1-Flaming green eyes

7.6K 310 63
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐎𝐍𝐄

~𝑭𝒍𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒓𝒆𝒆𝒏 𝒆𝒚𝒆𝒔~

HALOS yanigin na ang buong barangay namin dahil sa sigaw ko. dahilan para murahin ako ng  kapit bahay naming na hindi pa nga patay pero parang nabubulok na---charot.

Halos matapon ko na ata sa kisame ang cellphone ko kung saan ako nanonood ng GL series na pinagbibidahan ng mga iniidolo ko.
My heart is still racing too fast , halos magiba na rin ang kwarto na tinutuluyan ko dahil sa kaka talon ko. 

Well sino ba ang hindi kikiligin! Gosh Verena looks so stunning in that scene!
Napatingin na lang ako sa isang corner ng kwarto ko kung saan nagkalat ang poster ng paborito kong artista na  si Verena Monteverde. 

Doon din nakalagay yung mga album niya na pinaipunan ko ng matagal and yung iba niya pang merch na binili ko. may mga photocards , mugs , mga keychain. At iba pa.

Hindi parin maalis ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa parlor na pinagtratrabahuhan ko bilang all around parlorista.

“ACCCLLAAAA” tawag sa akin ng kaibigan kong si Althea na  hawak-hawak din ang cellphone niya at halos mapagkamalan mo  ng naiihi dahil sa kilig.

Tsk , for sure napanood  na nito yung epsidoe 15 ng ‘The kiss’ na pinagbibidahan ng number 1 kong idol na si Verena.

“Napanood mo na ba yung ep 15???” high na high parin ang energy ng loka-loka. Tumango na lang ako ng simple , at iniiwasan parin na lapitan siya. Kasi for sure mabubugbog ako nito sa  kilig. Ang lakas pa naman niyang mang hampas.

“Syempre naman , ako kaya ang number one fan ni Verena! Never akong male-late pag dating sa kanya!” I proudly said.

Syempre , ako pa? I’ve been a fan of her since my childhood. 7 years old pa lang ako noon nang una ko siyang mapanood sa tv as a child star. At  hanggang ngayon fan niya parin ako.

Napatingin ako sa poster ni Verena na nakadikit pader ng salon na pinagtratrabahuhan namin. Poster niya ito noong nag model siya  sa isang magazine.

She looks so unreal in this photo. Napapalimutan siya bulaklak. And she looks like an angel.

Well sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya? She’s good at dancing , singing and specially acting. At ang pinaka rason kung bakit  ko siya idol is lagi siyang laman ng  mga charity events tsaka madalas siyang laman ng balita dahil sa pag tulong niya sa mga mahihirap.

At isa kami noon sa mga natulungan niya. Noong sinalanta kami ng bagyo noon. Si Verena Monteverde ang nag donate ng pinaka malaking halaga ng pera para makabangon ang probinsiya namin noon.

At sa lahat ng hinahangan ko sa kanya , yun ang pinaka dahilan kung bakit ko siya pinapatuloy na sinusuportahan. Pakiramdam ko tuloy , kapag na meet ko siya at nayakap one day. Pwede na ako kunin ni Lord---charot.

Buong araw akong nagtrabaho sa parlor. Mabuti na ang maraming costumer ngayon. At karamihan ng mga nagpapagupit ay ginagaya yung bagong hairstyle ni Verena ngayon.
After a long day from work , akmang maglalakad ako pauwi nang may isang kotse ang humarang sa akin.

At agad naman na sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko kung sino ang nasa loob ng kotse. 

It was Nathan my Boyfriend.

Pagbukas ko ng kotse agad niya naman akong sinalubong ng ngiti sa mga labi niya. And he kissed me at my cheeks making me smile somehow.

“Kamusta work?” he asked while driving.

“Ayos naman , marami kaming customer. Naglabas nanaman kasi ng bagong IG post si Verena Monteverde. Ayun new hairstyle kaya maraming  gustong gumaya” napangiti na lang ako ng maalala kung gaano siya kaganda.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now