Chapter 39 - GAME OVER

3.8K 134 38
                                    

*ALICE P.O.V*

Nakarating na kami sa bistro na palaging pineperform nila Kuya Gab at ni Ren ng banda nila. tinanggal ko na yung helmet at bumaba sa motor. hinubad din ni Ren ang kanyang helmet at nakangiti sa akin.

"oh, bakit ka ganyan makangiti?" tinanong ko siya.

"wala lang. kasama kasi kita ngayon." and he winked at me. parang ang init ata. habang inaayos niya ang paglagay ng helmet niya sa motor niya ay pinagmamasdan ko siya.. parang kailan lang na tawag ko sa kanya kuya Ren. namimiss ko na din ang mga kulitan naming dalawa mga tuksuhan. sana maibalik ko pa ang mga oras na wala pang ilangan sa isa't isa.

"let's go?" natauhan ako nang nag-aya siya sa akin. ngumiti lang ako at tumango. ngayon ko lang napansin na ang suot ko ay pedal at white shirt na may design na scouting legion logo sa right side. May guard na humarang sa amin, bigla namang nagtaka si Ren.

"Chief? bakit?" tanong ni Ren.

"minor ba yang kasama mo?" pagtanong ng guard sa kanya. ay, oo nga pala bawal ang mga minors sa mga bistro. di ko din alam kung bakit. napatingin naman si Ren sa akin nako, patay talaga ako pag nakita ako ni kuya Gab nito.

"nope. she's from my class.. Girlfriend ko po siya chief." pagpakilala sa akin ni Ren sa guard. nanlaki naman ang mata ko sa kanya and I wanted to tell him: wtf are you saying I'm your girlfriend?! ngumiti naman ang guard sa kanya..

"ay! nobya niyo po pala? akala ko kasi minor kasama niyo, Sir Ren. pasensya.." ngumiti lang si Ren sa kanya at may tinanong pa siya sa Guard..

"bagay po ba kami?" tanong ni Ren. wtf?!

"opo! bagay na bagay! parehong maganda't gwapo!" nako, nakikiechos pa tong si manong guard oh. ngumiti lang si Ren at hinawakan ako sa bewang, nagulat naman ako..

"tara na babe." WTF?!!! wala akong magawa kundi sumunod sa kanya. nang nakapasok kami sa loob ng bistro ay nakita ko kaagad si kuya na nakikipagkulitan kay ate Heidi tsaka mga ka bandmates ni kuya na kilala ko.

"oh! nanjan na pala si Ren! mukhang may kasamang chick!" agad namang lumingon si kuya sa akin at hinampas sa braso si kuya Gian. "Gago ka talaga kahit kailan." sabi ni kuya Gab sa kanya. Si kuya Gian ang pinakamatanda sa kanila. well, 1 year nga lang pero considered parin yun na matanda siya sa grupo.

"chick? sapak gusto mo, Gian?" sabi ni Ren. natawa lang si kuya Gian sa kanya. lumapit kami sa kanila at ginreet ako ni ate Heidi. nagbeso beso kaming dalawa. habang yung mga ibang kabandmates nila kuya ay nagsiapiran at nagkamustahan. iba iba kasi yung mga skwelahan ng kabandmate nila kaya ganun. Mag-aayos na daw sila ng equipment kaya Ren excused himself to me. lumapit si kuya sa akin

"kumain ka na?" tanong ni kuya.

"oo.."

"si mama? nagpaalam ka ba?" tanong ni kuya. napahawak naman ako sa bibig ko at umiling. napafacepalm naman si kuya.

"mamaya ka lang, bunso.." nako patay. GG. sermon abot ko nito. "Bi, dito lang muna si Alice ah? mag-aayos muna kami." tumango naman si ate Heidi sa kanya. binigay ni kuya yung cellphone niya sa akin.

"tawagan mo si mama doon, sabihin mo nandito ka sa bistro kasama ko. ako na bahala sa mga itatanong ni mama mamaya." pagkasabi nun ni kuya ay umakyat na siya sa stage at nag-ayos kasama ang mga bandmates niya. nagtext naman ako kay mama at napaupo naman ako katabi ni ate Heidi.

"Faye long time no see.. kamusta ka naman? buti naman napa pasok ka ni manong guard.." bati sa akin ni ate Heidi

"okay lang ako ate, studyante parin.. oo nga ate. hehe. nagawan ng paraan ni... Ren." sabi ko. napangiti naman si ate Heidi sa akin.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now