14 - Don't blame me

3.1K 131 17
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒃𝒍𝒂𝒎𝒆 𝒎𝒆 ~

I HISSED upon reading these harsh comment from the social media. Ganoon na ba talaga ka bored ang mga tao para gawing katatawanan na lang ang lahat. Hindi man nila alam ang buong storya pero kung maka bash wagas.

I hate it , but what can I do? These kinds of people had lost their brains because of social media addiction.
Pasalamat sila wala sila sa harapan ko , kung hindi pinagsasampal ko na sila hanggang sa mamaga ang mga pisngi nila.

“GOSH!!” I hissed annoyingly. I was about to  throw my phone when i felt Alexa’s presence on her room.

“Kakain na” simpleng saad niya dahilan upang agad kong mabitawan ang phone ko sa kama ko.

Her face was emotionless. The truth is , it’s the first time that she spoke in this morning. Kanina pa siya hindi nagsasalita at hindi naimik. I tried to talk to her , but she didn’t even respond on any of my questions.

Dali-dali akong nagpunta sa dining area kung saan naka handa ang almusal naming dalawa. Naupo siya sa upuan niya na hindi man lang ako pinapansin.
I know my baby saw the red marks on my neck. I want to talk to her but I cant find the right words.

“My solace…” I called her.

Umangat ang paningin niya sa ‘kin. I want  to talk to her , but it seems like I’m voiceless. She’s wearing her uniform. I know she’s gonna leave me soon.

“Narinig ko yung sinabi mo kanina habang kausap mo si Miss Ivory , alam kong hindi mo sinasadya.” Ni hindi man lang siya nag paligoy-ligoy.

“Wala kang kasalanan kaya ‘wag kang mag alala , hindi ako galit sa ‘yo. At wala rin naman akong ibang dapat gawin kung hindi ang pakinggan ka sa mga paliwanag mo lalo na’t wala naman ako doon nang nangyari ang pinaguusapan natin ngayon” she dig her spoon on her plate then eat it. “Pero pasensiya na , love. Wala pa akong lakas ng loob para kausapin ka ng matino ngayon at para pakinggan ka na rin. Hindi pa ako handa.”

Dahil sa sinabi niya ay  tila nawalan ako ng tinik sa lalamunan ko. I’m happy that she understand and don’t judge me at the same time. I’m really lucky to have her. At naiintindihan ko rin siya. Alam kong masakit din ‘to para sa kanya. At hindi ko rin naman siya masisi. I totally understand it. It’s just that I’m worried about her.

We eat in silence. Nauna siyang kumain kay sa sa ‘kin kaya iniwan niya ako sa dining table. Pumasok siya sa kwarto niya at nag sipilyo. After that she started to get her things. At doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin siya.

Pag pasok ko sa kwarto niya ay tama nga ako , kinukuha na nga niya ang mga gamit na dadalhin niya sa skelahan nila. She was about to wear her back pack when I hugged her behind her back.

“ My Solace , I’m sorry about all of this---“ humarap siya sa ‘kin at saka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.
I felt like my heart broke into pieces when I suddenly heard how she sob.
Mahigpit ang yakap niya na para bang hindi niya mailabas ang nararamdaman niya dahil sa takot.

Pina upo ko siya sa kama , I tried to touch her face but she hid it from me using her hands.  Dali-dali ko siyang binigyan ng panyo na agad niya namang tinanggap. Nang umangat siya sa ‘kin ng tingin doon ko napansin kung gaano ka pula at ka maga ang mga mata niya na para bang buong gabi siyang umiiyak. Dahil sa ‘kin.

My knees began shaking upon seeing tears from her eyes. I hugged her tight and there I felt her body shaking just like mine.

Nakakapanghina bawat patak ng luha sa mga mata niya. Nakakapanghina bawat hikbing naririnig ko mula sa kanya.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now