Chapter 24 - Birthday Gift

4.1K 159 5
                                    

*3rd Person P.O.V* 

Hinatid ni Ren si Faye sa bahay nila. tumigil ang motor ng binata sa tapat ng bahay ng dalaga. lumingon siya sa at bumungad ang  natutulog na dalaga. ramdam na ramdam niya ang pagkahawak ni Faye. nakatulog ito sa balikat niya. tinitigan niya ang dalaga ng ilang minuto. tinignan niya ito sa mata hanggang sa tumigil ito sa labi ng dalaga. tumibok ng mabilis ang puso niya. napalunok siya at parang nanunuyo ang lalamunan niya. tahimik ang paligid nila. tanging ang mga pusa lamang ang nasa paligid.. napakagat ang binata sa labi niya at pumikit. 

"hindi 'to tama..." napailing siya at sinubukan niyang gisingin si Faye. tinawag niya ang pangalan ng dalaga upang magising. wala pang isang minuto ay nagising na ang dalaga. pinungas pungas ng dalaga ang kanyang mata.. tumingin sa paligid ang dalaga at napansing nasa tapat na pala sila ng bahay nila.. 

"kanina pa ba tayo dumating?" tanong ni Faye..  tumango naman si Ren atsaka ngumiti.. 

"di na kita ginising agad, ang sarap kasi ng tulog mo.." sabay turo ni Ren ang balikat niya.. agad namang umiwas ng tingin si Faye, iniisip niya kasing nakakahiya ang ginawa niya.. bumaba na si Faye sa motor pati narin si Ren. lumapit si Faye sa gate nila pati na rin ang binata.. 

"salamat sa paghatid, ku-- ay. Ren.." di makatingin ng direcho ang dalaga sa binata... 

"walang anuman. nag enjoy ka ba ngayon?" 

"sobra.." napangiti naman si Faye pati na rin si Ren.. nagkatinginan sila ng ilang minuto, naalala naman bigla ni Faye ang nangyari kanina sa Ferris wheel. 

"ah, sige.. pasok muna ako.. salamat talaga.." bago pa man mabuksan ni Faye ang gate nila ay tinawag siya ni Ren.. 

"teka..." napalingon naman si Faye. paglingon niya ay naramdaman niya ang ang malambot na labi sa kanyang kanang pisngi.. humiwalay kaagad si Ren sa kanya habang siya ay nakahawak sa kanyang kanang pisngi at gulat na gulat sa nangyari.. 

"Goodnight Faye." sabay angkas ni Ren sa motor niya at pinaharurot sa pag-alis.. nanatili si Faye sa kanyang pwesto. di siya makagalaw. ang bilis ng nangyari.. ninakawan nanaman siya ng halik ngunit sa pisngi lang.. nakahawak lang siya sa kanyang pisngi.. pinagtataka din niyang mabilis ang tibok ng puso niya.. 

*On the other side* 

hawak hawak ni Sandy ang cellphone niya, tinitignan niya ang mga pictures nila sa amusement park.. natutuwa siya habang naalala niyang pinagkaisahan nila si Alice.. lalong lalo na yung sa roller coaster.. nakuhaan niya ng picture na magkatabi ang kuya niya at ang bespren niya. tinititigan niya ito ng maigi at napangiti.. 

"bagay naman pala sila ni kuya... kaya lang, mas bagay sila ni Kent." parang baliw si Sandy na ngumingiti at nakatingin sa cellphone niya.. ilang minuto ay nagring ang cellphone niya.. bigla niyang mabitawan 'to pero buti nalang at nasalo niya..

"hello?" pagsagot niya sa tawag.. 

"It's me." sabi sa kabilang linya.. napa-upo ng maayos si Sandy dahil sa boses ng kanyang narinig... 

"oh? bakit?" mataray na sagot ni Sandy.. 

"pati ba naman ikaw magagalit sa akin?" 

"sino ba namang hindi magagalit sayo? eh pina-iyak mo bespren ko eh!" galit na galit ang tono niya.. ayaw talaga ni Sandy na umiiyak si Alice.. 

"I know." sagot ng lalake sa kabilang linya.. ngumiwi lang si Sandy.

"ano ba kasi ang nangyari hah?" tanong ni Sandy.. of course alam na lahat ni Sandy ang nangyari but gusto din niyang marinig ang side niya. unfair kasi yung one sided lang masyado. 

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now