Chapter 30 - Our Secret Place

4.5K 166 44
                                    

Isang araw, may dalawang bata na naglalaro sa hardin. magkakilala na silang dalawa simula nung pinanganak sila. sabay silang lumaki at palagi din silang naglalaro sa hardin na iyon. kapag nag-aaway ang magulang ng isa ay pumupunta siya sa hardin na iyon upang umiyak... nahahanap din ng isa ang umiiyak na bata at lagi niya itong pinapatawa. 

"May joke ako sayo.." 

sininghot ng batang babae ang sipon niya.. "ano?" 

"Ano ang cake na laging may sakit?" nakangising tanong ng kaibiganbatang lalake niya sa kanya.. 

nag-isip naman siya. nakakunot ang mukha niya. isip siya ng isip kung ano ang cake na laging may sakit. nang napagod siya sa kakaisip, sumuko na siya at tinanong ang sagot.. 

"eh di.. SIPON CAKE! HAHAHAHAHAHA" tawa ng tawa ang batang lalake sa joke na ginawa niya. napatawa din ang batang babae sa joke na ginawa ng kaibigan niya. 

"ayan, tumawa ka na.. dapat lagi kang tumawa kasi ayokong nakikita kang umiiyak. ang panget mo kasing umiyak eh." sabay tawa ng batang lalake niya. agad naman siyang sumimangot..

"oooy! ikaw talaga.. pero, salamat ah. lagi kang nanjan sa tuwing umiiyak ako.." pag ngiti niya sa kaibigan niya.. ngumiti din ang kaibigan niya at pinat ang ulo niya.. 

"syempre.. magkaibigan tayo diba? bestfriends? wag ka nang umiyak.." sinabi ng batang lalake.. tumango naman ang batang babae sa kanya at ngumiti.. 

Palagi silang ganito... kahit gabing-gabi na, nagkikita parin sila sa hardin upang panoorin ang mga bituin sa langit at ang maliwanag na buwan. Hanggang sa sila'y lumaki, naging binata na't dalaga na ay ginagawa parin nila ito. walang pinagbago. kaya lang, iisa lang ang nagbago... 

Ang nararamdaman ng binata sa dalaga. Mahal niya ito. he wrote letters everyday for her.. Gusto niyang ibigay ang mga sulat na ginagawa niya, ngunit nauunahan siya ng takot. kaya nilalagay nalang niya sa isang kahon kung saan ay pwede niyang ibigay yung mga sulat na ginawa niya kung sakaling magtatapat siya. Isang araw ay sinabihan siya ng kaibigan niyang lalake na magtapat na. 

"Magkita tayo sa hardin nagyong hatinggabi ha?" sabi ng binata sa dalaga. tumango naman ang dalaga sa kanya at ngumiti. He really loves to see her smile. she's beautiful when she smiles, that's why he decided to make her happy no matter what. He will confess his love for her. dala dala niya ang maliit na kahon na punong puno ng sulat na hinding hindi niya maibigay sa dalaga.. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari ay nasagasaan ang binata.

Lubos na nasaktan ang dalaga sa nangyari sa binata. Ni hindi man lang niya ito nasabi na mahal na mahal niya ang binata. Hindi man lang niya nayakap ng mahigpit at nahalikan bago siya nawala. Nang maibigay sa kanya ang kahon na punong puno ng sulat ay agad niya itong binasa isa isa.. walang tigil na pagbuhos ng luha... ang huling sulat ay doon siya napahagul-gol...

Aking Mahal na Summer,

Pasensya na't di ko masabi sabi ang aking nararamdaman ko sa'yo. pero mamayang hatinggabi.. sasabihin ko na ang lahat lahat.. Mahal na mahal na mahal kita Summer... sana palagi kang nakangiti. dahil napaganda mo kapag nakangiti ka. you're like a sunshine to my rainy days..  please, don't forget our memories together when we we're still kids. cause when the time comes, we'll make new memories together. Happy and Sad Memories....

                           Love,

                                       Autumn.

"The end." Nagbow ako pagkatapos kong basahin ang storya na ginawa naming comics ni Ferrer. bigla namang napalakpak ang mga kaklase ko pati si ma'am. hawak-hawak ni Ferrer ang Illustration board at nag-good job sa akin at ngumiti.. 

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon