Chapter 23 - Ferris Wheel

4.4K 172 14
                                    

HI HI!!!! This is your belovced author speaking.. hahah! charot.. SA WAKAS! NA UPDATE KO NA ANG NEXT CHAPTUUR!! HAHAHAHAHA! sorry for the delay guys. kay hirap kasi ng buhay estudyante ngayon eh.. haha!  I know you've been waiting for this. haha! charot lang? btw, Thank you for the 800+ reads and for the votes! I really really appreciate it. tsaka, Thanks to Ace_3742 kasi ikaw ang lakas ko.. haha! tsar. :> 

proceed na mga beehhh.. ^_^

Don't forget to comment and to vote!

---------------------------------------

*Alice*

Natapos na namin ang lahat ng rides.. except for the ferris wheel. isesave daw namin yun sa gabi. well.. hapon pa naman kaya sabi ni kuya kakain daw muna kami ng meryenda... naenjoy ako ngayong araw na ito lalong lalo na doon sa bump cars. siblings vs. siblings daw eh. syempre wag na nating alamin ang panalo dahil obvious ng kami ni kuya Gab ang nanalo.. mehehehe... may pustahan kasi, kung sinong matatalo sa bump cars, yun ang bibili ng meryenda namin.. kaya nagplano kami ng nagplano ni kuya Gab.. haha, parang bata lang eh.. naiwan kami ni kuya Gab sa bench habang sila Sandy ay bumili ng meryenda namin.

"Alice, gusto mo ng ice cream?" tanong ni kuya sa akin. tumango naman ako na may kasamang ngiti. "tara.." pag-aya sa akin ni kuya. tumayo naman kami sa bench at sumunod ako sa kanya...

"isang banana flavored at isang chocolate ice cream po.." pag-order ni kuya.. habang tinutwirl ni manong yung Ice cream di ko maiwasang magtanong kay kuya...

"Kuya, may tanong lang ako---" di ko natuloy ang sinabi ko dahil kinuha niya yung dalawang Ice cram kay manong. binigay niya sa akin yung chocolate ice cream at sabay kain ng ice cream niya..

"hmm..may sinasabi ka?" pa-inosenteng tanong niya sa akin habang kinakain niya yung ice cream niya.. umirap ako sa kanya at kinain yung ice cream ko.. "wala." ikling sagot ko.. agad naman niyang tinusok yung tagiliran ko..

"aray! ano ba kuyaa!?" tinignan ko siya ng masama, malapit kasing mahulog yung ice cream ko..

"asus. niloloko lang kita eh.. anong gusto mong itanong?" nagsimula kaming maglakad lakad..

"ano kasi.. bat mo naisipang pumunta dito na kasama ako? wala na kayo ni ate Heidi?" and by that, binatukan po ako ni kuya.. natigilan kami sa paglalakad. napahimas ako sa ulo ko. grabe! ang sakit bumatok ni kuya!

"hindi kami naghiwalay ni Heidi! ikaw, kung anu-anong iniisip mo eh! tsk." kinain niya ng buo yung ice cream niya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"eh kasi naman eh! bigla bigla kaya 'to, yung inaya mo kaming lumabas tapos dito pa sa amusement park. totoo na pala talaga yung mga himala noh kuya?" ngumiti ako sa kanya ng naloloko at kinain ko rin ng buo yung ice cream. yeah. magkapatid nga kaming dalawa ni kuya.. nanahimik lang ng ilang segundo si kuya.. di pa niya sinasagot yung tanong ko sa kanya.

"masaya ka ba?"

"hm? hmm... oo naman! enjoy ko nga 'tong araw a ito eh!" ngumiti naman ako ng malapad.. totoo yun. masayang masaya talaga ako dahil pumunta kami sa amusement park ulit ni kuya. dati rati kasi nung grade 4 ako at siya naman ay grade 6, dinadala niya ako sa amusement park at yung pambili ng tickets ay iniipon namin sa isang alkansyang gawa sa kahoy, tapos sisirain namin para yun ang pambili ng tickets namin. di kasi kami pinapayagan ni mama na pumunta doon kapag di siya kasama. kaya yun ang ginawa namin noon. wantusawa nga kaming naglalaro. pero nung gumraduate na ako ng grade 6 di na namin ginawa yun. ewan ko kung bakit. hehe..

nakita ko namang ngumiti din si kuya... "mabuti naman. matagal tagal na din kitang di naipasyal dito Alice. pasensya na ah. naging busy kasi ako nun. tsaka, masaya akong di ka na malungkot. di katulad kahapon."

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now