Chapter 42 - Fixed

3K 108 19
                                    

3rd Person P.O.V

Di makapagfocus si Patrick. Di dahil nalaman niyang bumalik ang tatay niya sa pilipinas kundi dahil pumunta sa bahay nila mismo at nagkita pa sila ng bunso niyang kapatid. natatakot si Patrick na baka i-isolate nanaman ni Alice ang kanyang sarili sa mga tao. Bilang nakakatandang kapatid at nag-iisang lalake sa pamilya, gagawin niya lahat upang protektahan ang pamilya niya. Iniisip din niya ang nararamdaman ng mama niya ngayon. sa dami ng iniisip niya, nakalimutan niyang monthsary pala nila ni Heidi ngayon. Una, nagtampo si Heidi sa kanya. pero agad namang naintindihan ng kanyang kasintahan ang pinagdadaanan niya ngayon. 

"Okay lang, bi. naiintindihan kita. besides... monthsary lang naman to eh. ang mas mahalaga aabot tayo ng taon.." sabay ngiti ni Heidi sa kanya. kaya mahal niya tong babaeng to eh. niyakap naman ni Patrick si Heidi at hinalikan sa noo... ganyan lang sila magmahalan. simple pero grabe ang pagmamahal at pagakaintindihan sa isa't isa. Matapos na ang kanilang klase ay inihatid ni Patrick si Heidi sa bahay nila.. He even promised to treat her tomorrow. Heidi kissed his cheek bago pumasok sa bahay nila. she signaled Patrick to text her pag nakauwi na siya. He nodded at tuluyang umalis. Sakto namang pag-uwi ni Patrick nasa sofa ang kanyang mama hinihilot ang kanyang sentido... 

"Ma...." 

Napukaw niya ang atensyon ng mama niya sa kanya at napatingin sa kanya. lumapit naman si Patrick at umupo sa tabi ng mama niya.

"nak, anjan ka na pala. di kita napansin.." tipid na ngiti ang ipinakita ni Patrick sa mama niya at di maiwasang magtanong.

"may nangyari nanaman ba, ma?" 

bago pa man makasagot ang mama niya ay huminga muna ito ng malalim. "yung tatay niyo..." 

"bakit po? may ginawa nanaman ba siyang kasalanan sayo ma? sinaktan ka ba niya ulit?"

umiling naman ang mama niya.. "hindi nak. pumunta siya dito kahapon..." 

napatayo naman sa gulat si Patrick. "ha? anong ginagawa niya dito ma? sinaktan ka ba niya? naabutan ba siya ni Alice?" nag-aalang pagtanong niya na may kasamang galit. bakit 'di man lang siya sinabihan ng mama niya tungkol dito at bakit pa pumunta ang walang kwentang tatay niya dito sa pamamamahay nila? kung tutuusin, simula nung umalis siya dito wala na siyang pakialam sa kanila at karapatan na pumasok sa pamamamahay nila. nag-aalala tuloy siya sa bunso niyang kapatid. baka bumalik ito sa dati na hindi nagsasalita ang ikukulong ang sarili sa kwarto. galit na galit si Patrick ngayon. naramdaman niyang hinawakan ng nanay niya ang kamay niya. napatingin naman siya..

"huminahon ka muna, Patrick..." 

"paano ako huminahon ma kung pumunta dito ang walang kwentang taong 'yon?!" napatayo naman ang kanyang mama.

"wag kang magsalita ng ganyan, Patrick! tatay niyo parin siya!" ikinagulat naman ni Patrick ang reaksyon ng kanyang ina. 

"kumakampi ka na sa kanya ngayon ma? hindi ko maintindihan... akala ko galit kayo sa kanya?" 

"oo, galit ako sa kanya! pero may kasalanan din ako, Patrick..." napaupo ulit ang kanyang ina. di maintindihan ni Patrick ang pinagsasabi ng kanyang ina. kasalanan din niya?

"anong ibig mong sabihin, ma?" huminga ulit ng malalim ang kanyang ina.

"Dati pa gusto nang mag abroad ang tatay niyo. gusto niyang maging mahusay na doktor sa buong mundo. yun ang pangarap ng tatay mo... simula nung dumating kayo sa buhay naming dalawa, hindi parin nawala ang pangarap niyang yun kahit nasa mataas na posisyon sa ospital. sinabi niya sa akin dati na gusto niyang mag-apply bilang doktor sa amerika dahil sa seminar na inatenan niya doon...

Di ako pumayag... ayokong mawalay tayo sa kanya. ayokong mawalay sa kanya. kaya, away kami ng away. walang katapusang away. at dahil doon, sinikreto niya lahat sa akin. doon ko nalang nalaman na aalis siya nung araw na nagkasakit si Alice... Kasalanan ko ang lahat kung bakit siya umalis, kung bakit kami nag-aaway palagi. sana sinuportahan ko nalang siya. sana hindi ako naging maramot at binigay ang gusto niyang makapag abroad... Mahal ko ang tatay niyo kaya ayaw kong pumayag na lumayo siya sa atin. pero sa pagmamahal na 'yon, naitulak ko siya palayo." nagsimulang umiyak ang kanyang ina at napayuko. di maintindihan ni Patrick ang pakiramdam niya pagkatapos niyang narinig ang buong storya galing sa bibig ng nanay niya. hinimas himas nalang niya ang likod ng kanyang mama para gumaan ang pakiramdam ng nanay niya. 

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now