Chapter 17 - after 3 days

5K 200 34
                                    

Author's note:


HIYERS!!!!! HAHAHA! kamusta yung last chapter? xD mehehe.. btw.. salamat sa pagbabasa ng storya kong to. sana ay patuloy niyo paring suportahan ang storya ko especially this is my first ever story na talagang pinush ko.. haha! ok proceed na. :)



*Sandy*


It's been 3 days since nung nagconfess si kuya Ren sa bespren ko at 3 days na rin akong iniiwasan ni Faye sa school. T^T tinry ko siyang tanungin kung ano ang problema, pero iniiwas niya yung tanong ko at kung anu-anong alibi ang sinasabi niya. si kuya Ren naman ay madalas na umaalis sa bahay para kausapin si kuya Gab tungkol kay Faye. tapos pag-uwi niya ay nakangiti pero maya maya ay sumisimangot. kinakausap ko si kuya kung nag-usap na ba sila ni Faye nun. kaso ang lagi niyang sinasabi sa akin.. 'iniiwasan niya ako.'


waaaa!! ang gulo talaga eh. pati ako nasestress! minsan nga ang kulit ni kuya kasi tinatanong niya ako kung meron bang umaaligid na lalake kay Faye. syempre kuya ko siya naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman niya. tsaka, di ako galit kay Faye. intindi ko naman ang nararamdaman niya eh. kaya lang sana wag niya akong iwasan... best friends nga kami diba? hays.


"Hey... earth to Sandy!" nakita kong winiwave ni Box ang kamay niya malapit sa mukha ko. yes, kasama ko si Box my crush ngayon. haha! landi ko lang. simula nung iniiwasan ako ni Faye ay siya na ang naging kasama ko.


"ah. may sinasabi ka?" tanong ko..


"I said, magcocompete ang section niyo at section namin mamaya sa Volleyball.."


"ahh... ganun ba?"


nakalimutan kong sabihin sa inyo na Intrams week pala namin.


"yeah. you're always spacing out vice prez, you're thinking about your bestfriend Faye again?" tanong niya..


alam ni Box ang problema ko. kasi nung unang araw palang ng intrams week namin ay iniiwasan na ako ni Faye. ako naman tong madrama ay umiyak ako, kasi naalala ko kasi yung nangyari sa aming dalawa dati. ganun na ganun siya. nakita ako ni Box na mag-isa sa field at inabutan ng panyo. nagtanong siya kung anong problema ko. so I told him. sinabi niya na siya muna ang kasama ko habang iniiwasan ako ni Faye. crush ko siya remember? kaya pumayag nalang ako.. hihihi..



"yup. and I don't know how to deal with her. she keeps avoiding me and my questions." sagot ko sa kanya..


"do you want me to help you?" he said it with a worried tone. ayii. kinikilig tuloy ako. haha!


"nah.. siguro kailangan niya ng space." napa pout nalang ako. siguro nga.


biglang ginulo ni Box ang buhok ko. "you're really cute.."


nang pagkasabi niya nun ay biglang tumibok ng malakas ang puso ko at feeling ko ay namumula na ako ngayon. ang init kasi ng mukha ko.. sheeett.. >///<

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now