Chapter 15: Lies

251K 5.6K 156
                                    


Chapter 15:
"Lies are meant to keep someone from getting hurt but at the end of the story, they still get hurt. A lot."

"Ngayong nandito ka na, can you please explain to me where you've been for the past two months at sino ba yung poncio pilatong kasama mo?" Sigaw ni Ann Dee.

First day of class. Hindi pa naman talaga nagsisimula ang klase, customary meet and greet lang between the students and teachers plus bigayan ng class cards. Nandito kami ngayon sa usual na tambayan naming dalawa. Sa isang bench na matatagpuan sa ilalim ng isang patay na puno. Walang masyadong tumatambay dito, medyo nakakatakot kasi yung puno kaya siguro iniiwasan nilang lahat.

"Makasigaw naman, daig mo pa ang naka-mic sa lakas ng boses mo tsaka ang aga mong magpasabog ng laway, sa pagmumukha ko pa talaga lumanding" reklamo ko.

"Keira, wag na masyadong madaming sinasabi, sagutin mo na lang yung tanong ko para matapos na ang imbestigasyon"

Imbestigasyon talaga? But what should I say to her? Should I tell her that I am now married to a Mafia Boss? At yung poncio pilatong tinutukoy nya ay kapatid ng aking Mafia Boss hubby? No. Hindi nya dapat malaman. Baka malagay lang sa panganib ang buhay nya kapag nasangkot sya sa gulong pinasok ko. I must keep this a secret from her! I'm sure maiintindihan nya naman ang reason kung bakit kailangan kong maglihim sa kanya, it's for her own good afterall. Pero ano ang idadahilan ko sa kanya?

"I'm waiting" she said impatiently.

"Ahh namasukan kasi akong katulong, alam mo na stay in katulong, yung kasama ko nung nagpa-enroll ako, kapatid sya ng Boss ko."

She look at me skeptically na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi.

"Okay. If you say so BESTFRIEND"

'Psssst'

Is it my imagination o mayroong sumisitsit sa aming dalawa ni Ann Dee?

'Psssst'

Hayun na naman.

Tatanungin ko palang sana si Ann Dee kung narinig nya ba yung narinig ko pero ang magaling kong bestfriend bigla na lang tumakbo sa kung saan.

"Hoy! Hintayin mo ako!" Sigaw ko.

Tumakbo na din ako, kung ano man yung sumisitsit sa amin, ayoko ng alamin pa.

Sobrang bilis tumakbo ni Ann Dee, kahit na itodo ko ang pagtakbo hindi ko padin sya mahabol. At dahil nadin sa sobrang bilis ng takbo ko, hindi ko namalayan na hindi na pala patag yung daan na tinatakbuhan ko. Nadapa ako at dahil mabilis ang takbo ko, sobrang lakas din ng impact ng pagkakadapa ko.

"Miss are you okay?!" Someone said behind me.

Hindi ko nasagot yung tanong nya dahil sa iniinda kong sakit. Ang sakit ng tuhod ko, pakiramdam ko may sugat ako at dumudugo ito.

"Hey, you have a wound on your knee, kailangang magamot ka. Dadalhin na kita sa clinic"

Before I can say something bigla nya na lang akong binuhat bridal style. Pagbuhat nya sa akin dun ko nakita ang mukha nya. Black hair, straight nose, sexy lips and a dangerous pair of eyes. Almost reminds me of Blaze.

"Hey ibaba mo nga ako! At sino ka ba? Di mo na ako kailangang buhatin pa, I can walk and I can manage on my own"

Tinignan nya lang ako pagkatapos nito ay nagpatuloy na sya sa paglalakad. Magrereklamo pa sana ako nung may bigla na lang magsalita sa likuran namin.

"Hoy Asiong! Sino yang buhat buhat mong babae? Bakit buhat buhat mo sya?! Magsalita ka! Mang-a-abuse ka na naman ng mga kababaihan! Grabe ka talaga!"

Huminto si Asiong sa paglalakad pero hindi nya nilingon ang babaeng nasa likuran nya.

"What do you want Renlee? And how many times do I have to tell you not to call me Asiong!"

"You didn't answer my question! Sino yang babaeng yan at bakit buhat buhat mo sya?!"

"At bakit ko naman sasabihin sayo? Your not my girlfriend so stop acting like one"

Now this is awkward. Pakiramdam ko ako ang third party sa relasyon nilang dalawa kahit na hindi naman. Nagpumiglas ako kaya binitiwan ako ni 'Asiong' at bago nya pa ako mabuhat ulit na mukhang binabalak nyang gawin lumayo na ako kaagad sa kanya.

"Hep. Hindi mo ako kailangan dalhin sa clinic, I can manage on my own. Thank you na lang sa tulong, pero I think mas kailangan nyong mag-usap ngayon ng gf mo"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya, iniwan ko na silang dalawa, mukhang kailangan na kailangan na talaga nilang mag-usap.

Hindi ako dumiretso sa clinic, ayoko kasi dun sa school nurse namin kaya umupo na lang ako sa isang bench na nadaanan ko. Pinagmasdan ko yung sugat ko, nakatitig lang ako dito nung may biglang magsalita sa harapan ko dahilan para mag-angat ako ng ulo.

"I finally found you"

"Blaze! Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Someone told me you got hurt"

"Huh? Sino?" Tanong ko.

"It doesn't matter who"

Hindi nya sinagot ang tanong ko pero isa lang ang ibig sabihin nito, may bantay ako na hindi ko lang nakikita. Bigla tuloy akong napaisip kung ano ano yung mga ginawa ko kanina, lahat kaya yun nirereport nila kay Blaze?

Kukulitin ko pa sana si Blaze nung biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pa man nabubuksan yung bag ko pero hinablot na nya ito sa akin, sya nadin mismo ang nagbasa ng message.

"Nandito na ako, nasaan ka? Andy? Who the fuck is Andy?! First day of school and your being unfaithful already" Blaze said angrily.

"Pwede ba wag kang assuming! Best friend ko yang si Ann Dee at babae sya! Kung ayaw mong maniwala bakit di mo sya tawagan at papuntahin dito?"

"I'll do that later"

Ugh.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon