Chapter 04

47 6 0
                                    


Elinor's POV:

I went to the company like nothing happened and my chest still feels heavy and I continued my work.

"Eli, umiyak ka 'no? Halata." Sabi ni Jessa pero hindi ko siya pinansin at nag focus sa ginagawa ko.

Kinalabit niya ako. "Pst, anong nangyari? Tumawag saakin si manang sinabi niya kung ano mga nangyari. Okay ka lang?" Sabi niya at napa buntong hininga naman ako.

"Alam mo na pala eh bakit kapa nagtatanong." Sarkastiko na sabi ko at kumuha naman siya ng upuan at tumabi saakin at nagulat ako ng bigka niya akong yakapin.

"Nandito lang ako at pwede kang umiyak sa'kin." Sabi niya at para bang may kung ano sa mga salita niya at automatic na tumulo ang mga luha ko.

"P-pagod na ako..." Sabi ko at gumaragal ang boses ko kakaiyak at parang pinipiga ang puso ko bawat luha na tumutulo.

"Alam ko, pero pwede ka naman magpahinga. Nandito lang ako lagi para sa'yo hindi kita iiwan." Sabi niya at hinigpitan ang yakap.

Pinunasan ko ang luha ko at lumunok. "Talaga? Eh balita ko magiging iba na boss mo. Four months nalang." Sabi ko at natigilan naman siya at tumingin sa'kin.

"Ha? Anong sinasabi mo? Magreresign kaba?" Gulong tanong niya at umiling ako.

"Yung step sister kuno ko ang papalit sa pwesto ko." Sabi ko at napanganga siya sa gulat at tumayo at umiling habang nakahawak sa ulo at palakad-lakad pa siya.

"Tangina, 'di 'to pwede." Sabi niya at mukhang problemado.

"Pwede. Bukas ia-assist ko na siya." Sabi ko at napalingon saakin at napahawak sa bibig.

"Paano ka? Saan kana magtatrabaho?" Nag-aalalang sabi niya at nag kibit balikat naman ako.

"I'll probably purse my dreams to be a Doctor. Mag-aaral ako ulit." Sabi ko at nagulat ako ng bigla siyang maiyak at bumalik sa kinauupuan niya at niyakap ako.

"Hindi... hindi pwede. Ikaw lang gusto ko." Sabi niya at parang batang umiiyak.

"Wala eh, gan'to talaga ang buhay. Tawagan mo ako kapag inaaway ka niya." Biro ko pa pero halata sa boses ko ang lungkot.

"Mag reresign ako! Hindi kita iiwan!" Sabi niya pa at tumayo at umiling naman ako.

"At saan ka naman magtatrabaho? Ipaalala ko lang sa'yo may mga kapatid kang pinapa aral." Sabi ko at napaisip naman siya.

"Edi mag-aaply ako ng trabaho sa iba! Tapos sasamahan kita mag-aral ulit diba pareho nating pangarap 'yon? Ang maging Doctor." Sabi niya at natigilan naman ako.

"Really? You'll do that for me?" Hindi makapaniwala na sabi ko at tumango naman siya.

"Oo naman! Kaya ko naman maging working student. At saka pababayaan ba kita? Ni hindi ka nga kumakain hangga't hindi ko pinapaalala sa'yo." Sabi niya at agad ko naman siyang niyakap.

"Thank you." Sabi ko.

Claude's POV:

"Tignan mo 'to. Inaya kita dito para mag saya tapos ngayon kaharap mo 'yang laptop mo." Rinig kong sabi ni Atlas at inirapan ko naman siya.

"Where are we again?" I asked and I arched my brow and he frowned.

"Nasa CQ?" Patanong na sabi niya.

"That's right. I'm at my own bar and I'm the owner that's why I'm working right now." I sarcastically said and went back to my work.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi niya at naglakad paalis at napa buntong hininga naman ako.

As usual, Atlas went to the dance floor with some random girls and danced with them while holding a glass of alcohol in his hand, and I just shook my head.

WL #3: Elinor Grace Walter (COMPLETED)Where stories live. Discover now