4-Sadness in her eyes

5.1K 244 35
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑

~𝑺𝒂𝒅𝒏𝒆𝒔𝒔 𝒊𝒏 𝒉𝒆𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔~

HALOS kumawala na ang puso ko mula sa pwesto nito habang nasa loob kami ng elevator ni manang Ester pa akyat ng 5th floor. Hawak ko ang namamawis kong mga palad habang kulang na lang ata ay magdasal ako ng ama naming ng sampung beses habang literal na umaakyat kami patungong langit.

Ni hindi man lang ako dinalaw ng antok dahil sa nakita ko kagabi. Kaya naispan ko na lang na mag aral. Kaya hanggang ngayon hindi pa ako nakakatulog. Nang mapalingon sa akin si manang Ester bakas sa mga mata niya ang pag aalala patungkol sa ‘kin.

“Iha , pwede ko namang pakiusapan si Verena na hindi mo naman sinasadya kung kagabi. Sasabihan ko na rin siya na mamaya ka na ipatawag. Matulog ka na muna” wika ni manang ester na hinahaplos ang aking likuran. Naalala ko tuloy si mamey sa kanya.

“M-manang… noong inutusan ka niya na ipatawag ako. G-galit ho ba siya?” ni hindi ko masabi ng tuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa panginginig ng boses ko.

She pouted her lips while her two brows suddenly levitated a bit while she was thinking about Verena’s facial expression.

“Normal lang naman iha… Normal lang naman yung pagiging dragona niya hindi ba? Wala namang bago?” dahil doon ay mas lalo pa akong inakyat ng kaba.

Tama nga si manang. Halos lahat kasi ng litrato niya sa mansion ay mababakas mo na ang kasungitan niya. Kahit naman noon bihira naman talaga siyang ngumiti. At kung nginginiti man siya , ang tawag doon isang malaking himala.

Habang naglalakad kami patungong kwarto niya ay hindi parin naalis ang kaba sa buong sistema ko. matapos kumatok ni manang Ester sa malaking pintuan sa kwarto ni Verena ay biglang tumunog ang bell na nasa tabi ng pintuan. Hinihila ito ni Verena sa loob na siyang senyas na maari na kaming pumasok.

Pagbukas ni manang ng pinto , dali-dali niya akong pinanlakihan ng mata na para bang sinasabi niya sa ‘kin na pumasok na ako. Binigyan ko siya ng ‘wag mo akong iiwan dito’ look pero hindi man lang niya ako pinansin. Doon ko narealize na wala na talaga akong magagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Pag pasok ko , agad akong sinalubong ng kadiliman sa buong kwarto. Ang malalaking bintana sa loob ng kwarto niya ay natatakpan ng makakapal na kurtina na siyang pumipigil sa sinag ng araw upang magbigay liwanag sa kwarto niya.

“Open the curtains…” she commanded me.

Dali-dali naman akong napa alis sa pwesto ko. hinila ko ang lubid na nasa tabi ng sa mga kurtina niya. Pag hila ko nito ng malakas ay agad na pumasok ang liwanag sa buong kwarto ni Verena nang bumukas lahat ng bintana.
Doon ko tuluyang napagmasdan ang kwarto niya na wala man lang bahid ni anong alikabok. Ang kwarto niya ang may pinaka malaking kwarto sa buong mansion. May dalawang pintuan sa isang sulok na nagsisilbing pintuan ng banyo at walk in closet niya.

May isang shelf din sa loob ng kwarto niya na pinaglalagyan niya ng mga vintage na manika. Gaya noong nakita ko sa playing area niya dito ay kaparehong klase ng mga manika ang nandito. Sa isang tingin mo pa lang mahahalata mo ng puro mamahalin ang mga manika na nandoon. Walang ibang kulay ang loob ng kwarto niya kung hindi black and white. Magmula sa mga dekorasyon hanggang sa mga gamit. Black and white ang kulay.

Agad akong napa iwas ng tingin ng maabutan ko si Verena na nakaupo sa kama niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama niya habang may hawak siyang isang vintage ceramic doll na nakasuot ng black and white dress. Gaya niya ay mayroon itong mahabang itim na buhok. kahit mukang creepy ang itsura nito dahil sa maliit na crack lines sa muka nito ay muka parin itong mamahalin.

The wife and her MistressNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ