Chapter 57: Party (Part 1)

194K 4.1K 174
                                    

Chapter 57:
"Party (Part 1)"


Ilang oras na lang magsisimula na ang party. Katatapos lang kaming kuhanan ng photographer ng family picture at ngayon palang isinusumpa ko na ang picture na yun. Ang sabi nya on the count of three say cheese, dahil masunurin ako, sinunod ko ang sinabi nya pero ang ending lahat sila seryoso tapos ako lang ang nakangiti.

Sinubukan kong kausapin si Terrence pagkatapos ng pictorial pero sabay silang umalis ni Zoe kaya nawalan na ako ng pagkakataong kausapin sya. Nagkulong na lang tuloy muna byako sa kwarto ko habang di pa nagsisimula ang party.

To be honest, I feel a little nervous, kung dati na pinapakilala nila ako as the wife of Blaze, a mafia boss kinakabahan na ako ng sobra ano pa kaya ngayong ipapakilala nila ako as the daughter of the most powerful man in the mafia world.

This is so surreal.

Since I have nothing else to do, tumambay muna ako sa may veranda. Nakaupo parin ako dun nung makatanggap ako ng isang message.

Hubby:

See you tonight. <3

***

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. I am wearing a royal blue ball gown right now. Yes, blue, nakakapanibago lang na hindi puti ang suot ko ngayon, kapag kasi may mga events sa Aerondale mansion palagi na lang puti ang pinapasuot nila sa akin.

Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, napansin kong parang may tao sa veranda. Lalapit palang sana ako sa kanya pero bigla na lang syang pumasok dito sa loob.

"Blaze!" Sigaw ko.

Agad ko syang nilapitan at sinalubong nya naman ako ng yakap.

"I miss you wifey" Blaze whispered in my ear. Sa sobrang lapit nya, nararamdaman ko na ang mainit nyang hininga sa tenga ko.

"You look ravishing tonight, you look good enough to eat"

"M-mukha ba akong pagkain?" Biro ko pero ang totoo nyan kinakabahan ako because the way he whispered those words made me shiver a little.

"Well"

As Blaze was about to say something, someone suddenly knock on the door.

"Tsk. Wrong timing"

"Mam Keira, the party is about to start. Your father is looking for you" ani ng taong kumakatok sa labas ng pintuan.

"You should go. Wag kang mag-alala, nasa tabi tabi lang ako. I will keep an eye on you and kill any bastards who plans to make a move on you"

"Okay" sagot ko.

Bago umalis niyakap nya muna ako at binigyan nya ako ng mabilis na halik sa labi pagkatapos ay dumiretso sya sa veranda kung saan sya nanggaling kanina.

Teka, balak nya bang dumaan doon?

Pagkalabas nya, sumampa sya sa may railing at bago ko pa sya masabihang mag-ingat sa pagbaba bigla na lang syang tumalon.

Napasinghap ako sa ginawa nya at mabilis akong tumakbo sa veranda para silipin kung okay lang ba sya. Pagdungaw ko, nakahinga ako ng maluwag nung makita kong mukhang okay naman sya, ngumiti pa sya sa akin at kinawayan nya pa ako bago sya tuluyang naglakad palayo.

Tss. That almost game me a heart attack.

Paglabas ko ng kwarto ko, naghihintay padin sa akin yung tauhan ni Daddy at kasama nya sina Raven at Ann Dee na naka-suit at gown.

"Ang tagal mo namang lumabas, kanina pa kaya kami dito" reklamo ni Raven.

"Sorry naman" hingi ko ng paumanhin. "Anyway, ano palang ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Malamang invited kami dito sa party, uso gumamit ng common sense Keira" nakakalokong sagot ni Raven.

"Ewan ko sayo Raven, tara na nga!"

Naglakad na kami sa hallway at habang naglalakad kami ipinaliwanag ng tauhan ni Daddy ang gagawin ko. According to him I will walk down the grand staircase and my father will be waiting for me at the bottom. After that we will have a father-daughter dance, then kami naman ni Terrence ang magsasayaw pagkatapos nya.

That will be my one and only chance to talk to Terrence.

Pagdating namin sa may dulo ng hallway pinatigil ako nung tauhan ni Daddy at may sinenyasan sya sa ibaba. Di nagtagal may narinig akong boses na ipinapakilala ako sa lahat. I guess that's my cue.

I slowly walk down the stairs. From this point of view, kitang kita ko ang lahat kaya naman sinubukan kong ilibot ang paningin ko sa pagbabakasakaling makikita ko si Blaze.

I saw Raven and Ann Dee, his mom and dad and I even saw Sven and Zoe but Blaze is nowhere to be found. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting disappointment.

When I finally reached my father, he gave me a tight hug. He then lead me to the middle of the dance floor.

Back when I was a child,
Before life removed all the innocence
My father would lift me high and dance with my mother and me
And then spin me around 'till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved
If I could get another chance,
Another walk,
Another dance with him
I'd play a song that would never ever end..
How I'd love, love, love
To dance with my father again..

I know this song, it is a popular song by Luther Vandross titled dance with my father again.

Habang sumasayaw kami bigla na lang tumigil si Daddy at tinignan nya ako ng seryoso.

"My dear, I want the whole world to know that you are my daughter and that is the reason why I am doing this pero alam kong hindi ka tuluyang magiging masaya kung hindi mo sya kasama so I am letting you go. You can go back to your husband my dear"

"T-talaga po?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes my dear"

Nabalot ako ng tuwa sa narinig ko at hindi ko na napigilan ang nararamdaman kong emosyon kaya naman niyakap ko sya ng mahigpit.

"Thank you dad! You don't know how happy I am right now!"

"Anything for your happiness my dear, just always remember that I love you"

"Yes Dad and I love you too"

******

⚜️

Author's Note:

-Don't forget to share your thoughts and suggestions. Thank you.

-This Chapter is dedicated to
(May Joy Estrada)
Otanjoobi Omedetou Gozaimasu! :3 #1223

@Acinnejren

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon