15 - Unusual

3.3K 127 39
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍

~𝑼𝒏𝒔𝒖𝒂𝒍~

I CAN’T help myself to smile widely as I roam around the market holding my basket. Bumili ako ng mga iluluto ko para ngayong araw. Maging dekorasyon at mga lobo para sa espesyal na araw na ‘to.

It’s our 2nd monthsarry at balak kong mag handa kahit kaunting pagkain lang. sakto naman na wala kaming pasok ngayon kaya sobrang excited ko para ngayong araw. Ang usapan kasi naming ay sa condo kami kakain ng lunch for our second monthsarry kaya naman gusto ko magluto ng masasarap na pagkain. Tsaka babaunin na rin naming ‘to dahil nag aaya siyang magpunta sa isang lugar na sabi niya ay sorpresa.

Madaling araw pa lang ngayon ngunit namamalengke na ako para sa mga iluluto ko mamaya. Maging ang mga dekorasyon na ilalagay ko sa condo na bigay niya sa ‘kin ay binili ko na.

Alas 8 na ng umaga nang maka uwi ako sa condo. At pag bukas ko ng pinto ay halos mapa mura ako sa gulat ng isang babae nan aka suot ng pulang bestida ang naabutan ko sa mismong sala ng condo ko. naka upo siya sa harap ng tv at umiinom ng kape na natitiyak kong siya ang nag timpla.

“ Where did you go?” taas kilay niyang tanong.

Halatang kanina pa siya dito dahil nang napa tingin ako sa may dining area ay may naka handa nang almusal doon para sa ‘min.

Dali-dali kong inilagay ang mga pinamili ko sa kusina. At habang naglalagay ako nito sa ref ay agad na umangat ang magkabilang gilid ng labi ko nang maramdam ko ang bisig niya sa bewang ko.

“ you made me worried…” her voice sounds so weak I immediately turn my gaze to her. I held her forehead using the back of my palm to check her temperature.

“ I don’t have a fever “ she exclaimed

“ Bakit kasi napaka hina ng boses mo? You sounded so weak “

She heaved a deep sigh. “ Hindi kasi kita naabutan dito nang pumasok ako. Nang tinatawagan kita hindi ka nasagot. You made me worried , My Solace” she uttered.

“ Huh? Teka , I’m sorry. Yung phone ko kasi nasa drawer tsaka naka power off ‘yon. Namalengke lang ako para mag luto sana for lunch na ‘tin I susurprise sana kita kaso nandito ka na eh” I said.

Wala na , sira na kasi yung plano ko dahil once kasi na nandito na siya ay mahihirapan na akong paalisin siya.

Masaya ako dahil sa kabila ng maraming projects niya ay finally ngayong araw ay may time siya para sa ‘kin. Isa nanaman kasi sa mga novels niya ang gagawing pelikula. Hindi ko pa alam kung ano pero tiyak kong mangunguna na ‘to sa takilya.

Sa lakas ng impact niya ay hindi pa nga nagsisimula ay inaabangan na ng maraming tao. Sa kabila ng issue niya about sa secret marriage nila ni Nathan ay marami paring sumuporta sa kanya. Ang problema nga lang ay alam na ng lahat na mag asawa sila ni Nathan.

Marami ang nagulat , marami ang sumoporta sa kanila. Marami din ang nais na iinterview si Nathan para tanungin tungkol dito. At ang tukmol naman ay gustong-gusto ang nangyayari.

Kung kaya’t mas  lalo naming iniingatan ang relasyon naming dahil natatakot ako na once na malaman ng lahat ang relasyon naming ni Verena ay baka husgahan siya ng lahat.

Hindi ako natatakot na husgahan ng maraming tao kung sakaling malaman ng lahat. Natatakot ako na baka saluhin niya lahat ng ito lalo na’t may ugali siyang ganoon.

“ Really? You’re planning to surprise me?” her eyes widened because of what I said  earlier.

“Malamang hindi na surprise ‘yon kasi nasabi ko na  , Love. Sabi ko kasi sa ‘yo lunch ka na pumunta dito.” I pouted my lips.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now