Chapter 25 - Forgiven

4.4K 179 21
                                    

3rd Person P.O.V

3 araw na din ang lumipas simula nung sa Ferris wheel, ang away nila Alice at Kent at ang paghalik ni Ren sa pisngi ni Alice. lahat yun di makalimutan ni Alice. sobrang gulo ng utak niya ngayon. kahit sa skwelahan di siya maka-isip ng mabuti. mas lalong di niya matignan ang kaibigan niyang si Sandy ng derecho. di niya alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa dalawang lalake. parang gusto na niyang lumipad at di na babalik pa. panay text si Ren kay Alice. nagrereply naman siya pero laging 'hindi' ang sagot niya. katulad ngayon. niyaya siya ni Ren na lumabas pagkatapos ng dismissal nila, at ang sagot niya sa text ay:

>ah. eh. busy ako eh.. next time nalang. sorry..

Sent.

nahihiya na si Alice kay Ren, simula nung nalaman niyang birthday pala niya nung last saturday. agad namang binaon ni Alice ang kanyang ulo sa desk niya. iniisip niya kung paano niya iiwasan ang nararamdaman niya. dati rati di naman siya ganito. nagsimula lang talaga 'to dahil sa mga pinaggagawa ni Kent sa kanya.. 

"Ms. Malazarte?" nagulat naman siya ng narinig niyang tinawag siya ng adviser. napabangon siya ng de oras at tumayo. "yes ma'am?" tumingin lang ang mga kaklase niya sa kanya, pati na si Sandy. pati na rin 'siya'.

"Are you ok? bakit parang ang tamlay mo ata these days?" 

patay. nadale na.

napapikit si Alice at dumilat. ngumiti naman siya sa teacher niya. "ok lang po ako ma'am." sagot niya sa adviser niya. honestly speaking, di talaga siya OK as in OK.. kung pwede lang niyang masabi yun sa teacher niya. pinaupo na siya ng teacher at huminga siya ng malalim. marami ng nagtatanong sa kanya ng ganun. si Sandy, si Sakamoto pati na rin si Box. di pa sila nagpapansinan ni Kent, pero sa side ni Kent ay gustong gusto na talaga niyang kausapin si Alice. pero lagi siyang iniiwasan nito.

"Ok Class.. I want to congratulate you na nanalo ang girls sa volleyball pati na rin ang boys sa basketball.. And yes, makukuha niyo yung prize na Intermediate paper na hinihintay niyo.." natawa naman ang mga studyante sa sinabi ng adviser nila. maraming naghiyawan at maraming nagsasabing, 

'wala eh. Neptune tayo eh. HAHA!' 

"And di nagtatapos ang announcement ko. You know it's already August, so exam nanaman diba?" pagkarinig nila nun ay maraming nagreklamo.. 

"ano ba yan? exam nanaman? huhuhu!!" 

"shh!! wag muna kayong maingay. bago kayo mageexam ay, meron akong ibibgay na project and it's by pair." nanahimik ang klase at hinihintay nilang magpatuloy ang sinasabi ng adviser nila. "dahil ako din ang teacher niyo sa Values, I want you to make a Comic strip in a 1/4 illustration board at ang gagawin niyong storyline is about friendship and love." and by that, maraming naghiyawan nanaman.. meron mga: 'aweee!!' tapos '#LOVE!!' tapos 'OMG!! seatmates ba 'to or choose your partners lang?' sinagot naman ni ma'am ang tanong ng mga estudyante..

"Yes, by seatmates ito para hindi na hassle. ayokong may ibang hindi nasasali. and besides even number naman ang whole class na ito diba? we are 42 in this section. kaya I want you to partner up with your seatmates. And this project is also part of math. half of your grade will be added by this project. any questions?"

Tataas na sana ng kamay si Alice. gusto niyang itanong kung pwedeng lumipat ng upuan. ayaw niyang makapartner itong si Kent.. 

noooo!!! no way! nooooo!!!  bakit? bakit by seatmates pa?! bakit di nalang by bestfriends para kami nalang ni Sandy? why? UGHH!!! kasalukuyang nag re-rage si Alice sa kanyang utak. Bakit pa kasi niya na seatmate itong shokoy na ito? 

"Ok, I will give you 30 mins to share with your partner about your story.." lumabas na ang adviser nila sa room. habang yung iba at humaharap sa seatmate nila. lahat nagbibigay na ng Idea. except for 'them'.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now