Chapter 36: Beginning

267K 5K 355
                                    

Chapter 36:
Beginning.
The beginning of the end.


I don't know if I am being paranoid or everything is just a coincidence pero kahit saan ako magpunta nakikita ko sya. Ang tinutukoy ko ay yung misteryosong lalaki na nakasalubong ko nung isang araw.

Nasa library ako ngayon ng school dahil may kailangan akong gawing research paper. I was busy doing my research paper when I noticed him. Nakaupo sya sa may bandang gilid ko at mukhang abala sya sa pagbabasa ng libro.

Should I talk to him? Should I ask him about what he said to me a few days ago? Pero baka mapahiya lang ako kapag hindi nya ako pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-gawa ng research paper, nagsusulat ako sa notebook ko nung biglang may lumanding na nilamukos na papel sa harap ko. Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang isang mensahe.

'You should heed my advice, this is for your own good'

Sinulatan ko ang papel na ibinato nya at ibinato ko din ito pabalik sa kanya.

'Who are you and what do you want from me?'

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko pero hindi nya na ako sinagot dahil pagtingin ko sa kina-uupuan nya kanina wala na sya dito.

"About your earlier question, I'm Terrence Cain"

Agad akong lumingon sa likuran ko, nakaupo na sya sa tapat ko pero nakatalikod sya sa akin. Akala ko wala na sya pero lumipat lang pala sya.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko.

Tatayo na sana ako para umupo sa harapan nya para makita ko ang mukha nya at makapag-usap kami ng maayos pero pinigilan nya ako bago ko pa magawa yun.

"No, don't stand up. Its better if they don't know our little encounters, so pretend that you are doing something while we talk"

By 'they' does he mean Blaze and all the people around me? Sinunod ko ang gusto nya, umayos ako sa pagkakaupo ko at nagkunwaring nagbabasa.

"Sino ka ba at ano ang kailangan mo sa akin?" Muli kong tanong.

"I already said my name and about your second question, I cannot answer that at the moment"

"Okay fine, but at least tell me why you are doing this" I said out of frustration.

"Of course to help you, what else?" Agad na sagot ni Terrence.

"Bakit?" Tanong ko.

I waited patiently for his answer pero nung wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, nilingon ko na sya kaso lang wala na sya.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko, isa isa kong inilalagay sa bag ko ang mga ito nung mapansin kong may nakasiksik na papel sa notebook ko. Hinugot ko ito at tumambad sa akin ang sulat kamay ni Terrence.

'This is my number 0947-***-****, Call me when you need me and I will be keeping an eye on you'

Keeping an eye on me? Lagi na ngang may nakabantay sa akin tapos dadagdag pa sya.

Wala si Blaze ngayon dahil may mga meetings sya na kailangan nyang puntahan. Kung ako ang masusunod mas gusto kong magfocus na lang sya sa business nya, pinapahirapan nya lang ang sarili nya sa ginagawa nyang pagbabantay sa akin.

Pagdating ko sa room walang katao tao pero may nakasulat sa board na wala kaming teacher.

Since madami akong free time nagdecide ako na pumunta sa bookstore na nasa labas lang ng school. Palabas na ako sa gate ng school nung mahagip ng mata ko si Sven na bumibili ng bouquet ng roses sa flower shop na katabi ng bookstore.

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon