5-What's inside her mind

5.6K 244 24
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄

~𝑾𝒉𝒂𝒕'𝒔 𝒐𝒏 𝒉𝒆𝒓 𝒎𝒊𝒏𝒅~

TULALA ako habang naglalakad kami ni Althea at nang iba pa niyang kaibigan. I grew not having many friends at all. lumaki ako na hindi umaasa sa iba at nasanay na lang ako na kaibigan na mismo ang lumalapit sa ‘kin. At isa doon si Althea.

“Hoy??? Accla?? Ayos ka lang?” nag aalalang tanong sa ‘kin ni Althea habang naglalakad kami sa hallway patungo sa susunod naming klase.
Hindi ko napansin na nakapasok na pala kami sa classroom naming dahil sa sobrang kalutangan ko ata.

Agad akong naupo sa tabi niya at saka tumango na lamang bilang sagot.
“Muka kang hindi okay…” nag aalalang sabi niya habang nakatingin parin ng diretso sa akin. “Muka ka nang zombie…” she added.

Agad na tumaas ang kilay ko sa kanya. “Gaga , normal na yan.” I Jokingly said that made us laugh together. Well , pareho lang naman kasi kaming muka nang namumutla ,  dagdagan mo pa nang malaki at maitim naming eyebags.

When she tapped my hand , doon kami parehong natigil.

“Pero seryoso , accla. Muka ka nang hindi nakakatulog. Dati kahit nagpupuyat naman tayo sa mga plates natin , muka ka naman paring normal. Ngayon hindi na. seryoso may problema ka ba? Dahil ba ‘to doon sa kwinekwento mo sa ‘kin na hindi na nagpaparamdam sa ‘yo yang boyfriend mo simula nang pumunta siya sa ibang bansa?” nag aalala niyang tanong niya.

“Pwede bang isa-isa lang?” I jokingly said , but the truth is I only said that to change  her topic. Naiintindihan ko naman na concern siya sa ‘kin. Pero ayoko nang i-share sa kanya ang mga problema ko dahil may mga personal problems din siya. Ayoko nang maging pabigat pa sa kanya. Lalo na’t hindi pa naman ganoon kalaki ang mga problema ko.

Tama siya , isa rin sa mga rason kung bakit ako puyat ay sa kaka antay ng mga texts o kaya naman tawag sa ‘kin ni Nathan. Noong mga nauna kasing linggo nag uupdate pa siya sa ‘kin. Ngayon naman ay halos wala na.

Bukod din doon ay napuyat din ako kagabi dahil sa  kababantay kay Verena. Sobrang taas ng lagnat niya kagabi at kung hindi ata dahil sa pag pipilit namin sa kanya na uminom ng gamot ay hindi bababa ang lagnat niya. Kagabi ay umiiyak siya at nagwawala , at nang makatulog lang siya kumalma. At nangyari ‘yon kaninang madaling araw pa lang.

May ilang oras pa naman sana akong pwedeng gamitin upang matulog , ngunit hindi ko na nagawa dahil walang ibang nasa loob ko kung hindi ang pag aalala kay Verena.

Muntikan na nga akong hindi makapasok sa skwela dahil wala pa sa pag aaral ang utak ko. walang ibang laman ang isipan ko kung hindi si Verena. Noong magising siya kanina ay bumalik nanaman siya sa dati. Para siyang bata na nag tinotopak. Pero ito yung topak niya na hindi ko kinaiinisan.

Kadalasan kasi noon kapag mainit ang ulo niya at tinotopak siya ay wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang sumigaw at mag wala. Ngayon ay sumisigaw parin siya at nagwawala , ang pinagkaiba lang ay umiiyak siya at ang taas ng temperature ng katawan niya.

Nang dumating ang lunch time naming , ay imbes na dumiretso ako sa cafeteria ay agad akong nagtungo sa banyo. Dali-dali kong iniayos ang buhok ko at saka ito itinali. Hinila ko pataas ng braso ko ang sleeve ng suot kong oversized na polo nang sa ganon ay hindi mabasa ang damit ko. bago ko hilamusan ang muka ko napatingin muna ako sa repleksyon ko sa salamin.

At agad akong napa pikit nang muli ko nanamang maalala kung paano mag makaawa si Verena kagabi habang may luha ang mga mata niya.

I groaned in annoyance because I can’t stop thinking about her! Ni wala nga akong naintindihan sa mga lectures ng prof ko dahil ang utak ko ngayon ay na kay Verena parin. Habang ang puso ko naman ay nag aalala parin sa kanya.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now