EPILOGUE

576 12 2
                                    

Alice P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alice P.O.V

"Faye! Omg wag kang makulit!" pinagalitan ako ni Sandy dahil inaaplayan niya ako ng pang ano sa mata. Ano ngang tawag nun, eyeliner? Smokey eye daw ang gagawin niya sa akin ngayon. Pero sa totoo lang di ko alam kung anong ginagawa niya sa mukha ko, basta sumunod lang ako sa kanya. 

"Di naman ako gumagalaw ah!" Masakit kaya sa mata. nakakainis talaga! Nakakapagod magpaganda andaming arte! I heard her tsked at pinagpatuloy nalang niya ang pag a-eyliner sa akin. Oo nga pala, Prom namin ngayon. Matapos nung birthday ko ay nagkaayos na sila mama at papa. Pinatawad na din ni kuya si papa at ako naman ay bumalik na sa pag pa-piano. Sobrang namiss ko ang pag-piano dahil nandoon padin ang hilig ko sa pagtugtog. Bumalik si papa sa Amerika dahil may aayusin siyang papeles para lumipat na dito sa pilipinas for good. Sumigla ulit yung bahay lalo na ngayon ay kompleto na kami. 

Nang matapos akong make-upan ni Sandy ay tumingin na kami sa salamin. Ohoi, nagmukha ulit akong tao. Ang galing talaga ng skills ng babaeng to. Ang ganda din ng suot niya ngayon, nakaputi. Mukha siyang anghel na 'hinulog' sa langit. 

hehehe biro lang. ge tawa na kayo.

"Oh my gosh, bespren! Ang ganda mo talaga huhuhu me is so inggit." bigla siyang napapout.

"Tumigil ka nga, ang ganda mo nga ngayon e. Ihulog kita sa hagdan namin e."

"ay grabe sya oh!" tumawa nalang ako dahil sa reaksyon niya. Nakakatuwa talaga tong four-eyed na 'to. nakita kong kinuha niya yung cellphone niya at tinapat niya sa akin.

"Selfie!" mabilis akong nagpose. Tinignan niya yung picture naming dalawa.

"We look gorgeous!" tili niya. grabe nagmukha talaga akong babaeng maarte. Hassle talaga tong Prom na to e, pauso. 

Narinig naming may kumatok sa pintuan namin at sumilip si mama sa amin. Pumasok siya na may daladalang camera. 

"Smile!" Inakbayan naman ako ni Sandy at sabay kaming ngumiti sa harap ng camera. 

"ang ganda niyo ngayon girls! timing naman at dumating na ang date niyo." she wiggled her eyebrows at ngumiti ng nanloloko. Si mama talaga nakikisali sa mga kaedaran ko ngayon. Napatili naman si Sandy ng mahina at hinila na ako palabas ng kwarto. Pagbaba namin ay nakita kong nakaupo siya sa couch namin. I admit, he looked good. He's wearing a black suit and he's cool. I know, I'm bad at describing my man.

Oh sht. Did I just said 'my man'? 

Napatingin sila sa amin, siguro kung cartoon or anime to ipapakita talagang mahuhulog na ang panga nila sa aming dalawa ni Sandy. Especially that Enrique. Lumapit si Sandy kay Enrique at may blushing scene pa silang nalalaman. Nakita ko namang palapit siya sa akin. He smiled at me so sweetly.

"You look gorgeous, Alice." 

Feel ko namumula na ako ngayon dahil sa complement na binigay niya sa akin. My heart just skipped a beat.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon