Chapter 11 - Sunset

5.1K 217 19
                                    

*Kent*


"ok! that's ok na! ready na ready na talaga kayo para bukas, pwede na kayong umuwi.." announce nung instructor sa amin.


sa wakas! tapos na rin tong practice na 'to. halos memorize ko na nga eh. well, pang-apat na kasi ako sinali ng mga teachers dito.. wala eh, gwapo kasi ako.. HAHA! totoo naman kasi.. diba? haha!


pumunta ako sa bench at kuhain yung bag ko. pansin kong magkatabi ang bag ko at yung bag ni Alice.. I smirked. this past few days, pansin kong medyo nagiging close na kami. parang 70% ganun. siguro dahil dun sa pag-angkas ko sa bike niya. but hey, I wasn't planning to ride on her bike. at first, I just wanna tell her about me and Cielo and ask why is she avoiding me the whole day. pero itong katawan at bibig ko ayaw makisama. kaya umangkas nalang ako. it sounds funny tho but nahh.. nagkaroon parin ako ng chance para makalapit sa kanya..


what I texted her was true. when I was riding her bike, I leaned down to her back. she smells like strawberries. then suddenly, I heard a faint heartbeat. at first nagulat ako. kasi ganun na ba talaga kalakas ang pandinig ko? but I realized na bukod sa hangin at mga nadadaaanan naming bahay ay kami lang dalawa.. I can't help but smile. I guess i reached her little by little.


"tabi ka nga jan! kukunin ko yung bag ko!" napalingon ako sa likod ko. and speaking.. It was her.


"use the magic word first." I smirked. gustong gusto ko talaga siyang asarin. ang cute kasi niyang maasar. and she's the type na kapag maasar ay namumula...


I saw her closed her eyes and then she inhaled and exhaled.. then she opened her eyes again and wearing her sarcastic smile..


"Excuse me shokoy.. kukunin ko lang yung bag ko..." she said in a calm way..


"sure." tumabi na ako at kinuha yung bag ko. agad naman niyang kinuha yung bag niya at inopen ito. I looked at my watch.. 4:00 pa. hmm.. may naisip ako.


sinuot na niya yung sling bag niya. bago pa makalayo ay hinila ko yung slingbag niya.. agad naman siyang napatigil.


"ano ba?!" iritado siyang lumingon sa akin..


"sumama ka sa'kin."


"ano?! bakit naman ako sasa- oi! tekaaA!! saan mo ba ako dadalahin??? bitawan mo bag ko!!!" bago pa siya makatanggi hinila ko na yung slingbag niya at pati siya palabas ng gym.. naglalakad tuloy siya ng pabaliktad. xD hahaha!


"bitawan mo bag ko shokoooy!!!!! bitawan mo!!!! sasama na ako! bitawan mo lang bag ko!" sigaw nanaman niya..


nang makarating kami sa parking ng mga bike ay binitawan ko na yung sling bag niya.. agad ko namang hinanap yung bike niya..


"bakit mo ba ako ng hinila ng ganun ha?! di mo ba maisip na baka matatalisod ako?!" dada parin siya ng dada pero di ko pinansin.. ng nahanap ko na yung bike niya ay kinuha ko yun. sumakay ako at nagpedal palapit sa kanya..

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now