Chapter 26 - Moonlight Sonata

4.1K 140 23
                                    

3rd Person P.O.V  


April 24, 2006

Piano Contest

Kinakabahan si Akira sa contest. parang anytime ay matatae o maiihi siya sa harap ng mga tao dito sa backstage. pero maintained parin ang kanyang cool look. ayaw niya kasing mahalata ng ibang tao especially sa mga kalaban niya kapag ninenerbyos siya... Akala lang niya yun nang may nag-abot sa kanya ng isang panyo mula sa kanyang katabi. napalingon naman siya at nakita niya ang isang batang babae na kasing edaran niya. nakasuot siya ng puting bestida at medyo kulot kulot yung buhok niya. sa dinami dami niyang nakitang batang babae ay siya lang ang walang kolorete sa mukha. simpleng polbos lang at ngiti sa mukha... 

"panyo oh.." abot ng batang babae sa kanya at ngumiti. nagtaka siya kaya nagtanong siya.. 

"para saan yan?" tanong ni Akira sa batang babae.. 

"para sa pawis mo." nagkipitbalikat siya. "ayun oh.." turo niya sa gilid ng mukha niya. parang uminit naman ang mukha ni Akira at lumihis sa batang babae. 

ano ba yan? pinagpapawisan na pala ako?  sabi ni Akira sa kanyang sarili. kinapakapa niya ang bulsa niya pero wala siyang makuhang panyo.. naiwan niya pala sa mommy niya habang kumakain sila ng lunch. 

"kunin mo na oh.. pinagpapawisan ka lalo.." narinig niyang nagsalitang muli ang batang babae. humarap siya ulit sa batang babae at tinignan ang panyo. asul na bulaklak ang disenyo nito. matagal niyang tinititigan ang panyo ng batang babae na hindi na niya namalayang pinunasan ang kanyang mukha.. nagulat siya at medyo lumayo sa bata.. 

"ano ba? close ba kita?" irita niyang tanong sa batang babae.. 

"ito naman. ang arte mo. ikaw na nga ang pinupunasan ng pawis, ikaw pa ang galit?" sagot ng batang babae sa kanya ng pamewang. 

"sino ba kasi nagsabi sayong punasan mo yung pawis ko?" 

"eh kasi nga, kanina ka pa kinakabahan jan. gusto lang kitang tulungan. sus... oh." abot nung batang babae. "ikaw na magpunas.. tanggapin mo na kasi!" nilagay ng batang babae ang panyo sa kamay niya. ibabalik niya sana kaso wala siyang choice kundi tanggapin.. 

"wag kang kabahan... kaya mo yan..." narinig niyang sabi nung batang babae. nakangiti to sa kanya.. 

"bakit mo sinasabi yan sa akin na alam mong magkalaban tayo sa kompetisyon na ito?" 

nagkipitbalikat ang batang babae.. "di naman talaga ako sasali dito eh. ayoko sa mga ganito." she wrinkled her nose.

"ha? eh... bakit ka sumali dito?" takang taka si Akira.

"pinilit lang ako ni mama at ddy na sumali dito.. tsaka sa ng teacher ko. wala daw kasing representative sa school namin kaya pinasali ako." ngumuso ang batang babae.. natawa naman si Akira sa mukha niya. tumingin ang batang babae sa kanya at takang taka.. 

"bakit ka tumatawa jan?" 

"kasi... yung mukha mo.." sabi ni Akira habang tumatawa..

"anong meron sa mukha ko?" nag make faces naman yung batang babae at natawa naman si Akira. di alam ng batang babae ang ibig sabihin niya kaya tumawa nalang din siya at nag wacky ulit..

"Anong pangalan mo?" tanong ng batang babae sa kanya.. 

"Akira.. ikaw?" 

"ah.. Ali---" di natuloy ng batang babae ang pagpakilala dahil tinawag na si Akira para magperform... nag goodluck sign yung batang babae sa kanya at napangiti naman siya. tumuntong na siya sa stage at unang nakita niya ay ang mommy at papa niya. nag goodluck sign sa kanya ang mommy niya.. His papa mouthed some words to him that made him happy..  it was. "Ganbatte." goodluck.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon