9-Love game

5.1K 209 27
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄

~𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒈𝒂𝒎𝒆~

THEY said love is a game , In order to win , Kailangan mong sumugal. No one knows if mananalo ka o hindi tanging tadhana lang ang nakaka aalam.

May mga pagkakataon na madaya ang tadhana. Ngunit hindi ito matatawag na laro kung walang hahandlang sa 'yo.

The game of love is really hard to resist. At may mga bagay tayong kailangan isakripisyo sa kalagitnaan ng laro. No one knows if you're going to win. Pero isa lang ang sigurado...

Walang sigurado...

MASAMA parin ang tingin ni Verena kay Jade habang nakaupo kami sa  table na inihanda ni Ivory para sa ‘min. paano ba naman kasi , Jade is a little bit touchy when it comes to her friends. And we absolutely understand that. Noong magsimula nang magusap sila ni Ivory ay agad silang naging close dahil talagang hindi mahirap pakisamahan si Jade.

Ngunit talagang hindi natutuwa si Verena sa kanya lalo pa’t panay akbay siya kanina sa ‘kin.

Hindi ko alam kung anong trip nila ni Ivory dahil natutuwa pa ata sila na makita ang reaksyon ni Verena sa tuwing nakikipag biruan sa ‘kin si Jade. At sobrang lakas ata ng trip ni Ivory dahil lumipat na kami sa mas malaking table nang sa ganon ay maging kagkakasama kaming kahat. At nilipat niya kami sa isang couch type seat at ang pinagtabi niya?? Kami ni Verena at ni Jade. Nasa gitna ako ng dalawa na siyang mas lalo pang dumagdag sa inis ni Verena.

Ivory was talking to us at tanging si Verena lang ang hindi naimik. Busy lang siyang paglaruan ang kamay ko. nakasandal lang siya sa balikat ko habang tila pinaglalaruan ang buhok na tila kinukulot ito gamit ng isa niya pang kamay.

She looks like a lost child who finally found her home.

“So kayo po miss Ivory. Ilang taon na po kayo?” Amber asked.

“I’m 26 , four years younger ako kay ate Verena” Ivory kindly said.

“So lahat kayo architecture ang course?” Ivory asked us. at agad naman kaming tumango. “Why did you chose architecture?” Ivory asked.

At bilang matitinong kausap sila Amber at Althea ay ang sagot ng dalawa ay ‘naghahanap daw sila ng stress sa buhay kaya architecture ang kinuha nila’ no wonder kung bakit sobrang bagay nila. Nang time ko naman upang sumagot ay agad ko sinabi ang dahilan ko.

“Well , bata pa lang talaga kasi ako mahilig na akong mag drawing.” I said.

“How about you?” tanong ni Ivory kay Jade.

“Well , hindi ko sila ka klase. matagal na akong graduate. I’m just a freelance model and a music producer who likes to travel” Jade simply said.

“Hmm… you’re kinda familiar…” Ivory smirked while slowly drinking her drink seductively while her eyes was on Jade. Pareho sila ng ate niya ng paraan sa pag ngisi. But Verena hits different. Ivory has a playful witch vibe while Verena has a snow vampire queen vibe na talagang kaya kang akitin sa isang tingin lang.

“Ikaw rin…” Jade said.

Ivory is really pretty I must admit that. Masyadong carefree at girlie ang vibe niya.

Nang mapansin ni Jade ang mga nakakaakit na tingin ni Ivory ay hindi niya maiwasang mapa ngisi. Nilislis niya ang sleeves ng suot niyang oversize na polo hanggang siko at saka sumandal sa sofa habang nakapako parin ang tingin kay Ivory.

Hay nako lumalabas nanaman ang pagka playgirl niya. Ang hindi ko lang alam if uubra ba siya kay Ivory. Nasa lahi na ata nila ang pagiging mapang akit. Tingnan mo ‘tong katabi ko. pinaglalaruan lang yung buhok ko pero nakakaakit na.

The wife and her MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon