10-Mundo

4.6K 189 24
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐄𝐍

~𝑴𝒖𝒏𝒅𝒐~

I HEAVED a long and deep sigh while I was staring at her at the television.

“Lalim nun ah? May problema ka , ‘nak??” napalingon ako kay Mamey na katabi ko habang nanonood kami ng tv sa sala.

“Ano ba ang problema mo , Alexa? Bakit kanina ka pa tulala???” tanong ni tito Vin.

Matapos nang nangyari kagabi ay hindi na kami nakapag usap pa ni Verena dahil ngayon na ang uwi ko dito sa ‘min para sa nalalapit na birthday ni mamey bukas. Hindi na ako nakapag paalam sa kanya dahil sa himbing ng tulog niya kagabi bagkus ay nag iwan na lang ako ng paalala kila manang Ester na kapag hinanap ako ni Verena ay sabihin na umuwi na muna ako dito sa ‘min.

“Ayos lang po ako , may iniisip lang” magalang kong saad.

Marahan akong napa sandal sa balikat ni Mamey sa kalagitnaan ng panonood naming ng tv. At sakto naman na ang pelikula na pinanonood naming ay pinagbibidahan ni Verena. Lalo pa tuloy nitong dinadagdagan ang pagka miss ko sa kanya.

Gusto ko siyang kausapin , ngunit hindi ko alam kung handa na ba siyang kausapin ako lalo na’t mukang tanda niya pa ata yung mga pinagsasabi ko kagabi. Hindi ko naman pinagsisihan yung mga sinabi ko.

Dahil sa totoo lang ay lahat ng ‘yon ay bukal sa kalooban ko. alam kong mahirap na sitwasyon ang papasukin ko kung sakali man na ipagpatuloy ko pa ‘tong nararamdaman ko sa kanya.
Tiyak kong gulo ‘to kung saka-sakali. Pero puso ko na ang nag desisyon.
Kahit alam kong mali pero patuloy parin na ipinagpipilitan ng damdamin ko na mahalin siya.

Hindi ko alam kung paano nagsimula. Ang alam ko lang noon eh crush ko lang siya eh. Akala ko yun lang ‘yon. Pero habang tumatagal at paunti-unti kaming napapalapit sa isa’t-isa. Hindi ko namalayan na ayun sapul. Tinamaan na ako ni kupido.

Napaka clueless ko.

Ni minsan hindi ko inisip na iba na tong nararamdaman ko. natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag aalala sa kanya. Na parati kong gusto na maalagaan siya at pasayahin siya.
Ngayon ko lang naisampal sa pag mumuka ko ang katotohanan na iba na ang nararamdaman ko sa kanya.

“ ‘nak , pwede kang mag kwento sa ‘kin kung ano man yang problema mo alam mong hindi kita huhusgahan. Ayokong nakikita kang ganyan na mukang sobrang problemado.” Wika ni mamey dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Nang magtama nag mata namin doon ko naramdaman ang sinseridad ng mga bawat salitang binibigkas niya.
Napa iwas ako ng tingin.

Hindi niya ba ako huhusgahan kung sakaling malaman niya na nagkakagusto ako ngayon sa taong may asawa na? alam ko na hindi naman ganoon si Mamey. Siya ang nagturo sa ‘kin na ‘wag manghusga. Pero hindi ko parin maiwasang matakot na baka hindi niya ako maintindihan.

Matapos naming kumain ay ikinulong ko na lang ang sarili kong muli sa kwarto ko. ngunit kahit saan ata ako tumingin naalala ko parin siya. Paano ba naman kasi , ang hilig ko noon na bumili ng mga posters niya , kaya literal na kahit saan ako tumingin ay literal na naalala at nakikita ko parin siya.

Napatingin ako sa poster ni Verena na  nasa tabi mismo ng kama ko.
Ang t4nga ko para hindi mapansin ‘tong nararamdaman ko. buong atensyon ko kasi ay nasa kanya lang eh.

Kagabi , hindi ko alam kung paano ko nakayang sabihin ang mga salitang ‘yon sa kanya. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang pasahayin at masaya ako kapag kasama siya.

Bakit ba hindi ko kaagad napansin?
Saka ko lang narealize ang lahat kung kailan sobrang lalim na nitong nararamdaman ko. kumabaga sa dagat , nasa lamalim na akong parte.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now