32- Jealous Dragon

3.4K 126 19
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

~𝑱𝒆𝒂𝒍𝒐𝒖𝒔 𝑫𝒓𝒂𝒈𝒐𝒏~

Loud music. People talking to each other while dancing to the rhythm created by the loud music that almost created a bang on my head.

Halos mabingi man ako , ngunit patuloy ko parin na naririnig ang boses niya habang hawak ko ang malamig na baso na pinalamig pa ng nanlalamig kong palad.

Malayo ang titig sa kawalan habang pilit kong hinahalo ang yelo mula sa alak na laman ng baso ko. I crossed my legs as I chug it without hesitation.
I though my drink will help me to be numb enough to make me forget about the excruciating words that came out from her own mouth.

But I was wrong. The more I drink , the more it played inside my mind.

[ “ And besides… leaving her was the best thing I ever did…” ]

Tila may kung anong kumurot sa dibdib ko nang muli ko nanaman itong maisip. Dahilan upang muli ko nanamang salinan ang baso ko ng panibagong alak. Ninanais na magpaka lunod na lang dito.

Naghahanap din ako ng ulan , upang maligo sana dito. Nang sa ganun ay walang makakapansin sa luha ko kung sakaling umiyak ako sa gitna nito.
Ngunit ang ibinigay sa ‘kin ay ang magagandang bitwin na mas lalong nagbibigay alaala sa ‘kin patungkol sa kanya.

“ mukang kanina ka pa dito ah?” napa angat ako ng tingin nang may bigla na lamang na kung sino ang nag patong ng itim niyang celine na bag sa ibabaw ng table ko. kasabay din nito ang pag bagsak niya ng sarili niya sa upuan sabay marahang ibinukaka ang hita niya at saka ipinatong ang siko niya sa ibabaw ng tuhod niya.

Isang tingin ko pa lang sa usok ng sigarilyo niya agad na akong napatingin ng diretso sa mga mata niya.

“ Akala ko di ka makakapunta?” I asked.
She just smiled at me. “ nang sinabi mo kasing libre yung alak , di na ako nagdalawang isip na pumunta dito kahit tambak pa ang gagawin kong trabaho”

She took a sip on her cigarette and eventually exhaled it out of her gorgeous lips.

“  ‘di na nga kami masyadong nagkikita ng buraot kong kaibigan , pumalit ka naman” 

Napatingin siya sa table ko “ Naks , dalawang bucket. Balak mo bang magpaka lunod sa alak? Sabihin mo lang kung gusto mong magpaka lunod ah? Dadalhin kita sa pool sa bahay , lunudin kita dun for free”’

Gag0 talaga siya kahit kailan. Ano pa bang aasahan ko mula sa kanya? She’s Jade. maganda pero siraulo.

“ k1nang1na mo po , di ba pwedeng inatake lang ako ngayon ng ligaw na anghel at ililibre kita ng alak?”

She chuckled before leaning her back at the chair. “ lokohin mo na ang lelang mong panot wag ako , tsaka pakisabi sa anghel na sumapi sa ‘yo. Ilibre ako ng crispy pata tapos sisig kasi masarap daw dito.”

“ Gag0 , alak lang sinabi kong ililibre. Di ko sinabing kasama yung pulutan. Ambagan tayo” I rolled my eyes.
Alak lang sabi kong ililibre ko eh. Di kasama yung pulutan.

“ Apaka duga mo naman po! Ambagan kita ng 200 mamaya , ikaw na muna magbayad. Wala akong cash…”

Napa iling na lang ako. Alak lang usapan na ililibre ko eh.

“ pero seryoso , Alexa. What are we even doing here? Are  you okay? What happened?” she asked with her eyes full of worry.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ng maayos. At hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya na walang luha ang tumatakas mula sa mga mata ko.

The wife and her MistressWhere stories live. Discover now