Chapter 62: Status

187K 4.1K 754
                                    

Chapter 62: Status

"Breath Keira! Breath!"

May sumisigaw sa tabi ko at parang paulit ulit na may dumadagan sa dibdib ko. Nagmulat ako ng mata at bigla na lang akong napabalikwas at napasuka ng tubig. Umuubo-ubo pa ako nung may bigla na lang yumakap sa akin ng mahigpit.

"B-blaze"

I can't see his face because he is holding me tightly but I know its him. 

"Are you okay?" Nag-aalala nyang tanong. Gusto kong sumagot pero nanghihina talaga ako plus masakit pa ang lalamunan ko kaya tumango na lang ako. Mukhang nakahinga naman sya ng maluwag sa pagtango ko.

"Just wait a little bit wifey, help is on the way" kinalong nya ako pero talagang hinang hina na ako kaya isinubsob ko na lang ang ulo ko sa balikat nya. Hindi naman sya nagreklamo, pinulupot pa nga nya yung braso nya sa akin kaya I somehow feel secured in his arms.

••••••

"Kuya Blaze, ano kaya kung i-kiss na lang natin sila. Alam mo na, idol yata nila si Sleeping beauty, baka kapag kiniss natin sila magising na sila"

"Who the hell is sleeping beauty?!"

"Anak ng, Kuya naman eh. Si sleeping beauty lang hindi mo pa kilala? Lahat ng tao, mapabata at matanda kilala sya ano ka ba!"

"Damn it! Just tell me who the hell she is. Magtatanong ba ako sayo kung kilala ko sya? Gamitin mo nga utak mo kahit paminsan minsan lang!"

"Kuya, si sleeping beauty sya yung princess na kumain ng apple tapos nakatulog sya dahil sa spell na nilagay sa apple tapos kailangan nya ng true love's kiss para magising sya. Sikat na fairytale yan kuya, palibhasa puro horror ang binabasa mo at pinapanuod mo nung kabataan mo eh"

"Whatever Raven, I'm pretty sure si sleeping beauty yung sumakay sa flying carpet and there's no such thing na kailangan syang i-kiss para lang magising sya. Besides who in the fucking world needs a kiss just to wake up?!"

"Si sleeping beauty nga tsaka ako!"

I opened my eyes slowly. Nagising ako dahil sa ingay nung dalawa habang pinagtatalunan nila si Sleeping Beauty. Mukhang nasa hospital ako. Napansin ko na may isa pang kama sa tabi ko and I saw Ann Dee sleeping in the bed. Tatawagin ko na sana yung dalawang bugok na itlog para kamustahin ang lagay ni Ann Dee nung bigla na lang syang magmulat ng mata at bigla nya na lang silang binato ng unan.

"Ano ba! Ang ingay ingay nyong dalawa! Imbes na makapagpahinga ako, di ko magawa dahil sa kaingayan nyo! Pinagtatalunan nyo pa si Sleeping Beauty eh pareho naman kayong mali! Si sleeping beauty yung may ice power tapos kumakanta ng let it go! Mga bopols!"

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Ann Dee. Dahil sa pagtawa ko, finally napansin na din nila na gising na ako. Agad namang lumapit sa akin si Blaze.

"Wifey, are you okay? May masakit ba sayo? Tell me everything that you feel. Nagugutom ka ba? Gutom na ba si Baby? You wan't to eat? Tell me" sunod sunod ang naging tanong ni Blaze.

"Okay lang ako hubby medyo nagugutom lang" sagot ko.

Iniwan muna kami nung dalawa paea bumili ng pagkain at para na din siguro makapag-usap kaming dalawa ni Ann Dee.

"Okay ka lang ba?" Agad na tanong ko.

"Oo naman, kahit nabaril ako kayang kaya kong bugbugin si Raven" pagmamayabang ni Ann Dee.

Pagkatapos ng kaunting kamustahan ikinuwento nya sa akin yung boung pangyayari. According to her, nung time na in-abduct ako ni Zoe napansin nya kaagad na wala ako sa tabi nya kaya hinanap nya ako. Then she found me in the garden, mabuti na nga lang daw at pinabaunan sya ni Raven ng baril kaya handa sya sa mga ganung sitwasyon kahit na hindi nya pa gamay gumamit ng baril.

Napansin nya daw na pasimpleng kinuha ni Zoe yung baril na inihagis ko. Babarilin nya na sana ako pero iniharang ni Ann Dee ang katawan nya para maprotektahan ako.

Pare-pareho namang pinaputukan nina Raven, Blaze at Spade si Zoe dahil sa ginawa nya. After that, nawalan na ng malay si Ann Dee kaya hindi nya na alam ang mga sumunod na pangyayari. So its true, she's dead and Raven, Blaze and Spade killed her.

"Is it true? Zoe is dead?"

"Yes. She died on the spot, as for bullet after the commotion bigla na lang syang nawala. Ang sabi ni Raven, kailangan pa din nating mag-ingat, kapatid ni Zoe si Bullet at may posibilidad na maghiganti sya para sa pagkamatay ng kapatid nya"

Wala na si Zoe. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. In a way, nakakaawa ang nangyari kay Zoe. She's just a girl who want's to be loved by the one she loves. Why does she have to die? Kahit na hindi maganda ang mga ginawa nya sa akin, I wouldn't wish for her demise, but now she's gone.

"Wag ka nang mag-alala Keira, nangyari na yun, wala na tayong magagawa pa. Magpasalamat na lang tayo na buhay pa tayo hanggang ngayon"

"Tama ka Ann Dee, lalo na at hindi na lang ang sarili ko ang dapat kong alalahanin"

May point naman si Ann Dee. There's nothing we can do but to keep moving forward. After this ordeal, magpapahinga talaga ako ng magpapahinga, mabuti na lang talaga at walang nangyaring masama sa baby namin.

Pagdating nina Blaze at Raven agad kong kinain yung dala nila, nasa kalagitnaan ako ng pagsubo nung maalala ko si Sven.

"Kamusta nga pala si Sven? Okay lang ba sya?" Tanong ko. Ang alam ko kasi natamaan sya ng bala tapos kasabay ko syang nalaglag sa bangin then naramdaman ko na lang na niyakap nya ako kaya siguro hindi masyadong masakit ang impact nung tubig sa akin. Maybe at the last minute naisip nya na mali ang mga ginagawa nya that is why he decided to save me.

Inaantay ko ang sagot nila pero pare-pareho silang tahimik, even si Raven na walang preno ang kaingayan ay tahimik ngayon. 

"He's gone" maya maya ay sagot ni Raven.

"Gone as in, nakatakas? O patay na sya?"

"No one knows. Kuya Blaze jump after you in the water, and since you are his priority ikaw ang inuna ni Kuya Blaze. Nung mukhang okay ka na, he went after him pero hindi nya na mahanap si Sven. We don't know if he was able to swim despite his injuries or inanod na sya somewhere. Hanggang ngayon sinusuyod pa din ng rescue team ang dagat pero so far wala pa ring balita"

Naniniwala akong buhay pa si Sven, hindi pa sya nakikita so there's a possibility na buhay pa sya. But wait, something about what Raven said bothered me.

"Wait? Did you just say that Blaze jump after me in the water?"

So mali pala ang assumptions ko? Hindi si Sven ang yumakap at nagligtas sa akin kundi si Blaze?

"Oo, sana nga nandun ako eh para na-i-video ko! Sayang talaga!"

I smiled at Blaze then I motioned for him to come closer, sinunod nya naman ang gusto ko. Nung abot kamay ko na sya, I hug him tight. Nakaka-overwhelm kasi yung ganitong feeling, yung feeling na alam mong mahal na mahal ka ng taong mahal mo at handa nyang gawin ang lahat para sayo. Kaya bilang ganti gusto ko ding ipadama sa kanya yung nararamdaman ko kahit na sa simpleng yakap man lang.

"Alam nyo, nandito pa kaming dalawa at pinapanuod kayo. Baka gusto nyong maghinay hinay sa Rated R nyong eksena ngayon"

Si Raven umeeksena na naman, tinakpan nya pa ng dalawa nyang kamay yung mga mata ni Ann Dee para hindi nya kami makita. Rated R agad, balita ko kasi magkayakap lang kami ni Blaze.

"Kung na-iinggit ka makigaya ka na lang, ang dami mo pang sinasabi" Blaze said.

Natawa na lang kami ni Ann Dee. This is what I like, yung chill lang, no worries, tawanan, lokohan, sana hindi na mag-end yung ganito. Pero alam ko sa sarili ko na this is just the beginning and the end is yet to come.

******

⚜️

Author's Note

-Don't forget to share your thoughts and suggestions. Thank you.

@Acinnejren

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon