Chapter 12 - Ms./Mr. Intrams

6.1K 235 48
                                    

HI HI HI!!!!! opo ikaw na nagbabasa! haha! XD I just wanted to say na salamat sa pagbabasa at paghihintay ng update ko.. and school, malapit na! >.< #TeamJune8 kasi ako.. and ang gagawin ko ay maghahanda para sa school.

-______- so yeah. lulubusin ko na ang pag-uupdate nito bago ko pa makalimutan na nag-eexist to.. haha! XD


ok. proceed na. ^_^


——————————————


*Alice*


ngayon na gaganapin ang opening ng intrams. which is ngayon din ang pinakahihintay ng lahat. take note: ng lahat. di ako kasali.


nandito kami sa T.L.E room. lahat ng sasali dito inaayos, pero binukod ang babae sa lalake. so wala si Ferrer dito.. di ko maiwasang isipin nung nangyari kahapon.. binalikan ko kasi siya.. OO. binalikan ko siya, ewan ko ba parang may sariling isip yung paak na basta basta nalang nagpepedal pabalik doon..


nakita ko siyang nakatingin sa mga bituin. para bang problemadong problemado ang mukha niya at hawak hawak niya yung bag niya... yumuko ako at parang gusto ko nalang umalis dun. pero ewan, palapit ng palapit ang bike ko sa kanya.. ng lumingon siya sa akin. biglang tumalon yung puso ko.. habang siya naman ay gulat na gulat.


"A-Alice? bakit andito ka? akala ko nakauwi ka na? gabi na..."


it took me 10 seconds for me to react...


"h-heh! kasalanan ko bang hindi ko alam yung daanan pabalik? tsss.. ikaw nagdala sa akin dito. dapat ikaw din ang magdala sa akin pauwi!"


sinungaling. alam ko naman ang pabalik. kaya lang ba ewan. nag-aalala siguro ako sa kanya.


nagkatinginan lang kami saglit tapos bigla siyang tumawa.. oh?! anong tinawa tawa nitong lalakeng to?!


"anong tinatawa tawa mo hah?!" sigaw ko sa kanya.. "ikaw na nga tong binalikan ko eh. tss.. dyan ka na nga." magsisimula na sana akong magpedal kaya lang piniglan niya ako..


"wait. binalikan mo ako?" nakangisi niyang tanong sa akin.


shet. bakit ko pa kasi sinabi yun?!!! tanga ko talaga. tsk.


"h-hindi! mali yung narinig mo.. oh ano? aangkas ka ba o hindi?! alas sais na ng gabi oh!" tinapat ko pa yung relo ko sa kanya.


"oo na.. aangkas na.. pero binalikan mo talaga ako?" habang umangkas siya sa bike ko. napalingon naman ako sa sinabi niya. nakangisi siya. ARGHH!!! nakakainis!


"H-HEH! tumahimik ka!" at nagsimula na akong magpedal paalis dun sa lugar na yun. habang pababa kami medyo mabilis naramdaman ko namang hinawakan niya ng mahigpit ang bewang ko.. napasigaw naman ako.. "hoy!! nanananching ka nanaman ah!" di siya sumagot. kahit na malamig ang simoy ng hangin, mainit ang pakiramdam ko ngayon.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant