28- Pretty Lady

2.4K 121 47
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓

~𝑷𝒓𝒆𝒕𝒕𝒚 𝑳𝒂𝒅𝒚~

I heaved a deep sigh as I stroke my hair using my fingers while I was looking at the mirror inside my car.
Gamit ng kaliwa kong kamay ay sinusuklayan ko ang buhok ko habang ang kanan naman ay hawak ang isang tinapay na may inipit na bagong lutong hotdog. Nang kagatin ko ito ay halos mapa luha na ako na ako dahil sa init nito.

T4ng1na , ba’t ang malas ko ngayong araw. Ilang beses ko ng hinihipan ang hotdog na nasa loob ng bibig ko.
Gagi naman eh.

“ Tita? Ganyan po ba ang epekto ng walang jowa?”

Agad na napa kunot ang noo ko kasabay ng pag lingon ko kay Narine na kanina pa naka ngiti habang pinanonood ako.

“ Baby girl , ito ang epekto ng pagiging sabog” pilit kong sinabi kahit patuloy na napapaso ang bibig ko.

At dahil nga wala na akong choice ay nilunok ko na lamang ito kahit sobrang init. Habang ang magaling kong pamangkin ay pilit na lamang akong pinagtatawanan lalo pa’t patuloy na sa pag luha ang mga mata ko dala ng init.
Pakiramdam ko tuloy kumain ako ng baga.

“ Baby girl , pwede patulong---“ Narine instantly cut me off. She handed me a concealer and I immediately open it after I put the hotdog sand which on my mouth. After I sanitized it , Narine look at me with her little brown eyes.

“ Tita , ang itim talaga eye bags mo ngayon. Di ka po ba natulog kagabi?” Narine asked.

I just awkwardly smiled after finishing applying concealer to my dark under eye.

Abala ako sa pag dradrive patungo sa skwelahan ni Narine habang kumakain ng breakfast ko na minadali na lang dahil sa pag mamadali ko.

Dahil sa hindi pa nauwi si ate Nathalie dahil sa emergency ng pasyente niya habang si Natasha naman ay abala din sa trabaho. At ang lolo’t lola ni Narine ay nag out of town. Ay syempre ako ang tanging naiwan as a guardian niya.

Patuloy lang siyang nag kwento patungkol sa pagkakabati nila ng kaklase niya na sinasabi niyang kaaway niya noong isang araw. Habang ako ay patuloy lang na kumakain habang nag dradrive. Ngunit ang utak ko ay tila patuloy na lumilipad sa kalangitan.

Paano ba naman kasi. Halos dalawang oras na  lang yung tulog ko kagabi. Wala naman akong ibang ginawa kagabi. Actually , I reserved my whole night just to take a rest.

Pero ang ending , sariling katawan at diwa ko lang ang nag traydor sa ‘kin.
Buong gabi akong hindi nakatulog. Dahil sa iisang tao na lagi na lang gumagambala sa isipan kong minsan na nga lang mag exist tapos puro siya pa ang laman.

Ano nanaman bang klaseng kulam ang nangyari sa ‘kin. Ayan tuloy , puyat na nga ako sabog pa utak ko. ‘di ba ako favorite ni lord?

Napa iling na lang ako matapos kong maubos ang hotdog na prinito ko para sa breakfast namin ni Narine.
Pag dating namin sa skwelahan niya ay hindi talaga siya sa ‘kin nag pa iwan hanggang sa loob.

At as a mabait na tita , tinulungan ko na siyang hilahin yung bag niya. habang siya naman ay hawak lang ang kamay ko at patuloy na nakatingin sa daan na tila ba may hinahanap.

Halos kami pa lang ata ang tao sa loob ng campus nila.

“ baby girl , ano bang oras ang simula ng pasok niyo?” I asked.

Kanina pa kasi niya ako pinagmamadali eh. Di na nga siya halos nag breakfast sa bahay kasi dito na lang daw siya mag brea-breakfast kasama ako.
“ 8:30 P0” she politely said that instantly made my eyes widened.

The wife and her MistressМесто, где живут истории. Откройте их для себя