25- Nightmare

2.7K 123 26
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

~ 𝑵𝒊𝒈𝒉𝒕𝒎𝒂𝒓𝒆 ~

“ Kape ka muna “ agad akong napatingin ng marinig ko ang boses ni Althea sa gilid ko sabay abot sa ‘kin ng isang tasang kape habang marahan niyang hinahaplos ang balikat ko.
Habang pinapapatuloy ang burol ni Mamey , lahat sila nandyan sa tabi ko. pwera sa isang tao na inaasan kong nandito sa tabi ko.

“ Kumain ka na? sabi ng ate mo hindi pa daw ah?” Jade said.

Umiling na lang ako “ busog pa naman ako eh , kumain ako kanina di niyo kailangan mag ala-la” sabi ko dahil ramdam ko nanaman ang pag aalala nila.

I really love how they care for me. and I really appreciate it. It’s just sometimes it’s really hard for me to eat since I feel like I can’t swallow any food.

Pero pinipilit ko naman. Since alam ko na may masamang epekto ang pagpapagutom ko sa sarili ko. tsaka gusto kong asikasuhin ang lahat sa burol ni Mamey. Dahil kahit dito man lang makabawi ako sa mga pagkukulang ko sa kanya bilang anak. 

“ Si miss Verena ba? Hindi ba siya pupunta dito? Ilang araw na kaming nandito ni hindi ko man lang siya nakikita na dumaan man lang “ Althea said.

Tama naman siya. Pero dahil nga sa abala si Verena sa mga iba’t-iba niyang Gawain. Ay iniintindi ko na lang. pero lagi naman siyang nag u-update sa ‘kin ng mga Gawain niya.

Lagi niya akong tinatawagan to inform me all the things she’s doing. Kapag mag re-review siya tinutulungan ko siya.

She’s still there , even she’s quite busy.

“ Alam niyo naman na busy siya sa pag re-review para sa board exam niya sa susunod na araw. Kaya hindi ko muna siya pinapapunta dito.” Paliwanag ko sa kanila.

“ Oo nga pala , matanong ko lang. kayo ni Ivory? Kamusta na kayo?” tanong ni Amber sa pinsan niya na agad na ikinatahimik ni Jade dahilan upang medyo bumigat ang tension sa pagitan naming apat.

Agad na napa lunok si Jade sa naging tanong ng magaling niyang pinsan.

“Ah ano. B-busy siya ngayon. Tsaka hindi na kami nakakapag usap” Jade voice cracked upon answering her cousin’s question. At imbes na maka iwas siya sa tanong pang muli ay tumagay na lang siya ng alak na nasa harapan naming lahat. Sabay iwas ng tingin na  para bang walang nangyari.

Napapadalas ang pag punta dito ni Jade dahil sa pag tulong niya sa ‘kin. Tsaka napapansin ko din na parang ginagawa niya din ito para makalimot. Dahil kahit hindi man niya aminin. Ay tila nagkakaroon sila ng palihim na hidwaan.

“ Ayos ka lang ba?”  tanong ko kay Jade habang patungo kami sa parking lot upang ihatid na siya.
She smiled bitterly. “ These days , I’ve been receiving d3ath threats from Ivory’s dad “

Agad akong natigilan sa sinabi niya.
My eyes immediately widened. “ And I know , we’re both experiencing the same thing. Sa totoo lang , these days. I can feel that someone is following me. anytime I go” her voice cracked.

“ pero lahat ng ‘yon… kaya ko tiniisin. I can even slap his homophobic dad. I can fight him. B-but Ivory…” natigilan siya kasabay ng pag bagsak ng luha niya dahilan upang hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya ng mahigpit.

“ She ended up , giving up. Umalis na siya ng walang paalam. “ Mariin niyang sabi dahilan upang mapa lunok na lamang ako. “ hindi ko alam kung bakit niya kailangan gawin yun. Lalo na’t hindi niya naman magawang ipaintindi sa ‘kin. And I kinda hate it…”

Sinubukan ko siyang kalmahin. Jade is the most strongest person I know. Hearing her crying like this , breaks my heart somehow.

“ kaya ko naman tiisin lahat eh”
Kung ako rin naman , at sa totoo lang yun na nga mismo ang ginagawa ko ngayon. Mas gugustuhin ko rin na magtiis kaysa ang mauwi ang ganito sa lahat.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now