Chapter 15 - Kuya Rentot

4.9K 196 11
                                    

Author's notee:


wala pong AliKen moments muna.. haha.. xD papabitinin ko muna kayo. pero ang tanong, gusto niyo ba ng SandBox moment ulit? meheheheeh...btw, 1 week nalang.. klase ko naaa!! huhuhhuhuhu! pray for me na sana di ako ma-introduce yourself. >_<


----------


*Sandy*


Happy Saturday sa inyoooo!!!!!!! ^__^


hyper ko no? weeee!! dapat lang no! kasi nakasabay kong mag lunch si Box kahapon.. naku! kinikilig nga ako sa kanya kahapon kasi kung anu-ano lang ang sinasabi. nagpipick-up line tapos medyo awkward pag nagsasalita siya ng tagalog.. pero cute parin.. hehe..


pero infairness, wala paring kupas si Faye sa pag-papiano.. ang galing parin niya.. nung kahapon nga parang kaming lahat nakatunganga lang sa kanya. pati si ehem.... si Kent! napa-wow sa kanya.. eh paano, prodigy yan nung bata pa eh. nakapagperform na siya sa malalaking events.. noong magkasama pa ang tatay at nanay nila.. huminto lang naman siya sa pagpapiano nung naghiwalay ang mama at papa niya eh. pati nga yung piano nila binenta.. hays.. napakasad ng layf ni bespren no! kaya pala nagiging bitter siya sa lahat ng bagay...


naglilinis ako dito sa salas, wala kasi sila mommy at daddy. magdedate daw sila. ang sweet ng parents ko diba? haha! narinig kong bumaba si kuya, napatingin ako sa kanya.. naka boxers at naka sando at may tuwalya na nakasabit sa kaliwa niyang balikat. hays, gwapo naman si kuya.. bakit hanggang ngayon wala paring nililigawan?


eh kasi nga gusto niya si bespren..


oo.. tama ang basa niyo.. gustong gusto niya si Faye.. simula nung naging magkaibigan sila ni kuya Gab.. na love at first sight si kuya sa kanya nung nag 14 si Alice. nagpa-party kasi si tita Dianne noon. tapos, first time atang nakita ni kuya na nag bestida si Faye, kaya nagandahan siya at yun. BOOM! nainlurv na siya kay Faye. paano ko nalaman? nabasa ko lang naman yung diary niya kinabukasan.. HAHA!


I'm an evil little sister! xD


"oh, ang aga mo ata kuya? alas otso palang ah. may lakad ka?" pagtanong ko sa kanya.. di naman kasi siya nagigising ng ganitong oras. late sleeper din siya katulad ni Faye.


"oo... liligawan ko na siya." nagulat ako sa sinabi ni kuya..


"wut? seriously koya? alam ba 'to ni kuya Gab?"


"of course. matagal nang alam ni Patrick na may gusto ako sa kapatid niya. kaya nga off limits ako palagi sa bahay nila simula nung nalaman niyang may gusto ako sa bestfriend mo." natatawa niyang sabi..


"ayeee!!!! kuya!! lumalove life ka na! pero kuya, binigyan ka ba niya ng permiso na ligawan si Faye?" natiglan ako sa pagwalis..


"yeah. and I'm starting today. even if she's dense, i'll do my best para mapansin niya ako. not as a kuya but as a man falling in love with her." nakangiting pumasok sa banyo..

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon