22- Worth

2.5K 120 12
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

~𝑾𝒐𝒓𝒕𝒉~

MABIBIGAT na hininga ang pilit kong pinipigilang  iparinig sa hangin. Naka takip ang palad ko sa bibig ko sa takot na baka may makarinig sa ‘kin.

“ HANAPIN NIYO DALI!” sigaw ng isang lalake sa mga kasamahan niya.
Nang marinig koi yon ay hindi ako nagdalawang isip na pasukin ang isang madilim na eskinita dahil sa labis na pagmamadali na baka mahanap nila ako. Kahit nanginginig na ang tuhod ko sa labis na pagod dahil sa walang humpay na pag takbo ay mas pinili ko parin ang tumakbo kaysa ang mag sayang ng bawa’t oras na baka maging huli ko na.

My heart is beating so d4mn fast out of both fear and tiredness. When I suddenly saw a large trash bin nearby , I didn’t hesitate to jump in it to hide even though the bad smell of it’s inside fills my nostrils. I’m sweating bullets as my knees started to tremble out of tiredness and fear.

Pinilit ko na lang isiniksik ang sarili ko sa loob ng amoy patay na daga na basurahan. Sa takot at panghihina ay kahit pilitin kong ‘wag huminga upang hindi ko ito maamoy ay tiniis ko na lamang ang mabantot na amoy kaysa mawalan ako ng malay dahil sa kawalan ng hangin.

Hindi ko alam kung paano ako humantong sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ako makaalis ng buhay sa ganitong sitwasyon.

“ Sigurado ba kayo na susundan pa na ‘tin ‘yon. Ang sabi ay takutin lang , ‘wag sasaktan” rinig kong boses ng isang lalake na batid kong malapit lamang sa basurahan na pinagtataguan ko.

“ M-mag susumbong ‘yon sa pulis “ sagot ng kasamahan niya.

“ Pero kahit na , wala sa iniutos sa ‘tin na sasaktan niyo yung babaeng ‘yon. “
Natigil ang pag uusap ng dalawa ng may sunod-sunod na yapak akong narinig na papalapit sa kanila.

“ Hindi na namin nakita “ wika ng isa.

“ Saan kaya nag sususuot ang babaeng ‘yon? “ he hissed.

“ Oh siya , hayaan niyo na. magtatanda na siguro ‘yon.”

Nanginginig na ang buong katawan ko , ngunit hindi ko na lang iyon inintindi. Pa unti-unti ng bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko na para bang nais nang humagulhol ng emosyon ko ngunit pinipilit ko na lang pinipigilan. Pinaghalong pawis at luha na ang umuukopa sa buong magmuka ko.

Agad na tumindig ang balahibo ko ng makaramdam ako ng kung anong pag galaw ng mga basura sa tabi ko. at sunod ko na lamang napakinggan ang tunog ng boses ng isang daga na tiyak kong malapit lang sa ‘kin.

Whoo , Alexa. Kaya mo pa ‘yan. ‘wag kang sisigaw. Daga lang ‘yan.

Pilit kong pagpapakalma sa sarili ko.
“ Oh? Ano pang hinihintay niyo? Sibat na!” wika ng tila leader nila na tila agad na bumunot ng tinik sa lalamunan ko.
Ilang minuto , ilan pang mga Segundo ang hinintay ko bago ako tuluyang umalis sa mabahong kinaroroonan ko.
suot ang damit kong bahagyang napunit. At ang buhok kong mas magulo pa sa nangyari sa ‘kin kanina.

Nanginginig parin ang buong katawan ko habang binabaybay ko ang eskinita patungo sana sa lugar na nais kong puntahan kung hindi lang nangyari sa ‘kin ang trahedyang ito.

Pakiramdam ko ay naka akyat na ako sa langit ng marating ko ang bahay na nais kong puntahan.

“ Ma’am , sa tingin ko po talaga ay dapat na kayong tumawag ng pulis. Ano po ba talagang nangyari sa ‘yo?” tanong sa ‘kin ng guwardiya na naghatid sa ‘kin patungo sa bahay na pupuntahan ko sana.

Isang magaang ngiti na lang ang ipinakita ko sa kanya.

“ S-salamat po manong , pero hindi na ho kailangan. A-ayos na po salamat na lang po sa paghatid sa ‘kin dito sa bahay tsaka sa pagbigay sa ‘kin ng tubig” pagmamasalamat ko sa kanya.
Akmang isasauli ko na sa kanya  ang tuwalya na ibinalot ko sa katawan ko dahil sa pagkakapunit ng damit ko.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now