Chapter 44: Bait

218K 4.5K 900
                                    

Chapter 44:
"Bait"

"Blaze tignan mo yun oh, ang gaganda"

Itinuro ko kay Blaze ang mga souvenirs na gawa sa seashell na nakita ko pero hindi nya ako pinansin. Hindi ko sya masisisi. Ngayon na kasi namin isasagawa ang plano kaya alerto silang lahat.

Sinusubukan ko namang maging alerto sa mga kahina-hinalang bagay at tao sa paligid ko pero hindi ako makapag-focus dahil napakadaming bago sa paningin ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagkatapos ng mga souvenir shops sunod naman naming nadaanan ang hilera ng mga kainan.

"Blaze tikman natin yun" sabi ko sabay turo sa mga exotic na pagkaing nakita ko.

"Let me remind you dear wifey that we are not in a vacation anymore, you're a bait remember so don't let your guard down"

"Kakain lang naman tayo, nakakagutom kayang maglakad lakad" reklamo ko.

"Tisiin mo na muna, besides ikaw naman ang may gusto nito"

Tama sya, ako naman talaga ang may gusto nito. Nung una ayaw nyang pumayag sa gusto ko pero eventually pumayag na din sya.

Nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Habang pinagmamasdan ko yung mga nadadaanan namin, may bigla na lang idinutdut sa mukha ko si Blaze. Tinignan ko sya ng masama, nagugutom na nga ako at lahat nakukuha nya pa akong pagtripan.

"Here eat this"

Dinutdut nya ulit yung hawak nya sa mukha ko kaya inagaw ko ito para makita ko kung ano ba yung gusto nyang ipakain sa akin.

"Barbeque? Paano ka nakabili ng barbeque eh hindi pa naman tayo tumitigil sa paglalakad. Ninakaw mo ba to?"

"Of course not! Binili ko yan habang busy kang naglalaway dun sa mga pagkain kanina"

Sabi ko nga eh. Pasimple kong kinuha yung barbeque na iniaabot nya sa akin at sinimulan ko na itong kainin bago pa magbago ang isip nya.

"Nga pala Blaze, may itatanong ako sayo" Sabi ko habang ngumunguya ng barbeque.

"Pwede ba ubusin mo muna yang kinakain mo bago ka magsalita! Minsan ang baboy mo ding kumain"

Inirapan ko sya pero pinaglagpas ko na lang yung sinabi nya.

"Paano mo ba malalaman kung kahina-hinala ang isang tao?" Tanong ko.

"I don't know. Most of the time I rely on my gut"

"Gut feeling lang? Ibig bang sabihin nyan pati mga inosenteng tao dinadamay mo? Paano na lang kung inosente pala yung taong yun?"

Imbes na sagutin ako, bigla na lang syang tumawa ng malakas.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Naiinis na sabi ko, sinimangutan ko din sya dahil sa ginawa nyang pagtawa sa akin.

"Wala naman, pero nakakatuwa ang expression ng mukha mo. Its true that I rely on gut feeling, pero so far wala pa naman akong nasasaktang inosenteng tao"

Speaking of gut feeling. Siguro yun ang naramdaman ko nung nakita ko yung dalawang babae sa may lobby ng hotel. Kung iisipin mong mabuti, mukha silang kahina-hinala pero hindi ko sila masyadong pinag-tuunan ng pansin nung panahong yun.

"Mabuti naman kung ganun. Anyway, hindi ka pa ba napapagod na maglakad? Hindi naman ata effective itong naisip ni Raven"

"Gusto mo bang magpahinga muna?"

"Oo sana"

Umupo kami sa isang bench at agad kong minasahe ang paa ko. Minamasahe ko padin ito nung maramdaman kong umalis sa tabi ko si Blaze. Hindi naman sya masyadong lumayo, bumili lang sya ng icecream. Pagbalik nya agad nyang ibinigay yung dala nya.

"Bakit isa lang ang binili mo, bakit hindi ka bumili ng sayo?" tanong ko.

"Wala lang" tipid na sagot nya.

"Kung gusto mo share na lang tayo dito sa binili mo"

"Ubusin mo lahat yan, para sayo talaga yan"

"Okay"

Habang kumakain ako naramdaman kong may tumulo na ice cream sa kamay ko.

"Geez, kahit kelan talaga ang baboy mong kumain"

Hinawakan ni Blaze ang kamay ko, akala ko pupunasan nya ito ng tissue kaya naman nagulat ako nung bigla nya na lang itong ilapit sa bibig nya at dilaan.

"Bl-Blaze a-anong ginagawa mo?" medyo kinakabahang tanong ko.

"I'm cleaning your mess"

Lalo pang naghurumentado ang puso ko nung titigan ako ni Blaze habang dinidilaan ang kamay ko na puno na ng ice cream. Ano ba, pwede namang gumamit ng tissue o kaya panyo, kailangan dilaan talaga? Yung puso ko nanganganib!

"T-tama na yan" medyo nauutal na sabi ko, naco-conscious kasi ako at alam kong namumula na naman ang mukha ko sa hiya.

Hinila ko ang kamay ko na hawak nya kaya nabitawan ko tuloy yung ice cream.

"Why are you always so clumsy"

Hind na lang ako nagreact sa sinabi nya. Kung alam nya lang, sya kaya ang dahilan kung bakit parang nawawala ako sa sarili ko minsan.

"You know, I like it when you blush like that"

"And I like it when you two act like that. Haha"

We both looked behind us, yung nagtitinda ng icecream nasa likuran na naming dalawa ni Blaze at mukhang vinevideohan nya pa kaming dalawa.

"Raven!" sabay naming sigaw ni Blaze.

"Ano na naman bang ginagawa mo dito Raven? Diba dapat nagtatago ka sa kung saang damuhan o puno? Paano kung nandyan na pala ang mga kalaban at nakita nilang nag-uusap usap tayo dito?" Seryosong sabi ko.

"Chillax, we got the whole area covered, mukhang hindi effective ang plano natin"

"Paano na pala yan?" Medyo malungkot na sabi ko. Para kasing sinayang ko lang ang panahon at effort nilang lahat.

"Don't be sad, at least we got to spend some time together plus that ice cream taste really good, don't you think so?"

"O-oo"

"Sobrang sarap ba talaga nung tinda kong ice cream? Ako nga din patikim pero ang gusto ko didilaan ko din yung kamay mo Kuya Blaze para matikman ko talaga ng matindi yung ice cream! HAHAHAHA"

Nagsama ang dalawang mapang-asar! Hay buhay.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

-This Chapter is Dedicated to redprofile

@AcinnejRen

Cinderella is Married To A Gangster! (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon