2-safe in her arms

5.8K 265 33
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎

~𝒔𝒂𝒇𝒆 𝒊𝒏 𝒉𝒆𝒓 𝒂𝒓𝒎𝒔~

MADALING araw, madilim na paligid. Tanging liwanag lang ng buwan at ng mga streetlights ang nagsisilbing liwanag namin.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Verena, I never complained. Kung ibang tao ‘to baka tumawag na ako ng 911. Ngayon ko pa lang siya nakilala ng malapitan and yet I feel safe to her.
Nasa kotse niya ako, mag isa.

Bumili kasi siya ng pagkain sa isang convenience store. Ilang beses ko na siyang sinabihang ‘wag na kasi nakakahiya. Pero tinaaasan lang niya ako ng kilay. At sa simpleng ganun lang niya , nadali na agad ako. Hindi ko na sinubukang kumontra pa.

Paglabas niya ng convenience store , hindi ko napigilan ang sarili ko na pagmasdan ko kung paano siya maglakad patungo sa kotse niya. Para talaga siyang modelo kahit sa paglalakad man lang.

Dali-dali akong lumabas ng kotse upang tulungan siya. Para na niya kasing binili lahat ng tinda ng convenience store sa dami ng dala niya.

Pagpasok naming ng kotse agad niya akong inabutan ng sandwich na galing sa mga pinamili niya dahilan upang mapa kunot ang noo ko sa kanya.

“What?” taas kilay niyang tanong nang mapansin na hindi ko parin kinukuha yung sandwich sa kamay niya.

“Wala ka bang balak kunin?” she coldly said, “Nangangalay na ako, oh?”

“Hindi pa kasi ako nagugutom” I said.

Sinungaling! Hays,  kanina pa nagwawala yung mga alaga ko sa katawan. Pero wala akong tamang lakas ng loob para tanggapin yung alok niya. Sobra-sobra na ‘tong ginagawa kong pag sama sa kanya. Kanina pa ako binabaon ng hiya.

Kahit natatakam na ako ay pinilit ko na lang isinawalang bahala yung gutom ko. dahilan upang ipasok niyang muli ang sandwich sa paper bag na dala niya. Then she started to drive again.
Tanging nakakabinging katahimikan lang ang sumakop sa amin sa kalagitnaan ng pag dradrive niya. Until we both heard a loud growl inside my stomach that made her threw me some dagger look.

She hissed.

Nanlaki ang mata ko at halos mapa mura ako sa gulat ng bigla niyang I-preno ang sasakyan niya. Mabuti na lang talaga at may seatbelt ako. Kung hindi ay  baka tumilapon na ako mula sa kinauupuan ko! gosh!

Bigla niyang kinuha ulit ang paper bag na nasa backseat at saka muling kinuha ang sandwich. This time siya na nagbalat nito para sa akin. When she gave it me, hindi na niya hinintay na kunin ko pa ito. ipinatong niya ito sa hita ko.

“Binuksan ko na ‘yan. Eat it” it wasn’t a question but a command.

Sobra parin akong nahihiya sa kanya, dahilan para tila umurong ang dila ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Dahil bahagya akong nakatulog sa byahe naming. At bigla na lang akong nagising nang bigla niyang itigil ang kotse. Ngunit agad na nanlaki ang mata ko ng bigla niyang itigil ang kotse sa may tabing dagat. Nang lumabas siya ay agad ko siyang  sinundan.

Teka??? Hindi kaya lunurin niya ako tapos  ipaanod sa dagat??? Wag naman sana HUHU, hindi pa ako nakakabayad ng utang namin.

Agad naman na kumunot ang noo ko nang bigla niyang hinila ang isang ligaw na putol na puno sa isang sulok ng tabing dagat. At agad ko siyang nilapitan ng mapansin ko na medyo tila niahihirapan siya sa pag hila. Nang maipwesto naming ito sa pwesto na gusto niya ay agad niya akong sinenyasan na kunin yung mga pinamili niya at agad ko naman iyong sinunod.

Paglingon ko sa kanya naabutan ko siyang naupo sa kahoy habang tinatanaw ang alon sa dagat.
Nang mapansin ko ang paligid, parang private beach ata itong pinuntahan naming.

The wife and her MistressWo Geschichten leben. Entdecke jetzt