Chapter 07

49 6 0
                                    


Elinor's POV:

"Faster! Nandito na sila Loraine!" Nagmamadali kong sabi at agad na lumabas ng sasakyan at sumunod naman siya sa'kin.

"Slow down!" Paalala niya saakin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lumakad kahit medyo makirot pa ang gitna ko.

"Eli! Anak!" Tuwang-tuwa na sabi ni Mother Josefina ng makita niya ako at agad na bumeso saakin at niyakap ko naman siya.

"Kamusta po kayo? Ang mga bata? Pasensya na ang tagal kong hindi nakabisita masyadong madami lang talaga akong ginagawa." Sabi ko at hinaplos naman niya ang pisngi ko at ngumiti.

"Okay lang! Ang maganda ay nandito kana at okay naman ako at hinihintay kana ng mga bata at namimis kana nila." Sabi niya at napangiti naman ako.

Agad akong sumabay kay Mother Josefina para makita na ang mga bata at napangiti ako ng sabay-sabay sila na tumakbo papalapit saakin habang nagsisigawan sa tuwa.

"Ate Eli! Ate Eli!"

"Namiss ka namin!"

"Bakit ngayon ka lang po bumisita!"

"Ate Eli! Nasa inyo po ba 'yung crayons na gusto ko po?"

Nag group hug naman kami. "Namiss ko din kayo! Pasensya na ngayon lang nakabisita medyo busy lang kasi si Ate Eli pero lahat ng gusto niyo naman ay nabili na namin!" Masayang sabi ko at tuwang-tuwa naman sila naghiyawan.

"Talaga po? Pati 'yung bag ko?" Sabi ni Jaya at kinurot ko naman ang pisngi niya at ngumiti.

"Oo naman! Nakila Ate Loraine at mamaya ay ibibigay na namin sa inyo pero bago 'yun kakain muna tayo. Okay lang ba sa inyo 'yun?" Sabi ko at sabay sabay silang tumango.

"Opo!" Sabay-sabay na sabi nila.

Nilibot ko ang mata ko dahil parang kulang sila. "Nasaan si Tati? Bakit parang wala siya?" Tanong ko at natahimik naman sila at nagkibit balikat.

"Ate, aamponin na kasi si Tati bukas kaso nalulungkot naman siya baka daw kasi hindi kana niya makita at hindi na siya makabisita dito." Sagot naman ni Mark at napatango-tango naman ako.

"Bakit naman hindi? Sigurado naman ako na maiintindihan ng bago niyang magulang na gusto niyang bumisita dito kahit paminsan-minsan." Sabi ko at natahimik naman sila ulit.

"Eh Ate Eli narinig kasi namin na dadalhin na siya sa ibang bansa." Sagot ni Lila at natigilan naman ako.

"Eh nasa'n siya ngayon?" Tanong ko.

"Nasa kwarto po namin ayaw daw niya lumabas hindi ko po alam kung bakit." Sagot ni Lila at tumango naman ako.

"Gano'n ba? Ako na ang bahala sakanya at kumain na kayo at pagkatapos bibigay na namin ang mga regalo niyo." Sabi ko at natuwa naman sila.

Lumapit ako kanila Loraine kasama niya sina Josh at Julie na mga kaibigan ko at magkakasama na kaming lumaki dito sa bahay ampunan. "Eli! Tagal mong hindi sumama sa'min." Sabi saakin ni Julie.

"Sobrang busy kasi ako kaya si Jessa ang pinapapunta ko." Sabi ko at tumango naman sila.

"Grabe! Iba talaga kapag CEO!" Natatawang sabi ni Josh at inirapan ko naman siya.

Habang binibigyan ko ng mga juice ang mga bata ay napaigtad ako ng may kumalabit saakin. "Ay kalabaw! Claude naman eh!" Inis na sabi ko at natawa naman siya.

"Let me help you with that." Sabi niya kaya binigay ko sakanya ang iba pang juice para maibigay niya sa ibang mga bata na hindi. pa nabibigyan.

"Ate, sino po s'ya? Boyfriend niyo po?" Muntik na ako masamid sa sarili kong laway ng marinig ko ang tanong ni Jaya.

WL #3: Elinor Grace Walter (COMPLETED)Where stories live. Discover now