17-Tell me where it hurts

2.9K 130 19
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍

~ 𝑻𝒆𝒍𝒍 𝒎𝒆 𝒘𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒊𝒕 𝒉𝒖𝒓𝒕𝒔 ~

“Nandito na ako , Ate Nathalie…” I wiped my tears as I caressing her soft warm hand.

I still remember the times , when she became my super hero. She was my guardian and savior.

Siya halos nag alaga sa ‘kin nun. Sa tuwing wala ang mga magulang namin. Sa tuwing nagkakaproblema sila , siya ang nagtatakip ng tenga ko siya yung kayakap ko. kaming dalawa ang nag aalaga nun kay Natasha.

Hindi ko akalain na nasayang ko yung mga panahon na kaya niya akong yakapin. Yung panahon na hinahanap niya ako , ako mismo ang nagtago. Natatakot na baka iwan nanaman niya ako , gaya nang ginawa nila. Iniwan nila ako nang walang paalam para makaharap ang kamatayan. Hindi ko sila kayang patawarin noon kaya hindi kayang masisi ang sarili ko.

Mahirap magbigay ng patawad. Lalo na kung alam mong kahit anong  sabihin mo na napatawad mo na ang isang tao ay alam mo parin sa sarili mo na walang mababago.

“ Anim na taon siyang comatose?” tanong kay Natasha nang pinapasok ko na siya sa kwarto ni ate ni Nathalie.
Abala siya sa pag aayos ng  bulaklak na dala niya. And she just nodded and gave me a bitter smile.

“ Anim na taon na siyang hindi nagigising. Pero sabi ng doctor , malayo na si ate Nathalie sa peligro. At hinihintay na lang naming siyang magising.”

Nang marinig ko ‘yon ay agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. hindi pa ako huli. Kaya pa naming bawiin ang oras na nasayang.

“ Pero ang nakakalungkot lang ate , malapit na siyang magising. Pero yung taong dahilan kung bakit siya nakahiga dyan , hindi parin nabibigyan ng parusa.” Mapait niyang sabi. “ Ang nakaka lungkot lang , yung inaasahan naming na magbibigay sa kanya ng hustisya. Mas pinili ang pera na itinapal sa mga bibig nila” Natasha bitterly said.
I heaved a deep sigh. “ Kaya nga gumagawa ako ng sarili kong imbestigasyon , Ash.” Natigil siya sa ginagawa niya. marahan siyang lumapit kay  ate kasabay ng pag aayos niya sa buhok nito.

“ Pero , mahal mo si ate Verena.” Natigilan ako sa sinabi niya. napa angat ako ng tingin sa kanya. “ Alam natin pareho na kahit ilang beses mo mang itanggi , posibleng may kinalaman siya sa nangyari kay ate Nathalie. Nangyari lahat ng ‘to , bago ikasal si ate Verena sa Nathan na ‘yun. Hindi natin alam yung rason. Pero ayon sa last text message ni ate Nathalie sa ‘kin pupuntahan niya lang si ate Verena.” She hissed.

“Hindi ka ba natatakot , ate?” she asked.

Agad na kumunot ang noo ko. “ Saan?”
“ Na baka pag gising ni ate Nathalie , ay baka mahal niya parin si ate Verena?”

My lips parted.

Sa totoo lang , matagal ko nang naisip yan noon. At sa totoo lang , hindi ko rin alam ang sagot. Mahal  ko si Verena. Mahal ko rin ang kapatid ko. at hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling dumating ang araw na ‘yon.

Sa ngayon kasi , mas gusto ko munang isipin ang mga problema ko ngayon. Ayoko isipin lahat ng mga problema ko hanggang sa matambak na ito lahat.

“  Hindi ko rin alam , Natasha. Sa totoo lang. hindi ko rin alam.” Napa  tayo ako.

“ Sa ngayon , gusto ko munang harapin ‘tong mga problema ko  sa ngayon kaysa mabaliw ako sa kaiisip ng mga problema ko sa hinaharap. Mas mabuti na kasi na unahin ko munang tapusin lahat ng ‘to pagkatapos ay saka ko naman isipin yung problema ko sa future”

She heaved a deep sigh. “ Hindi ko rin alam kung anong mayroon dyan kay ate Verena kaya kayo baliw na baliw sa kanya. Gosh , ano balak niya bang tuhugin kayo?” kunot noo niyang tanong.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now