun dahil tumawa lang sya sa sinabi ko.

"May boyfriend ka na ba? Kung wala pa mag-a-apply ako"

Hindi ko sya pinansin. Bakit ba nagkalat ang mga siraulo sa mundo? Parang yung asawa kong siraulo din. Speaking of my husband, sinilip ko sya at muntik na akong mapamura ng malakas. Both sides are pointing a gun at each other!

"Sa tingin ko mas maganda kung lalayo ka na dito, malaki ang tsansang madamay ka pa"

Sa tingin ko nga mas mabuti kung yun ang gagawin ko. Paalis na sana ako nung makarinig ako ng putok ng baril.

Nagpanic ako kaya tumakbo ako pero hindi ko alam kung saang direksyon ako napatakbo, narinig ko na lang ang sigaw nung lalaking may pulang buhok.

"What the heck! When I told you to leave, I meant the other way!"

Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo. Natigil lang ako sa pagtakbo nung maramdaman kong bumangga ako sa isang tao dahilan para matumba ako.

"What the fuck!" Galit na sigaw ni Blaze.

Inalalayan nya akong makatayo, ginamit nya din ang kanyang katawan para protektahan ako. Kumapit ako sa kanya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya. Habang nakakulong ako sa bisig nya, pakiramdam ko parang huminto ang pag-ikot ng mundo at bumagal ang takbo ng oras. Siguro baliw na din ako.

Nagising lang ako sa katotohanan nung sigawan nya ako. Bago ko pa marealize kung ano ang nangyayari, hinila nya na ako palayo sa lugar na yun. Pati ang mga tauhan nya ay nagtakbuhan nadin sa iba't ibang direksyon.

As we ran I heard a police car's siren somewhere behind us. Napakabilis ng takbo namin pero nung makita nyang malapit na kami sa entrance ng hotel bigla na lang syang huminto at naglakad ng mabagal na para bang walang nangyari.

Pagdating sa kwarto namin agad ko syang kinompronta.

"Sabihin mo nga sa akin, ano ka ba talaga? Bakit ka nakikipagbarilan sa labas?"

Kung tutuusin wala naman akong karapatang tanungin sya. Sino ba ako sa buhay nya diba? Asawa nya lang naman ako sa papel. Baka nga trip trip lang yung kasal namin.

Akala ko lalayasan na naman nya ako katulad ng madalas nyang gawin kaya nabigla ako nung bigla nyang sagutin ang tanong ko.

"I'm a Mafia Boss"

Mafia: a group of closely connected people who have great power or influence in a particular field or business. At sya ang leader ng mafia.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon