Chapter 8 - Selos?! ako?!!

6.6K 221 16
                                    

That Shokoy Stole My First Kiss - Selos?! ako?!!


*3rd Person P.O.V*


Maagang nagising si Kent para maghanda sa practice nila sa intrams.. bumangon siya at kinuha yung cellphone niya. lagi niya yon'g ginagawa first thing in the morning, dahil chinecheck niya yung orasan sa don kaysa sa tumingin sa alarm clock niya.. mas madali daw kasing gawin yun..


natigilan siyang tumingin sa cellphone niya ng natandaan niya yung tinawagan niya si Alice kagabi.. he was really happy that he was able to talk Alice through phone, matagal na niyang gustong kausapin si Alice sa telepono dahil matagal na niyang alam ang number ni Alice pero ayaw lang niyang sabihin dahil baka makahalata ang dalaga sa kanya kahit na tinutukso niya ito. bigla naman siyang napangiti nung naalala niya yung sinabi ni Alice kagabi kahit na galit na binabaan siya nito ng dalaga..


KENT: DO YOU LIKE ME?


ALICE: YES! YES NA YES! TINATANONG PA YA— ANO?!


parang baliw na tumatawang mag-isa si Kent sa kwarto habang naalala niya yung usapan nila Alice kahapon.. naimagine nga niya kung ano ang mukha ni Alice nung pagkasabi nun.. tumigil sa katatawa si Kent at pinagpasyahan niyang texan ito.. maliban sa alam niyang ayaw ni Alice sa lalake ay alam din niyang late sleeper ito.. kaya gigisingin niya sa pamamagitan ng text... pagkatapos niyang magtext ay tumayo na siya para magshower.. ngayon iniisip na niya kung ano ang reaksyon ni Alice sa text niya..


*ALICE*


~Tell me what you want to hear

something that will light those tears

sick of all these insincere

so I'm gonna give my secrets all away~


bigla akong nagising sa tunog ng cellphone ko.. waa!! kung kailan na maganda yung panaginip ko!!! nakasama ko si Levi sa pagpapatay ng mga Titan tapos pinat niya yung ulo ko at nakangiti sa akin.. may sasabihin sana siya kung di lang inistorbo ng maingay kong cellphone.. -___-


inabot ko yung cellphone ko mula sa table. sarreh. too lazy to get up. tinignan ko kung sinong nambulabog ng panaginip ko... napatingin ako kung sinong nag text. ang aga aga, siya agad ang sumisira ng umaga ko?!


From: Your first kiss <3


Good Morning Alice! ^__^ wake up! bawal malate sa practice.. btw, about last night.. don't worry, that's our secret between us.. ;)


Dapak?! anong secret?! anong kagabi?


bigla ko namang naalala na tumawag pala siya kagabi, at yung mga tanong niya na puros pagkain na talagang natatakam ako tapos biglang sumingit yung 'Do you like me?' akala ko pagkain kaya yes na yes ako kaagad! hays.. yung shokoy na yun talaga kahit anong maisip basta asarin ako! >_<


bumangon nalang ako instead matulog pa ulit.. wala eh, nagising na ako. ano pa ang magagawa ko? tinignan ko yung orasan mula sa cellphone ko since nakakatamad tumingin sa alarm clock ko.. 8:30 palang ng umaga eh! mamayang 9:30 pa kaya yung practice! ang agang mamulabog nung shokoy na yun! baba na nga lang ako para manood ng Anime sa tv.. tss..

That Shokoy Stole my First Kiss ✔Where stories live. Discover now