Chapter 6 - Recess Date?

6.7K 249 24
                                    

That Shokoy Stole My First Kiss -Recess Date?


@chocowizard23 this is for you. :v kagabi mo pa ako pinapaupdate ah. hintay naman po ples. xD grabe to.. minamadali ako.. :v



*Sandy*


nasa cafeteria ako bumibili ng pagkain, tinatawag ko si Faye pero nagpaiwan siya.. hmm.. someting's fishy.. pero.. NYAHAHAHAHA!!! success ang plano ko na ipaglapit sila! oo! tama kayo, si Faye at si Kent, patikim ko lang naman yun. tinry ko lang kung sasakay ba si Kent sa akin o hindi at kung tama ba talaga ang aking conclusion na may gusto siya kay bespren ko,tama nga! may gusto nga si Kent kay Faye.. well, dati ko na napapansin si Kent na may pagtingin siya sa bespren ko.. paano? simple lang.. the way he looks at my bestfriend. tsaka pati na yung special treatment na binibigay niya kay Faye. katulad ng First name basis. lahat kami sa classroom or may kakilala si Faye, Malazarte or Faye ang tawag. pero siya? siya lang ang tumatawag ng Alice.. kahit family member lang niya ang pwedeng tumawag nun. tsaka when they fight, imbis na fire ang background nila, sparkles ang nakikita ko. xD NYAHAHAHAHA! kasi naman.. kung mag-away sila parang tunay na Gf at Bf sila...


aweeee!! kinilig naman akoo! bagay na bagay talaga sila.. kaya lang, napaka manhid ever tong bespren ko. alam kong alam na niya yung nararamdaman niya, pero nirereject lang niya. asuus. pa echeng pa kasi tong si Faye. kaya ako, ang role kong bespren ay tulungan siya sa crushlife niya.. bwahahaha!!! ako kaya si Sandy Enriquez noh! ang dakilang four-eyed na maganda at kaibigan ni Alice Faye Malazarte.. bwaahaha--


*BOGSH*


"Aruuyyy!" nauntog lang naman ako sa poste ng cafeteria. -___- hanep tong cafeteria na 'to, may poste. hanepp... -__- panira ng moment tong poste. Im in the verge of laughing in my mind and there you are interrupting it!! wait. wut?


katangahan Sandy.. katangahan kung bakit ka nauntog..


oo nga naman. aishh, napahimas himas tuloy ako sa noo ko. buti nalang di nabasag yung salamin ko at di nahulog yung biskwit ko. nakuu, ginugutom pa naman din ako..


sige, tawa pa Sandy..hays.


"Hey, are you okay?" may lalaking lumapit sa akin. habang hinimas himas yung noo ko, napatingin ako kung sino yun, at guess what... SI BOX!!! OMAYGAD! SI KRASS!!! halaaa!!! oemgee!! ang gwapo talaga niya... napatitig lang kami sa isa't isa ng 1 hour, tapos may caption na 'THE END' bwahahah!! JOKE! hindi yan nangyari uy. xD syempre, nagulat ako, bigla bigla kasing sumusulpot tong isang to.. pero cute naman.. mehehehe.. oist! lumalandee ka na Sandy. xD


"Box? Hi!" sabay ngiti at ayos ko naman sa salamin ko, natabingi kasi nung nauntog ako..


"are you ok? I saw you bump your head." sabay turo yung posteng panira ng moment.. :P


"y-yeah.. hehe, actually it hurts a little.." hinawakan ko naman yung noo ko. actually, masakit talaga siya.. malakas kasi pagkauntog ko pero, keri lang, basta't makita si crush, ok na akoo! haha!


"Lemme see?" agad naman niyang tinanggal yung kamay ko at hinawakan yung noo ko.. ow shet. ow sheet.. ow SHET! hinawakan niya noo ko!! sobrang warm nung kamay niya.. Note: naghahayperventilate na po akoo! sana araw araw nalang akong mauuntog, kung ganito lang din ang mangyayari sa akin! bwahaha!! ramdam na ramdam ko ang init ng mukha ko. kyaaa!! sana di niya mapansin.. kasi kapag kinikilig or naeexcite ako, nagbablush ako kaagad. nakuu!

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя