Chapter 35 - Biscuits and stuffs for you :)

3.8K 132 21
                                    

"Pa? papa? saan kayo pupunta?" pagbangon ng batang babae mula sa tulog niya. nakita niya ang tatay niya na may dalang malaking bag at tinignan lang siya ng tatay niya at inayos ang buhok ng batang babae.. 

"bumalik ka na sa pagtulog, anak.. may sakit ka pa.." he tucked her in.. "magpagaling ka ha? be a good girl, sumunod ka sa mama mo.." habang inaayos yung buhok ng batang babae at humikbi naman siya.

"aalis ka ba papa? di ka na ba babalik? iiwanan mo na ba kami?" tanong ng batang babae habang umiiyak. pinahid naman ito ng papa niya.. 

"shhh... wag ka nang umiyak.. di aalis si papa.. basta tandaan mo, laging nandito si papa. mahal kayong lahat ni papa.. kaya matulog ka na.." 

"dito ka lang hanggang matulog ako? hanggang magising ako?" tanong ng batang babae na tumatahan na.. 

tumango naman ang tatay niya sa kanya.. "oo.. pangako.."  And by that, nakatulog ang batang babae.. huminga naman ng malalim ang tatay at kinuha ang kanyang bag.. "may kailangan lang gawin si papa.." bulong niya at umalis na sa kwarto.

Kinabukasan, nagising ang batang babae... nakita niya ang gamot sa tabi niya at pamunas sa noo niya. tinanggal niya ito at bumangon. ang unang una niyang hinanap ay ang papa niya. pero ang pumasok sa kwarto niya ay ang nanay niya. maga ang mata ng nanay niya at mukhang walang tulog.. 

"Mama? anong nangyari sa'yo?? saan si papa?" umupo lang sa tabi niya ang mama niya at hinawakan ang kamay ng batang babae.. 

"mama?" tawag niya ulit.. 

"wala na papa mo, nak. he just left." 

"ha? hindi! mama! hindi! hindi niya tayo iniwan! Papa!! papa!!!"  aalis sana siya sa kama niya pero pinigilan siya ng mama niya at niyakap siya. agad namang pumasok ang kuya niya sa kwarto niya..

"ma? anong nangya-- Bunso!"  lumapit naman ang kuya niya at di alam kung anong gagawin.

"anak, wag kang masyadong gumalaw, mataas pa lagnat mo.." pag pipigil ng mama niya sa kanya.. pero hindi parin tumitigil ang batang babae sa pagpupumiglas sa mama niya..

"Patrick! kunin mo ang pampakalma sa office ko! BILIS!"  agad namang umalis ang nakakatandang kapatid niya sa kwarto..

"PAPA!! PAPA!! NANGAKO SIYA SA AKIN MAMA! MAMA! SI PAPA!!! PAPA!" 

I woke up.. I found myself on my bed.. wait. what? anong ginagawa ko dito sa bahay? nasa school dapat ako ngayon. naramdaman kong basa ang noo ko kaya hinawakan ko ito at naramdamang basang bimpo. Did I catch a fever? tsk. parang ulan lang magkakasakit agad ako? napabangon naman ako at napatingin sa wall clock. 5:45 pm? so ilang oras na ba ako nandito? ano ba yan? ang dami kong tanong sa sarili ko. pinilit kong tumayo pero parang nanghihina talaga ako at sumasakit pa ulo ko. 

"ugh! bakit kasi umulan kanina? nagpatuyo naman ako.." I sighed. napaka weak ko talaga.. napaisip naman ako sa panaginip na meron ako. sa lahat ng panaginip yun pa ang lumabas or should I correct myself? it wasn't a dream but my biggest nightmare..

I was staring at my hands for the whole time nang may naglagay na tabletas sa kamay ko. tumingin naman ako kung sino ang naglagay at nakita kong si mama pala... 

"its been 11 hours in a half... buti nalang hindi ka pa nauubusan ng nutrients sa katawan mo." pagbibiro ni mama sabay bigay ng tubig sa akin.. did I ever say that my mom was a Doctor? guess not.

"salamat ma." tinanggap ko naman ang baso at ininom ang gamot. ugh, I hate medicines.. they taste awful. binigay ko ulit ang baso kay mama at nilagay sa side table at bigla niya akong sinapak sa braso.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now