Chapter 20 - Unexplained Feeling

4.4K 178 20
                                    

Author's note:

Enjoy dis two chapters i'm updating bruh. xD

don't for get to hashtag #TSSMFK!

—————-


*Alice*


tinignan lang nila ako.. walang ibang tao dito, malamang ako lang mag-isa dito eh. di lang pala siya nag-iisa. tatlo sila.. TATLO. yung isa nakasalamin pero astig yung aura niya. yung isa naman parang kpopper. halata naman kasi yung t-shirt niya nakalagay na WOLF 88 at yung isa naman ganun din... nakita kong binatukan nung isa yung nasa gitna..

"wag ka ngang sumigaw Patty! di lang ikaw studyante dito!" oohh.. so siya pala sumigaw sa akin. I wonder if ka year level ko lang sila..

"eh bakit ba?! nasa teritoryo natin siya!" sagot nung Patty. di na siya kinausap nung isang babae. nakita kong lumapit yung nakasalamin at astigin na aura.. nakahawak siya ng libro.

"paano ka nakapasok dito?" tanong niya..

"uhmm.... tinakasan ko kasi yung Guard. gusto ko lang kasi magpahangin.." sagot ko.. mukha namang di sila harmful.

"ooww.. Ako nga pala si Mikazuki Tamayo. at yung sumigaw sayo si Patty—" di na tuloy yung sinabi ni Mikazuki sa akin dahil biglang lumapit sa aking yung dalawang babae niyang kasama at nagpakilala sa akin.

"Ako si Sabrina Dela Cruz.. grade 9." woah. so... junior ko sila?!

"ako si Danica Perez.. parehas lang kami ng grade." malumanay niyang pakilala.. parang kanina lang binatukan niya yung Sabrina ah!

"ikaw, anong pangalan mo?" tanong nung Sabrina. medyo ok na yung tono niya.

"Alice Faye Malazarte. 4th year." pakilala ko. bigla naman silang napaupo sa mga upuan..

"4th year ka pala? kala namin first year ka." sabi nung Mikazuki. ganda nung pangalan niya. pang anime.. *-* bagay na bagay sa kanya yung pangalan niya.

"bakit ka pala nandito?" tanong niya ulit.

"hmm.. nagpapahangin lang." sagot ko.

"may problema ka?" tanong naman nung Sabrina. di ko alam pero parang komportable ako sa kanila.. tumango lang ako.

"naku! tama ka ng pinuntahan! care to share?" tanong nung Sabrina. hula ko ito yung pinakamakulit sa grupo nila..

"hmm... ok. but maliit lang na detalye." sabi ko..

so after 12343453455 years.. na kwento ko sa kanila.. a long silence at biglang sumagot si Mikazuki..

"alam mo, di ko alam ang actual na nangyari pero ang masasabi ko lang sayo, madali kang maniwala.. narinig mo na ba sa sariling bibig nung lalake na nagbalikan sila?" tanong niya sa kin. umiling lang ako..

"oh, tamo.. di pala eh. kaya why staying away from him?" its a statement. di yun tanong.

"tsaka... baka nagsisinungaling lang yung girl. kasi diba, kung nagbalikan sila dapat sumasama yung linta niyang ex." si Sabrina.. gusto kong matawa dun sa linta word niya. wala akong sinabi kundi makinig lang sa kanila..

"tsaka girl.. alam mo, indenial stage ka pa. alam na alam yan ni Zuki.. diba Zuki?" baling niya kay Mikazuki. inirapan lang niya ito. at tumawa naman yung Sabrina..

"If he is really your friend.. you have to trust in him. tsaka wag kang agad magpapaniwala sa mga sinasabi ng iba na walang ebidensya.." sabi naman ni Danica.

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now