7-Happy

5K 223 72
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

~𝑯𝒂𝒑𝒑𝒚~

“I’m breaking up with you…”

INIS kong binawi ang braso ko mula sa pagkaka hawak ni Nathan nito. Nandito kami sa hallway patungo sa studio ng isang noontime show kung saan mag peperform si Verena to promote the last episode ng ‘the kiss’.

At sa totoo lang sobrang excited ako lalo na’t makakapag pa picture ako sa mga Host nitong noontime show na dati pinanonood ko lang sa tv.

Ngunit lahat ng excitement na nararamdaman ko habang papunta kami dito kanina ay bigla na lang na nawala. Dahil sa pag punta niya dito upang kausapin ‘raw’ ako. At ‘magka ayos’ daw kami according sa kanya.
At sa totoo lang , nag sayang lang siya ng gas ng kotse niya. Dahil una sa lahat. SAPAT NA ANG PAGPAPAPAKA G4G4 KO NOON SA KANYA.

“Pwede ba ‘wag kang mag inarte! , mag usap tayo!” inis niyang sabi. I just gave him a dagger look.

“Mag inarte?? , eh sino kaya nag iinarte sa ‘tin ngayon? Pa bili-bili ka pa ng bulaklak? Ano ako patay?” Inis kong sabi. He was about to grab my wrist again when I slap him hard using my right hand. Partida hawak ko pa ang bag ni miss Verena ngunit nagawa ko parin siyang sampalin.

“Ni hindi mo nga ako mabigyan ng ganyan o kahit  man lang kamustahin ako kung buhay pa ako tuwing monthsarry natin? Nasisiraan  ka na ba bait o talagang gag0 ka lang at pampalipas oras mo lang ako huh!” Napa kunot ang noo niya.

“Kaya nga babawi ako eh…” he put his hand on my shoulder that made me step back away from him. “Eh sira ul0 ka pala eh? Babawi?? Saan ka babawi?? Sa lelang mong panot?” inis kong sabi.

“What is lelang and what is f9cking panot??” kunot noo niyang tanong.
T4ng1na nakikipag biruan ba ako sa kanya? Sira ulo ba talaga siya?
T4ng1na bakit ko ba pinatulan ang lalakeng ‘to? Gwapo siya , totoo ‘yon.

Mabait siya noong una peke ‘yon.

“Wait is it because of what happened last night?? Is it because of what I did to Verena?” inis  niyang tanong.

“Malamang! Eh kung hindi ka naman gag0 sinaktan mo siya malamang kaya mo ring gawin sa ‘kin  ‘yon!”

“I would never do that to you!”

“Ha! Pakyu!” itinaas ko ang kamay  kong naka kuyom sa kanya at saka itinaas ang middle finger ko sa kanya.
Natigil ang pagtatalo naming ng bigla kaming lapitan ni sir Gab na halatang nagpapanic at nanginginig sa takot.

“Pwede ba mamaya na kayo mag LQ?? May problema tayo , Alexa”

“Hindi na po lovers quarrel ang tawag dito , tapos na kami ng gag0ng ‘to” Nathan shot me a dagger look and I just rolled my eyes at him. “By the way ano pong problema?” my brows furrowed.

“Yung partner kasi ni Verena hindi makakapasok kasi nagka dengue , ayaw niya naman sa back-up dancer kasi wala raw siyang tiwala.”

Napa lingon ako kay Nathan. Mas iimportante itong problema natin kaysa sa paghingi niya ng tawad dahil hindi ko siya kayang patawarin dahil sa ginawa niya kay Miss Verena kagabi. “Oh eto na bulaklak mo!” inis kong ibinalik sa kanya ang bulaklak niya. “Sinaktan mo si Miss Verena , lagi mo na lang akong pinaasa at kinokontrol. Hindi ko na sasayangin ang oras ko sa ‘yo.
Gagawin mo pa akong k4bit k1nangina mo” inis kong sabi saka tuluyang sumama kay sir Gab patungo sa dressing room ni Miss  Verena. 

Naabutan namin si Miss Verena na muka nanamang dragon as always.

“I want you Alexa”

Agad akong napa  hawak sa dibdib ko kasabay nang pagtatakang  tingin sa ‘kin ng mga make up artist na nag aayos kay Verena.

The wife and her MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon