mch 21

15.6K 388 11
                                    

XXI.

Jeany's POV

Isang linggo na simula nung gabing yun, hindi ko alam kung pano ko masusurvive pa 'to ng hindi kami nag uusap ng ayos ni Kame. Aalis sya ng sobrang aga, uuwi naman ng madaling araw na, parang iniiwasan nya ako pero, dahil na din siguro sa trabaho nya, artista eh. Ako naman eto, housewife na housewife lang ang dating, gusto ko na mag trabaho ulit, at bumalik sa company ni Nico, ang kaso ayaw naman ni Kame. Kung andito lang sana si lola, hindi ako maguguluhan ng ganito.

*unknowned number is calling.*

Hmm, sino naman kaya 'to? Sasagutin ko ba? Matagal na napapaisip sI Jeany.

Sasagutin ko na nga, kawawa naman to.

"Hello?"

"Hi, goodmorning this is Jelly of  SAM Agency, may I speak with Jeany Concepcion?"

"Yes, speaking, what can I do for you?"

"We just saw your pictures, and our agency are looking for married women who still has a great body, would you mind to have a modelling contract with us?"

"Ah eh, teka, itatanong ko pa kay Kam- kay Kazuya kung papayag sya."

"Ganun po ba? Sige po ma'am, itetext ko nalang po sainyo ang address namin at kayo po ang bahala kung pupunta kayo. Sana po makapunta kayo, sayang din naman po ang opportunity."

"Sige, salamat"

Model daw? Sinong niloko ng mga 'to, baka mamaya scam yun eh. Neknek nila. Pupunta na nga lang muna ako kay Sza, nakaka bagot dito sa bahay.

~~~

"Oh, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

"May pagka abnormal ka talaga,.masamang hangin agad?" Hindi ba.pwedeng na miss kita?

"Nakakasuka ka ah, hindi nga, bat ka andito?"

"Ayaw mo na ba akong makita? Napaka sama mo, wala kasi akong magawa sa bahay, isa pa, baka mabaliw lang ako dun. Higit isang linggi na din akong nag iisip."

"Bakit kasi hindi mo kausapin yung asawa mo, tanungin mo kung totoo ba na buntis si Erika, may maso-solve ba kayong problema kung nag iiwasan kayo?

"How I wish nag iiwasan kami Sza, hindi ako umiiwas, sya ang umiiwas. Gusto ko syang tanungin pero hindi nya ako binibigyan ng chance." May lungkot sa boses ni Jeany.

"Hay naku, wag kang ma ooffend ha, pero kasi, ang bilis ng pangyayari sa inyo, fan ka nya at sa isang iglap eto, mag asawa na kayo. Wala man lang kayong basic foundation like friendship, hindi nyo pa talaga kilala ang isa't isa. Masaya ako para sayo dahil natupad mo yung pangarap mo, yung lalaking pinapangarap mo pero mag isip ka, kung hindi mo sisimulan na ayusin ang relasyon nyo, kung di ka gagawa ng paraan walang mababagon"

"Alam ko naman yun, di bale mamaya, hihintayin ko sya umuwi kahit abutin pa ng umaga para makausap ko sya. Magkaliwanagan na kami ni Kame."
Biglang napangiti si Sza.

"Bakit ka ngumiti?"

"Kame pa din ang tawag mo sakanya, fangirl kapa din ba nya?"

"Ano namang masama dun?"

"Walang masama na mging fangirl pa din nya after all, dun naman yun nagsimula, pero asawa ka na nya ngayon, kung wala kayong tawagan, eh di tawagin mo sya sa pangalan nya.

"Oo nga no? Dapat masanay na ako. Sya nga pala, may tumawag sakin kanina, san agency daw, kinukuha akong mag model. Nag text nga ng address nila, di ko naman pupuntahan, baka mamaya scam pa.

"Sam agency? Shunga ka talaga, agency ng mha sikat na model yun."

"Seryoso ka ba? Eh pano kaya nila nakuha ang number ko?

"Hindi na iyon ang importante, ang importante, puntahan natin, raket yun, malay mo sumikat kapa"

"Takte, may problema pa nga ako kay Kame, ay Kazuya pala. Tapos mag model model pa ang iniisip mo dyan."

"Anong malay mo kapag sumikat ka na at napapansin na din ng iba, baka mapansin ka na din ni Kazuya your love."

"Hoy, pinapansin nya ako ah."

"Pinapansin ha? Kaya pala mag isa kang problemado, makinig ka sakin,.yun ang dapat mong gawin."

"Oh sya sige, bukas pupuntahan ko, samahan mo na din ako."

"Sige, walang problema."

Patuloy lang sa pagke-kwentuhan ang dalawa hanggang sa abutin na ng hapon si Jeany at nagpasya na.ding umuwi.

"Salamat sa pakikinig Sza."

"No prob, basta ikaw. Ayusin mo ang sarili mo ok? Kaya mo yan.

"Thanks talaga, sige uuwi na ako."

"OK, ingat."

~~~

Pag dating ni Jeany sa bahay ay napansin nya agad ang kotse ni Kame.
Ang aga naman ata nya umuwi ngayon? Pero mas mabuti na yun, makakapag usap agad kami.

"San ka nang galing?" Bungad ni Kame ng makapasok na sya sa loob ng bahay.

"Sa kaibigan ko, tinatamad kasi ako dito sa bahay kaya dinalaw ko muna sya."  Anong nakain nito? Kung makapag tanong.

"Wala ka bang load? Bat hindi ka man lang nagtetext."

"May load ako, ang kaso balak ko sana pag ka galing ko na dun, tsaka ako magtetext, isa pa, alam ko namang busy ka kaya naisip ko na hindi mo din yun mababasa."

"Ganun ba? Sige, aakyat na ako sa kwarto natin"

Nagmadaling umakyat si Kame na parang inis na inis kay Jeany, kaya sumunod na din sya dito.

"Kame- ay Kazuya, pwede ba tayong mag usap?"

"Tungkol san?"

"Tungkol dun sa sinabi mo nung nakaraang linggo, buntis ba talaga si Erika?" Hoo. Sa wakas, nasabi ko din. Pero sana, hindi totoo. Sana. Sana.

"Ah yun ba? Oo, buntis sya, ang sabi nya ako daw ang ama."

"May nangyari sa inyo?" Aray.

"Kailangan ko bang sagutin yan Jeany? Kung iniisip nyang ako ang ama, obvious naman siguro kung ano ang sagot di ba?"

"Nag tatanong ako ng ayos, so anong balak mo? Anong balak nyo, kung sakali ngang ikaw ang ama? "

"Hindi pa namin pinag uusapan, isa.pa, hindi ko naman din kailangang sabihin pa sayo diba? May kontrata tayo."

Gustong sampalin ni Jeany si Kame sa mga naririnig nya, pero totoo naman ang sinabi nito. May kontrata sila hanggang sa makuha nito ang mana, pero hindi ang inaasahan nya, ang huling pinag usapan nila, magiging ok na ang relasyon nila, na aayusin nila pero iba ang sitwasyon ngayon.

"So all this time, pinapa asa mo lang ako na magiging ok tong relasyon natin ganun ba?" Nangingig ang boses ni Jeany.

"Hindi kita pina paasa, kusa kang umasa diba?"

"Ah ganun ba? Sorry ha, akala ko kasi narinig ko mismo sa bibig mo na susubukan mong maging maayos ang relasyon natin, I guess, imagination ko lang yun."

"I'm sorry, Jeany."

"No, you shouldn't be. Ok lang naman sakin, isa pa, parehas naman tayong nakikinabang sa fake relationship na to. Simula ngayon, hindi na kita papakialamanan, kung anak mo nga ang dinadala ni Erika, ikaw ang bahalang mag desisyon kung ano ang gusto mo. Wala kang maririnig sakin na kahit ano."

"Dun ako matutulog sa kabilag kwarto."

"Hindi na kailangan, mag asawa pa din naman tayo kaya dito tayo matutulog, isa pa, gusto mo bang ireport ng mga tauhan ng lola mo na may alitan tayo?"

"Tama ka, mas makakabuti para sakin to."

"Sige, goodnight" I hate you. I hate you so much.

A/N: yehey! Comment and vote po kayo :) medyo sad ang update ko, pero basahin nyo pa din sana. Tnx


My Celebrity HusbandWhere stories live. Discover now