SPECIAL CHAPTER - FIRST MEETING

3.9K 142 10
                                    

*3rd Person P.O.V*

Pasukan na at punong-puno nanaman ang jeep ng mga estudyante. pati ang pagtitinda ng mga pichi-pichi sa labas. Marami nanamang estudyanteng tatambay sa 7/11 pati sa mga malalapit na cafe. Alas sais pa lamang ng umaga ay gising na si Kent. maaga talaga siyang nagigising kapag first day of school. lalong lalo na't mag fi-first year na siya. may kapatid siyang nag-aaral din doon. 

"oy, Andre.. dali-an mo dyan naghihintay si manong sa atin." sita ng kuya niya. inaayos pa kasi niya ang bagong bili niyang polo kahapon. dapat cool ako sa first day. sa isip niya. lumabas na siya sa kwarto niya at bumaba sa kanilang salas ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang mommy.. 

"aww! my baby is binata na!" sabi ng mommy niya habang hinug siya.. kumalas naman siya. 

"mom, please don't call me baby. please." sabi niya at inayos ni Kent ang kanyang bag. nag pout naman ang mommy niya.. 

"sige na nga. na kay kuya mo yung baon mo. I don't have change kasi so kuhain mo nalang sa kuya mo ha?" sabi ng mommy niya at pinat siya sa ulo.. tumango naman siya at ngumiti. His mom is the sweetest person he knew. 

"And, Lucas anak.. you have to assist your little brother sa kanyang section, okay?"

"okay mom... tara na little brother.." sabay ngisi ni Lucas kay Kent. pasimple namang sinuntok ni Kent ang braso ng kanyang nakakatandang kapatid. 

"Good luck sa first day niyo!" sabay kaway ng mommy nila. kumaway nalang din sila at sumakay sa sasakyan. 

"Alam mo na diba?" tanong ni Lucas sa kanya.. 

"yeah. ako nalang. baka kasi malate ka pa. hahanapin mo din yung section mo eh." sagot ni Kent sa kuya niya. 

"okay.. basta, good luck sa introduce yourself mamaya.. hahaha!" panukso ng kuya niya sa kanya. siniko naman niya ang kuya niya at ginantihan naman ni Lucas si Kent. Ganito lang talaga silang magkakapatid. minsan nag-aaway, minsan naman nagkaka-isa. minsan naman pag trip nila nagwre-wrestling sila at ang matalo ay manlilibre ng ice cream. Si Hanes Lucas Ferrer ang nakakatandang kapatid ni Kent ay 3rd year highschool. Matalino ang kuya niya, laging nasa top 10. well, as for him nasa top 10 din siya. Nasa lahi na namin ang matatalino. yan ang lagi nilang pinagyayabang sa mga kaibigan nila.

Nang makarating na sila sa school ay sabay silang bumaba at pumunta sa HS building. bukod sa matalino ang kuya niya ay napaka famous din sa mga babae sa school lalo na ang mga sophomores at ang kasing year ng kuya niya. Habang naglalakad sila patungo sa HS building ay nakarinig sila ng mga bulungan...

"Anjan na si Hanes oh..."

"Ang pogi nya talaga! Omg!"

"Sana ka section ko siya para makita ang poging face niya!"

Bigla namang napatawa si Kent sa mga narinig niya. Gusto niyang sabihan ang mga babaeng nagbubulungan na ang lakas lakas humilik ng kuya niya...

"Napatawa ka jan?" biglang tanong ni Lucas sa kaya.. "Inggit ka no?"

"Psh, ba't naman ako maiinggit sayo eh mas gwapo ako sayo.." Maangas na sagot ni Kent sa kuya niya. 

Aakmang babatukan na sana ni Lucas si Kent nang umiwas siya.. "Aba't-!"

"Ako na mauuna sayo.. See you later brother.." At tuluyan nang umalis si Kent para maghanap ng kanyang pangalan. Napailing nalang ang kuya niya at napatawa... May naramdaman si Lucas na tapik mula sa balikat niya at nakita ang mga matalik niyang kaibigan.. Nag apiran sila at sabay pumunta sa listahan ng pangalan nila.

"Kamusta bakasyon mo, Hanes?" 

"Ok lang naman.." He shrugged. "Parang di nama tayo nagkita nung isang buwan. Parang si Patrick nga lang ang di natin nakita eh.."

"Oo nga naman, Ren. 'to talaga.." Sabay akbay kay Lucas.. "Kasi mga bro, wala me money. So di ako nakapaglabas-labas. Buong summer ko nakipaglaro nga lang ako sa babae kong kapatid. Tsk tsk..." Napailing nama si Patrick.

"Ah. Your little sister.. Ano nga pangalan ng kapatid mo? Nakakatuwa kasi siya nung naglaro kami ng DOTA.." Sabay ngisi ni Lucas..

"Oo nga. Haha si daydreamer nga pala yung support nati nun.." Sabi naman ni Ren.

"Actually she doesn't want other people to call her by her first name so just call her, Faye.."

Nasa harap na si Kent ng listahan ng mga estudyante. Siguro 3 minuto na siyang nakatayo doon at naghahanap ng kanyang pangalan ay hindi parin niya mahanap ang apilyiedo niya.. 'patay, nadale na... Di kaya nasa last section ako napunta?' tanong niya sa kanyang sarili.. Tinignan niya sa last section pero wala parin ang pangalan niya... Aalis na sana siya at magtatanog sa faculty nang may tumulak sa kanyang babae.. Nakatwin tails siya at braided ito. Nakita niyang may hinihila siyang babae na may salamin. 

"EXCUSE ME! EXCUSE ME! MAKIKIRAAN KAMI!" Sigaw nung babae. Tumabi naman si Kent.. 

"Malazarte... Malazarte... Enriquez... Enriquez.. Ba't wala dito?!" Rinig niyang binubulong ng babaeng tumulak sa kanya...

"Bespren! Classmates tayo!!!!!!" Sigaw nung nakasalamin. Masaya silang nag-apiran. aalis na sana sila kaso medyo nainis si Kent sa kanya dahil natulak siya ay nilapitan niya ito...

"Hey." He called.. Lumingon naman ang babaeng tumulak sa kanya at tumaas yung kilay...

"Ano?" Mataray na tanong ng babae..

"You pushed me. Can't you say sorry?" Sabi ni Kent. 

"Ha? Pwede bang wag mo akong englishin kasi nasa pilipinas ka. Teka nga, kailan kita tinulak?" Napamewang naman ang babae sa kanya.. Nabigla naman si Kent pero naisip niyang interesting itong babaeng to... He smirked and continued to play with this girl.

"Just now. You were busy finding your name here." He pointed the list. Narinig namang bumulong ang kasama niyang may glasses...

"Magsorry ka nalang, Faye..." She rolled her eyes on her friend and looked at him. 

"SORRY! Ano? Masaya ka na?! Halika na nga Sandy!" Sabay hila sa kaibiga niya paalis sa lugar.. He chuckled and looked on the list kung saan naghanap yung supladang babae... Para bang magic ay nakita din niya ang pangalan niya doon... 'Ah, eto pala ang hindi ko natignan..' he thought. Napatingin nama siya sa pangalan nung supladang babae...

"Malazarte, Alice Faye.. Interesting... Magkaklase pala tayo." Bulog niya sa sarili niya at umalis na sa lugar with a smile on his face....

------------

HELLO MY BELOVED READERS!!!! Nagsulat ako ng Special Chapter kasi napakasaya kong maraming nagbabasa nito.. Sorry talaga for the delayed update!! I'm so sarreh!! Kasi naman si mama di ako pinapagamit ng laptop.. TT____TT kaya sa mobile nalang ako nagsulat. Grabii... Thank you for the Votes and Comments! I love you talaga! <3 

So, How's the special chapter?

XOXO,

-TakamiyaChan :)

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon